1091 Masunurin na Great White

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kumurap si Ye Wan Wan. Hm, inutusan siya na ilapit ang kanyang kamay at nilapit niya naman? Hindi ba't, imposible 'yon?

At sa isang saglit… nakita ni Ye Wan Wan na inangat ni Great White ang mabalbon at malaman niyang kamay kay Ye Wan Wan...

Ano! Gumana iyon?!

Hindi maaari! Magandang oportunidad ito! Kailangan kong hawakan ang kanyang kamay!

Tinanggal muna ni Ye Wan Wan ang kanyang costume bago niya inunat ang kamay upang hawakan ang malaman na kamay ng tigre.

Ah, ang sarap sa pakiramdam na mahawakan siya!

At tsaka, hindi nanlaban si Great White! Hindi man lang siya umungol o sumagitsit sa akin!!!

Naiiyak naman ako...

Oo nga pala, bakit ang laki ng pagkakaiba ng dalawang ito?

Kalahating taon niyang pinaghirapang makuha ang tiwala sa kanya ni Great White at ngayon lang siya nakalapit sa kanya sa tinagal ng pagpapakain niya ng karne sa tigre na ito.

Kung nais niyang hawakan ang tigre, kailangan ay makahanap siya ng isang hindi inaasahang araw na magkakataong makakaligo siya upang malinis ang pagkatao niya… pero nakadepende pa rin ito sa swerte...

Ngunit nagawang mapasunod ni Tang Tang si Great White ng isang utusan lamang.

"Pwede ko bang mahawakan ang isang kamay niya rin?" Sabik na sinabi ni Ye Wan Wan.

Tumango si Tang Tang at sinabi, "Great White, ibigay mo ang isang kamay mo."

Agad na inangat ni Great White ang kanyang kamay.

Ye Wanwan: "…!!!"

Anak ko nga siya! Ang galing niya! Sobrang proud sayo si Mommy!

Mabilis na nag-request ulit si Ye Wan Wan. "Pwede ko ba siyang i-pet ng tatlong minuto? Ay, hindi hindi, sampung minuto, pwede?"

Sa pagkakataon na iyon, hindi kaagad pumayag si Tang Tang. Bigla na lamang siyang napayuko at bumulong, "Pwe… pwede bang i-pet din ni Mommy si Tang Tang?"

Nakita ni Ye Wan Wan ang batang ito na nakayuko sa kalungkutan at nagmukha tuloy itong baby animal kaya halos sumabog ang puso ni Ye Wan Wan dahil sa sobrang cute na si Tang Tang. Hinila niya sa kanyang yakap si Tang Tang at sinabi, "Siyempre namab pwede! Si Tang Tang ang pinakagusto ni Mommy sa lahat!"

Tumikom at napangiti si Tang Tang.

Hindi naiwasang matawa ni Ye Wan Wan nang yakapin niya si Tang Tang. Magkaparehas kasi si Tang Tang at Si Yr Han—kahit si Great White ay pinagseselosan niya!

Yakap pa rin ni Ye Wan Wan si Tang Tang nang tinanong niya ito, "Tang Tang, gusto mo ba si Mommy?"

"Gusto ko si Mommy!" Walang anuman na tumango si Tang Tang. Makikita sa kanyang mga mata ang pagmamahal sa kanyang Mommy.

Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at bigla siyang napa-isip nang isang masinsing katanungan, "Hm… gusto mo ba ako dahil ako ang mommy mo?"

Siguro dahil gustong-gusto niya ang batang ito kaya bigla niya itong tinanong.

Nagustuhan ba siya ni Tang Tang bilang tao? O dahil tinuturing niyang nanay niya si Ye Wan Wan?

Napa-isip si Tang Tang at bigla siyang umiling. "Nagustuhan kaagad ni Tang Tang si Mommy noong unang beses pa lamang na nakita ni Tang Tang si Mommy."

"Unang beses? Iyon ba yung pumunta ka ng China para hanapin ako?" Tanong ni Ye Wan Wan.

"Hindi. Yung nag-video call kayo ni Tito. Na… nakita ko si Mommy sa video…" namula ang pisngi ng batang lalaki at parang nahiya siya sa sinabi niya.

"Oh, talaga? Nakita mo ako noon?" Nagulat si Ye Wan Wan sa sinabi niya.

Mukhang walang pakialam si Tang Tang noong nag-video call sila ni Nameless Nie, pero napansin niya pa rin si Ye Wan Wan?

"Opo, ang ganda nga ni Mommy…" tumango sa sobrang katuwaan si Tang Tang.

Makikita ang kasiyahan sa mukha ni Ye Wan Wan. Parehas talaga sila ng anak niya, mabulaklak ang pananalita!

Nagpatuloy si Tang Tang, "Pagkatapos ng video call na iyon, sinubukan ulit ni Tang Tang na i-video call si tito para makita si Mommy… miss na miss na ni Tang Tang si Mommy noon…"

Biglang lumambot at kumirot ang puso ni Ye Wan Wan nang makita niya ang malungkot na itsura ng batang ito.

Tumalikod si Tang Tang upang tingnan si Ye Wan Wan nang may kumikinang na mga mata. "At pagkatapos ay sinabi na ni Tito kay Tang Tang na ikaw nga ang Mommy ko! Sigurado na si Tang Tang noon pa man na ikaw ang Mommy ko!"

avataravatar
Next chapter