600 Masunuring pumunta doon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa may bar.

Ang kaakit-akit na mukha ni Gong Xu ay naging hindi maganda nang makita niya kung paano ginugulo si Ye Wan Wan ng buong gabi.

"Tabi, tabi. Akin lamang si Ye-ge, kaya kahit alam niya paano magbasa ng kapalara, akin lang ang kaya niyang basahin!" nagalit si Gong Xu at hinila niya si Ye Wan Wan upang umupoo sa tabi niya.

Sa wakas nagawa na ni Ye Wan Wan ng makakuha ng katahimikan, salamat lahat kay Gong Xu.

Matapos niyang umupo, lumingon si Ye Wan Wan kay Han Xian Yu at walang nagawang tinanong, "ano ang eksaktong sinabi sa akin ni Xin-jie?"

At walang nagawang sumagot din si Han Xian Yu: "Kamakailan, sinasabi niya sa lahat na nakakilala siya ng isang kakilakilabot na eksperto nahulaan na makukuha niya daw ang Golden Orchid award ngayon taon.

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan na para bang masakit ang ulo.

Habang kausap niya si Han Xian Yu, sabik na daldalan ang dumating mula sa kabila.

Ang nakita niya lang ay isang lalaking artista na nakasuot ng napaka fashioble napapatingin ang lahat habang siya ay naglalakad papasok; maraming artist ang lumapit upang tanungin ang tungkol sa kanyang outfit.

Tumitig si Ye Wan Wan sa avant-garde na lalaking artista at bumulong, "ang artistang na 'yan sa gitna ay si…."

Sumulyap si Han Xian Yu sa kanya. "Kamusta? Interesado? Isa siyang baguhan sa Assembly of Stars Entertainment at mayroon ng manager."

Assembly of Stars Entertainment?"

Nang marinig ang apat nasalitang 'yon, nagdilim ang mukha ni Ye Wan Wan.

Ang Assembly of Stars ay ang kumpanya na pinapatakbo ng pamilya ni Shen Meng Qi.

Paliwanag ni Han Xian Yu, " En. Simula ang stylist, na si He Jun Cheng, ay sumali sa Assembly of Stars Entertainment, ang kanilang baguhan ay nagsimulang magmukhang maayos at ay kilala na sa kanilang fashion-forward style ng damit. Ang mahalaga, ang bawat baguhan ay mayroong sariling style. Maaaring sabihin ito na ang Assembly of Stars Entertainment ay kayang matagumpay na maglabas ng maraming baguhan sa maikling oras ng dahil kay Hu Ju Cheng…"

Nakikinig sa sinasabi ni Han Xian Yu, puno ng katatawanan ang puso ni Ye Wan Wan.

Dahil kay He Jun Cheng?

Simula ng maloko ang kanyang kapatid na si, Ye Mu Feng, ni Shen Meng Qi upang makarating sa Assembly of Stars Entertainment, ang lahat ng baguhan ay talagang inayusan niya.

Dahil lang iyon sa ilamlim ng panloloko ni Shen Meng Qi, ang lahat ng credit at status ay napupunta sa Assembly of Stars Entertainment head stylist, He Jun Cheng.

Ang dahilan ni Shen Meng Qi ay ang pamilya ni Ye Mu Fan ngayon ay medyo sinusura ng Ye Group matapos ang lahat.

Sinabi ni Shen Meng Qi sa kanyang kapatid na kapag siya ay high-profile, maghahanap ng gulo ang Ye Group sa pamilyang Shen, kaya ginawa itago ni Shen Meng Qi ang kanyang kapatid behind-the-scenes habang si Hu Ju Cheng ang kumukuha ng lahat ng credit para sa pagsisikap ni Ye Mu Fan.

Mababa talaga ang IQ ng taong nagmamahal...

Kailangan talaga niya itong ibigay sa kanyang kapatid para sa paniniwala niya kay Shen Meng Qi ng walang kahit anong reklamo o pagsisisi.

Nagpaalila siya ng sobra para sa Assembly of Stars Enttertainment at ang matrabahong bagay ay binibigay sa kanya. Kapag ang kanyang halaga ay nawala, sisipain na lang siya ni Shen Meng Qi palayo…

Nang makita ni Han Xian YU na nagbago ang itsura ni Ye Wan Wan, kaagad niyang ibinaba ang kanyang baso at nag tanong, "anong problema? Mukhang hindi ka maayos."

Itinango ni Ye Wan Wan ang kanyang ulo. "Wala."

Nagalit lang sa isang tanga.

Nag-aalalang tumingin sa kanyan si Han Xian Yu. inabot niya ito at hinawakan ang noo ni Ye Wan Wan. "Sigurado ka?" 

Ngunit si Ye Wan Wan at sinigurado siya, "oo, ayos lang ako, wag ka mag-alala."

Si Gong Xu na nakaupo lang sa tabi ni Ye Wan Wan, hinawakan niya ang likod ni Ye Wan Wan ng mayeffort , ngunit sa bandang huli, patuloy pa din niyang kausap si Han Xian Yu na nagdulot ng magkainis ni Gong Xu.

Habang siya ay nagsasalita, napansin niya na si Luo Chen ay nakaupo sa isang gilid mag isa at hindi nakikipaghalubilo sa kahit na sino. Siyia ayu bumuntong hininga at tinawag si Luo Chen, "Luo Chen, halika at maupo ka dito!"

Nagliwanag ang mga mata ni Luo Chen ng sandaling tawagin siya ni Ye Wan Wan ay siya ay sumunod na pumunta.

avataravatar
Next chapter