524 Masuwerte ka isa kang kapatid

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos ang maingat na pag-iisip, napagpasyahan ni Ye Wan Wan na sabihin ang tungkol sa pagpapanggap niya bilang isang lalaki sa panahong ito. "Kamakailan lang ako nakasama sa industriya, kaya hindi pa ako gaanong kilala. Ipaaalam ko sa inyo kapag nakagawa na ako ng pangalan para sa aking sarili."

Tila may naalala si Jiang Yan Ran nang siya ay lumingon kay Ye Wan Wan. "Oh tama, Wan Wan, sinabi mo na kukunin mo ako sa hinaharap - hindi mo naman siguro nakalimutan ang tungkol doon, diba?"

Tumawa si Ye Wan Wan. "Syempre naman hindi. Yan Ran, hindi mo kailangan magmadali sa debut ngayon - pagtuunan mong pag-aralan ang mga madadali. Sa oras na nakagraduate kana, nakatapak na dapat ako sa industriya ng entertainment."

Huminto si Ye Wan Wan saka humarap upang tignan ang babaeng nasa tabi niya at nagpatuloy, "kukunin kita para hindi ka magdusa kasama ko!"

Matapos marinig ni Jiang Yan Ran na sabihin iyon ni Ye Wan Wan, mabilis na namula ang kanyang pisnge at siya ay tumango. "En, pag-iigihan ko ang trabaho at gagawin ako ang lahat ng makakaya ko!"

Tinignan ni Chu Feng ang kanyang girlfriend saka humarap kay Ye Wan Wan at bumulong, " Wan Wan-jie…"

"Ano iyon?" tinignan ni Ye Wan Wan si Chu Feng.

"Maaari mo ba akong turuan…" kagat ni Chu Feng ang kanyang labi.

"Turuan ng alin?" hindi naintindihan ni Ye Wan Wan.

"Turuan mo ako kung paano lumandi ng mga babae!" maramdaming sabi ni Chu Feng.

Hindi maka-imik si Ye Wan Wan. "Sigurado ka bang gusto mo itanong sa isang kapatid ang tanong na katulad niyan?"

Binigyan siya ni Chu Feng ng tingin saka marahang nagsalita, "Masuwerte ka isang kang kapatid…"

Sa kabilang banda, hindi ako makakapayag na makipag-laro sayo si Yan Ran, okay?

Mapangasar na ngiti ang binitawan ni Ye Wan Wab. "Siyempre. Kung hindi ako isang kapatid, sa tingin mo ba magagawa mong makamit ang kahit ano ngayon?"

Hindi na nagawang itanggi pa iyon ni Chu Feng…

Kung si Wan Wan-jie ay isang lalaki, ang tunggalian na ito ay maaring sobrang nakakatakot, ha!

Sa kabuuan, Ito lamang ay isang hindi pagkakaintindihan - ang mga bagay kila Jiang Yan Ran at Chu Feng ay maayos na.

Ang lalaking ito, na si Chu Feng, ay tinanong ako kung paano manlandi ng babae ngunit ang taong may alam kung paano lumandi ay ang lalaking ito mismo!

Dahil kahit gaano pa kahusay ang isa sa pang-aakit, hindi nito matatalo ng isang pusong totoo.

Simula ng maayos na ang hindi pagkakaintindihan, hindi na ninais pa ni Ye Wan Wan na maging takaw tingin; sinabi niya sa kanila na mayroon siyang kailangan daluhan at nauna ng umalis.

Nang sandaling umalis siya ng restaurant, ang WeChat sa kanyang work phone ay nagsimulang tumunog.

[Gong Xu: Ye-ge, bakit wala ka pa sa opisina?]

[Gong Xu: Ye-ge, mayroon akong shoot ng isang magazine cover ngayon - hindi ka ba sasama sa akin?]

[Gong Xu: Ye-ge, libre ka ba ngayong gabi? Ililibre kita ng hapunan!]

[Gong Xu: Ye-ge, Ye-ge, bakit hindi ka sumasagot?]

[Gong Xu: Eh… pakiramdam ko para akong napalayas sa isang malamig na palasyo [1]... wag mo akong baliwalain…]

...

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan ng mabasa niya ang tuloy-tuloy na mensahe sa WeChat - ganito talaga ang istilo ni Gong Xu. naunawaan na niya ito noon nang mabasa niya ang ipinadala niyang mensahe kay Han Xian Yu.

Ito ay isang mabilis na pagbabago kay Luo Chen na isang mensahe lang ipinapadala sa isang oras at diretso sa punto - binabalita niya lang ang kanyang schedule sa araw na iyon at tanging ginugulo lang siya nito sa mga bagay na kailangan lang niya ng tulong.

Sinagot muna ni Ye Wan Wan si Luo Chen bago si Gong Xu: [Ano bang nangyayari? Wala kang gaanong mahalagang events kamakailan; magiging maayos ka sa assistant na sasama sayo.]

Nasend na ni Ye Wan Wan ang sagot niya pagkatapos segundo lang ng sumagot si Gong Xu.

Una, nagpadala siya ng isang malaking exclamation mark, at sinundan ito ng: [talagang si Luo Chen muna ang sinagot mo bago ako!!!]

Napatitig si Ye Wan Wan sa screen na puno ng exclamation mark, ganap na natuliro. [kasama mo si Luo Chen ngayon?]

[Gong Xu: nakasalubong ko siya sa may lobby! Wag mo iwasan ang tanong ko!!!]

[Ye Wan Wan: may kaibahan ba kung sino ang una kong sasagutin?]

[Gong Xu: Siyempre meron! Sa susunod ako muna DAPAT ang una mong sagutin!]

[Ye Wan Wan: Kausap ko ang nakababata kong kapatid ngayong araw; sabi niya gusto niya ng lalaki na matanda na mag-isip at masigasig.]

[Gong Xu: Si Luo Chen ang aking senior; sa tingin ko siya talaga dapat ang una mong sasagutin!]

Ye Wanwan: ...

avataravatar
Next chapter