369 Masyadong kahanga-hanga ang BOSS mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Flexible ang oras ng pagtatrabaho ng mga manager at hindi kailangan na nasa opisina sila buong araw. Matapos na ayusin ni Ye Wan Wan ang training schedule ni Luo Chen, nakipag-ayos pa sa isang fitness trainer at nutritionist at gumawa ng crew recuitment ad, kumuha siya ng taxi papunta sa Si Corporation.

Hinatid siya ng maliit na sekretarya sa office ng chairman.

Nang makaramdam na may bumabagabag sa taong ito, na may misteryosong relasyon sa chairman, sinubukang magsuri ng maliit na sekretarya, "Mr. Ye, mukhang abala po kayo ngayon."

Kinurot ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay at hindi tumanggi: "Oo! Sobrang abala…"

Napakurap ang maliit na sekretary. "Ano pong problema? May nangyari po ba?"

Baka yung chairman… ay nag-alboroto na naman?

Nakarinig na lang ng maramdaming paghinga mula sa magandang lalaki sa tabi niya. "Masyadong kahanga-hanga ang BOSS mo…"

Maliit na sekretarya: "..." Huh???

Bakit parang… katunog nito ang isang taong nababahala kasi masyadong maganda ang girlfriend niya...

Sa loob ng opisina ng chairman.

Nang makapasok si Ye Wan Wan, may inaayos pang trabaho si Si Ye Han at nasa gitna siya video call sa kanyang computer.

Pumunta si Ye Wan Wan sa sofa at umupo. Habang nag-aantay, inihilig niya ang kanyang baba sa kanyang kamay at tinitigan ang lalaking nakaupo sa lamesa, na mahusay na nagsasalita ng German sa kanyang bluetooth headset.

Mayroong malaking bintana sa likod ng lalaki; ang sinag ng araw sa abot-tanaw ay gumawa ng kakaibahan sa malamig na itsura ng lalaki, na lumikha ng napakagandang larawan.

Isama na pati ang kanyang itim na kilay; ang maitim, malalim at maaliwalas niyang mata; ang manipis niya mga labi at ang mga busilak niyang katangian.

Nakaupo lang siya doon, pero sobrang lamig ng itsura niya na parang walang kasiglahan ng isang tao. Isang tingin lang ay alam na ni Ye Wan Wan na wala ng kukumpara pa sa magandang tanawing ito kahit na madami siyang napagdaanan sa buhay...

Hirap na nilihis ni Ye Wan Wan ang kanyang tingin, muntik na siyang gumuho at idiniin ang kanyang pisngi sa kanyang palad.

Kasalanan 'to...

Nakakamangha...

Masyado siyang nakakamangha...

Paano ko siya uuwi kung ganito siya kagwapo?

Kung nakita ng magulang ko kung gaano siya kagawapo, hindi ba sila mag-aalala?

Totoo nga, ang kasamaan na dinulot natin ay ang pinakamahirap tiisin...

...

Sa huli, hindi na namili si Ye Wan Wan ng candlelit dinner sa isang mamahaling restaurant. Sa halip, pumalagi siya sa isang lamesa sa isang bar.

Salungat sa personalidad ni Si Ye Han ang lugar, pero sa isang maingay na lugar, parang nasa gawa-gawa na lugar ng kapayapaan at kasiyahan ang presensya ni Si Ye Han, na nakakapagsariwa ng isip.

Hinilig ni Ye Wan Wan ang kanyang baba sa kanyang palad at tinitigan ang gwapo na nakaupo salungat niya, nanghihimutok at nangyayamot. Napansin niya na dahang-dahan ibinaba ni Si Ye Han ang baso. Inangat nito ang kanyang ulo at nakahilig ang kanyang katawan sa sofa at napunta kay Ye Wan Wan ang nakakamanghang pagtingin nito. Bahagyang gumalaw ang kanyang maninipis na labi at sabing, "Tapos ka na ba tumingin?"

*cough cough cough cough...* sandaling nagulat si Ye Wan Wan bago siya na diliryo at ubo ng ubo, napansin niya na walang hiya na ang pagtitig niya dito, kaya nahihiya niyang sinabi, "Yan, ah… masyado kang gwapo, kaya nakatitig ako!"

Napirmi na din sa wakas ang pag-iisip ni Ye Wan Wan at handa ng makipag-usap sa tungkulin. "Baby, narinig mo yung sinabi ko kagabi sa salu-salo ng kaarawan ng lolo ko? Yung sinabi ko kay Gu Yue Ze sa pagtutol sa engagement…"

Si Ye Han: "En."

Base sa itsura ni Si Ye Han, mukhang maganda ang mood nito.

Agad na kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan at sinubukang magtanong, "'Yon… pwede ba akong humiling ng kaunti para sa mabuti kong asal?"

Uminom si Si Ye Han sa kanyang wine at tinignan siya ng patagilid. "Ano iyon?"

avataravatar
Next chapter