1038 Masyadong mahina

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nirespeto ng referee ang desisyon ng kalaban mula sa mga Sun. Tutal hindi na kailangan magpahinga ni Bing Xin, maari ng magpatuloy ang kompetisyon.

"Mag-ingat ka. Talagang malakas si Bing Xin…" nakasimangot na sabi ng gwardya.

Kamangha-mangha ang lakas niya, pero hin pa din ito sapat kumpata kay Bing Xin.

Higit pa dito, hindi nakita ni Liu Cen ang galaw ng Bing Xin, pero matapos ang isang sandali, lumipad na siya mula sa entablado at natalo.

Mula samga lugar ng manunuos, nakaramdam ng pagkabigo si Ye Wab Wan. Hindi ba masyadong mahina ang binatang gwardya ng mga Si? Hindi karapat-dapat na banggitin si Bing Xin sa kanya. Medyo nakakabagot ang martial arts conference na ito...

Matapos ang isang pag-uuaap, napagdesisyunan ng mga Si na ipadala ang pangalawa sa pinakamalas na miyembro, si Li Yue, sa entablado.

"Gwardya ng Si, Li Yue. Pakiusap!" pumunta sa entablado si Li Yue at binati ang kanyang kalaban habang nakita niya na hawak ni Bing Xin ang kanyang kamao.

"Umalis ka na," malamig na sabi ni Bing Xin.

Nagulat si Li Yue nang marinig ito. Nang magising ang kanyang diwa, nangutya siya. Malakas si Bing Xin pero hindi ba masyado siyang arogante?

Gayunpaman, bago pa makasagot si Li Yue, isang pigura ang kumislap sa harap niya at isang dalubhasang sakit ang naramdaman niya sa kanyang tyan.

Matapos nito, naihagis si Li Yue katulad ng nagdaang gwardya sa isang sipa lang.

"Si Bing Xin ng mga Sun ang nanalo!"

Inanunsyo ng referee team ang kinalabasan ng laban.

Matapos na napunta si Li Yue sa sahig, hindi siya makaimik. Masyadong malakas si Bing Xin! Hindi man lang siya nakaganti!

"Huwag nang mag-aksaya pa ng oras. Mapatuloy tayo," malamig na sabi ni Bing Xin habang nakatingin sa mga gwardya ng Si.

Ang kompetisyon sa pagitan ng mga Sun at mga Si ay nakaalinsunod sa patakaran na limang-laban-at-tatlong-panalo. Kung mananalo pa ng isang laban ang mga Sun, matatalo ang mga Si sa kompetisyon.

"Napakaarogante!" pagkutya ni Li Yue bago lumingon sa kapwa gwardya. "Boss, ikaw pumunta. Gayunpaman, mag-ingat ka. Masyado siyang malakas.

Isang lalaki ang naglakad patungo sa entablado.

Bago pa makapagsalita ang lalaki, sumigaw muli si Bing Xin, "Baba!"

Matapos sumigaw, pinanood ng madla ang pinakamalakas na miymebro ng grupo ng mga Si na sumunod sa yapak ng dalawa niyang kasama at naihagis siya sa entablado sa isang iglap.

"Tatlong talo sa mga Si at tagumpay para sa mga Sun."

Inanunsyo ng referee team ang kinalabasan ng unang laban.

Nanghimutok na lang ang lahat.

Tutal, ang negosyo ang pokus ng mga Si at hindi martial arts tulad ng mga Sun, alam na kahit hindi pa sabihin na mananalo ang mga Sun dahil sa lakas nila.

Hindi nagbago ang itsura ni Ye Wan Wan dahil sa inaasahan niyang mangyayari ito.

Tutal, ang mga Sun ay isang martial arts na aristokratong pamilya at mataas ang tingin nila sa martial arts conference, kaya natural na pipiliin nila ang mga pangunahing eksperto sa kanilang pamilya. Kahit na hindi kaya ng limang gwardya ng mga Si ito, wala sila sa nukha ng mga Sun.

Gusto ng mga gwardya ng mga Si na magpakain na lang sa lupa. Isa itong limang-laban-at-tatlong-panalo na kompetisyon, pero nagdusa sila sa kabiguan at hindi man lang nakaabot sa panlimang laban.

Ang hindi kapani-paniwala ay si Bing Xin ang pinakamahina sa grupo ng mga Sun.

avataravatar
Next chapter