1049 Masyado kang mahina

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Paano… paano naging posible ito…"

Ang lahat ay nasa iisang pwesto na lamang at natatakot sila nang makita nila ang binugbog na si Yamamoto Tsubasa. Nakanganga rin ang lahat pero wala silang masabi.

Ito ay parang panaginip. Si Yamamoto Tsubasa na tinalo si Wolf King Senny ng isang sapak lamang, ay tumalsik ng ilang metrong layo nang makaharap niya ang inakalang mahina na si Ye Wan Wan!

"Sinadya niya bang magpatalo sa kanya?!"

Nakasimangot ang martial artist ng Sun family. Hindi niya inakala na matatalo si Yamamoto Tsubasa gamit ang isang atake ni Ye Wan Wan!

"Sinadya niya… nagloloko ka ba? Hindi nga ginagamit ni Ye Wan Wan ang lahat ng lakas niya kanina… ang bawat atake ay mas malakas pa kaysa sa una. Nawalan nga ng pagkakataon si Yamamoto Tsubasa na makapag-react sa nangyari, kaya bakit niya naman sasadyain na gawing madali ang buhay ni Ye Wan Wan!" Sabi ng martial artist nang may malalim na emosyon.

Kahit sino na marunong sa martial arts ay makakapansin kung may bigayan sa pagitan ng laban ng mga eksperto. Napansin na kanina ng marami sa mga martial artists na manonood na pinapadali ni Qin Ruo Xi ang laban nila ni Sun Xue Zhen. Paano pa kaya ang napakalakas na pwersa ni Ye Wan Wan.

Kinilabutan si Master Mu na nakaupo sa VIP at manghang-mangha siya nang makita niya si Ye Wan Wan. Nag-iba ang awra na pumapalibot sa babae noong umatake siya.

At ang importante sa lahat, bakit pamilyar ang mabilis at pasabog na mga galawan na nangyari kay Ye Wan Wan...

Lumaki ang mga mata ni Wolf King Senny dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Hindi man naiintindihan ng ibang mga tao kung gaano ka-lakas si Yamamoto Tsubasa, pero tinalo nito si Wolf King Senny gamit ang isang atake lamang, kaya hindi ba't malalaman niya na malakas na kalaban si Yamamoto Tsubasa?

Pero ang Si representative na walang alam sa martial arts ay...

Ilang segundo ang lumipas at tumayo na si Yamamoto Tsubasa. Kuminang ang kanyang mga mata habang tinititigan niya si Ye Wan Wan.

"Masyado kang mahina…" ngumisi si Yamamoto Tsubasa. "Hinayaan ko talaga na suntukin mo ako kanina. Malas ka dahil hindi ko naramdaman ang suntok mo— nakakadismaya ka naman."

Para kay Yamamoto Tsubasa, malakas ang babaeng ito, ngunit naisahan lamang siya nito dahil hindi pa siya handang umatake. Siyempre, hindi niya sasabihin ito sa harap ng lahat.

Napaisip ang lahat ng marinig nila ang mga salita ni Yamamoto Tsubasa. Mukhang pinapadali lang ni Yamamoto Tsubasa ang laban nila ni Ye Wan Wan at pinapayagan niya itong lumaban sa kanya...

"Heh… akala ko talaga na may talento ang babaeng ito. Pero ang laban pala na ito ay dahil pinapadali lang ni Yamamoto Tsubasa ang laban." Mapangutyang sinabi ni Sun Xue Zhen.

Kumalma ng kaunti si Qin Ruo Xi, pero ang mga kamay niya ay naka-kamao pa rin...

"Pero… masasabi ko na malakas ang babaeng ito," nagkomento ang isa sa mga disipulo ng Sun family.

Kasalukuyan na tinitingnan ni Yamamoto Tsubasa ang walang reaksyon na si Ye Wan Wan habang marka sa kanyang mukha ang nakakakilabot na ngiti. Mabilis siyang umatake kay Ye Wan Wan.

Swish!

Maririnig ang tunog ng hangin at tinaas ni Yamamoto Tsubasa ang kanyang binti habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa. Ang ginawa niya ay magandang kombinasyon ng lakas at bilis sa likod ng kanyang malakas na sipa.

Ito ang atake na ginawa niya noong tinalo ni Yamamoto Tsubasa si Wolf King Senny kanina.

Nalibang ang Sun at Qin families habang pinapanood nila sa isang gilid ang laban. Naisip nila na mukhang mapipilay ang Si representative sa sipa na ito dahil natalo si Wolf King Senny kanina gamit ang atake na ito.

Gayunpaman, may ilang mga tao pa rin na nag-aalala para kay Ye Wan Wan. Batang babae lamang siya at hindi rin siya martial artist. Hindi ba't masyadong masahol naman ang atake ni Yamamoto Tsubasa?

Swish!

Bago pa makapag-react ang lahat, ginawa rin ni Ye Wan Wan ang kaparehas na atake ni Yamamoto Tsubasa bilang panlaban sa kanya.

Gumamit si Ye Wan Wan ng kakaibang anggulo kahit na hindi perpekto ang bilis at lakas ng kanyang atake. Humampas ang sipa ni Ye Wan Wan sa likod ng tuhod ni Yamamoto Tsubasa bago pa ito makailag sa kanya.

avataravatar
Next chapter