151 Masyado kang mahina

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagsalita si Ye Wan Wan ng hindi nag aatubili, "Chu Feng, iwas! pakaliwa!"

Nahilo na si Chu Feng pero buti na lang mabilis siyang nakagalaw, umiwas siya pakaliwa. Mabilis siyang nakasingit ng suntok kay Song Zi Hang.

"Atake sa kanang tadyang!" patuloy na sinabi ni Ye Wan Wan.

Hindi agad nakaharang si Song Zi Hang at nakabukas para masuntok ang kanyang kanang tadyang. Napaluhod siya sa sobrang sakit na epekto ng suntok ni Chu Feng.

Naghahandang tumayo si Song Zi Hang, handang umatake sa tiyan ni Chu Feng at mabilis na pasigaw na nagbabala si Ye Wan Wan, "Harangan mo ang tiyan mo!"

...

Lumipas ang ilang minuto, ang binugbog na si Chu Feng ay unti-unting nananalo na. Kahit ano pang galaw ang ginawa ni Song ZI Hang, alam na niya kung paano ito iwasan at suntukin.

Punong-puno ng galit si Song Zi Hang na nakatitig kay Ye Wan Wan na para bang gusto niya itong kainin, "Chu Feng, sinong hindi karapat-dapat maging lalaki sa atin? Malaking lalake na tulad mo ay dinidiktahan ng babae kung paano makipaglaban?!

Inosente ang mukha ni Ye Wan Wan at sinabi, "Oo, babae lang ako na nagsasabi ng walang kwentang mga bagay, pero kinaya kong tulungan siya na mabugbog ka na parang baboy. Captain Song, mukhang masyado ka nang nanghihina?"

"Ikaw.." Nagiinit sa galit si Song Zi Hang.

Hindi kapani-paniwala na alam ni Ye Wan Wan ang susunod na galaw ni Song Zi Hang, bawat galaw niya ay kabisado ni Ye Wan Wan.

Baka na-train si Ye Wan Wan?

Pero babae siya, paano naman yun?!

Gumastos ang tatay ni Song Zi Hang para turuan si Song Zi Hang ng internationally renowned na master. Kung natuto siya hanggang maisaulo ang bawat lesson, sapat yun para matalo si Chu Feng. Ngunit, paano malalaman ni Ye Wan Wan ang mga galaw niya?

Sa panahon na iyon, nagtipon na para manood ang mga estudyante sa paligid nila. Nag-alala si Song Zi Hang na kung ipinagpatuloy niya pa ito, wala na siyang mukhang maiharap sa mga tao. Natapos na ang away at tumitig na lamang ng masama si Song Zi Hang sa tatlo, "Jiang Yan Ran, magsisisi ka sa ginawa mo!" at umalis na lang siya.

Pagkaalis ng galit na si Song Zi Hang, pinunasan ni Chu Feng ang dugo sa gilid ng labi niya at sabik na lumapit kay Ye Wan Wan, "Wanwan-jie, ang galing mo! Paano mo nahulaan ang bawat galaw niya na parang nababasa mo ang nasa isip niya?"

Nagagalak at natutuwa na tiningnan ni Jiang Yan Ran si Ye Wan Wan.

Medyo naubo si Ye Wan Wan, "Mas malinaw pag papanuorin mo siya ng mabuti! Basura ang skills ni Song Zi Hang; mahuhulaan niyo din siya kapag oobserbahan mo ng malapit!"

"Ah…"

Walang na-suspetya ang dalawa.

"Nagdudugo ka na…" Tiningnan ni Jiang Yan Ran ang lalaking may mga sugat sa kanyang bibig at mata. Naawa niyang sinabi, "Pasensya na at nasangkot pa kita sa kaguhulan na'to"

Kinamot ni Chu Feng ang ulo niya at makikita na namumula ang kanyang tainga, bumalik siya sa natural niyang makwelang sarili, "Nah, wala akong kwenta at hindi kita naprotektahan ng maayos! Simula ngayon, mageensayo na kong makipaglaban!"

Hindi na alam ni Jiang Yan Ran ang sasabihin kaya sinabi niya na lang, "Samahan na kita sa school nurse!"

Gusto sanang sabihin ni Chu Feng na wag nang mag-abala pa si Jiang Yan Ran, pero sinenyasan ni Ye Wan Wan gamit ang kaniyang mga mata na hayaan ni Chu Feng na sumama si Jiang Yan Ran sakanya. Nilunok ni Chu Feng ang sasabihin niya dapat at sinabi, "Guguluhin ko pa araw mo pero...sige!"

Lumingon si Jiang Yan Ran kay Ye Wan Wan, "Wan Wan, mauna ka nang kumain at sasamahan ko muna si Chu Feng sa nurse."

Kumaway si Ye Wan Wan sa kanila, "Sige lang, sige lang!"

Pagkaalis ni Jiang Yan Ran at Chu Feng, Walang kibot na tumayo lang si Ye Wan Wan at nagisip ng malalim.

Sa totoo lang, sa mga magaling at bihasa nang fighters, madali lang malaman ang galawan at plano ng kanilang kalaban.

Sa mga taong tulad nila, madali lang laruin ang kanilang kalaban na parang one plus one equals two--likas itong pag-uugali ng isang propesyonal.

avataravatar
Next chapter