955 Master, Tulong!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung alam lanh nila ito nung una pa lang, nanatili na lang sana sila sa bahay at nauwi sa kanilang nakakatakot na training!

Bakit kailangan nating sagutin ang ganitong nakakatakot na tanong?!

Sino ang pinakamamahal ng kanilang master?

Tanong pa ba ito na kailangan ng tanungin?

Bagamat matagal silang nawala sa tabi ng kanilang master, kahit na ang talagang alam nila na ang pinakamamahal ng kanialng master ay ang pinaka pinuno ng pamilyang Si!

Sino ang kanilang master?

Siya ay ang magandang Black Widow na mayroong hindi mabilang na mga lalaki, ngunit ngayon, dahil sa pinuno ng pamilyang Si, sinuko niya ang isang malaking kagubatan ng mga lalaki. Siya ay dumating mula sa malayong lugar sa China upang makita nila ang isa't isa araw-araw at magkaroon ng matamis, romantic dates. Sa kanyang mata, hindi karapat-dapat sa isang tingin ang ibang lalaki!

Ito ay totoong pagibig!

Napaka halata ng kasagutan… gayunpaman, ang pagiisip ng dalawa ay sinasabi na. Hindi. Dapat. Nila. Sabihin. Ang. Totoo!

Napagdesisyonang sabihin ni Tang Bin, "ang taong pinakamamahal ni Master… Ay… Ay, syempre, ikaw, young master!"

Sinundan ni Song Qiang ang kanyang pangunguna. "Tama, tama! Maliban sayo, young master, sino pa kaya?"

Sa kasamaang pala, ang munting demonyo ay malinaw na hindi uto-uto. "Iyon na 'yon?"

Tang Bin: "Opo…"

Song Qiang: "Opo, opo."

Habang ang dalawa ay nagsimula ng manginig sa takot, ang ikalawang agaw buhay na tanong ay dumating.

Nie Tangxiao: "Ang taong tinatawag ni Mommy na baby, sino iyon?"

Tang*na--

Baby…?!

Tanging ginagamit ng kanilang master ang ganito kalapit na titolo walang iba kundi ang gawapong pinuno ng pamilya! Wala ng takas!

Natinginan ang dalawa, sabay na nagisip. Hindi ba iyon ang sarili mong ama?

Matapo dumating ng young master, pasikreto nilang iniisip ng madaming beses kung sino ang kanyang totoong ama. Matapos mapag-isip isip ito ng madaming beses, napagpasyahan nila na ang head ng pamilya ng mga Si ay malamang ang ama.

Pero paano kung hindi siya?

Ang kanilang sagot ay hindi lang isang pasumalang hula!

Master, tulungan mo kami...

Sa kalagitnaan ng kanilang loobing pangungusap, sa wakas dumating na ang sasakyan.

"Andito na tayo, maaari ka ng bumaba!" pagkatapos, i-park ni Ye Wan Wan ang sasakyan.

Nakaramdam ang dalawa na para bang pinagkalooban sila ng amnesty at madaling inilabas ang munting bata sa sasakyan.

Ang lahat ng ito ay pasasalamat kay Ye Yiyi at Ye Shao An na nagbabayad sa kanilang sariling bulsa sa advertising na ang kanilang "A Life of Death Struggle" premiere screening ay nakatanggap ng napakadamig atensyon. Nilalarawan ng headlines ang insidente bago pa mag gabi ay na ipaskil na sa lahat ng tabloids kaninang umaga. Ang lahat ng miyembro ng media at pumunta ng ngayong para sa premiere screening ngayon ng walang imbitasyon.

Dagdag pa, mayroon din mga fans, kaya napaka buhay ng venue.

"AHHHHHHH! Gong Xu Gong Xu!"

"Luo Chen, I LOVE YOU!"

Dumating si Ye Wan Wan sa parehong oras bilang pangunahing miyembro, na si Gong Xu at Luo Chen. sila ay literal na napapalibutan ng mga reporter at fans habang sila ay papalapit na naglalakad.

Sumusunod malapit si Han Xianyu sa likutran dahil siya ay gumanap din ng isang supporting role sa pelikula bilang isang pabor para sa isang kaibigan.

Ng dumating si Han Xianyu, ang kabuuan ng venue ay sumabog sa sigawan at hiyawan.

Ang grupo ni Ye Wan Wan ay dumaan sa isang kakaibang daanan, kaya sila ay hindi nakapukaw ng kahit anong atensyon mula sa media at fans.

"Halika, Tangtang, dito tayo dadaan!" hinawakan ni Ye Wan Wan ang maliit na kamay ni Tangtang.

Tumango ang munting bata at tahimik na inaninagan ang dami ng tao. Napakadaming tao sa venue kaya ito ay masyadong magulo at masikip. Hindi na niya makilala ang tatlong tao na napapalibutan.

Ang screening ay naganap sa isang malaki, open field. Hindi kalayuan mula sa lugar na ito ay ang isang hotel para sa mga artista at staff.

Inaayos muna ni Ye Wan Wan si Tangtang sa break room bago pumunta sa kanyang mga gagawin.

Ang pangunahing bituin ng araw na iyon ay ang mga creative staff mula sa production team. Si Ye Mu Fan ay dadalo bilang representative ng kanilang kumpanya. Samantala, kailangan lang magpakita saglit ni Ye Wan Wan upang putulin ang ribbon kasama ang lahat at magsusunog ng insenso saka siya maaaring bumalik sa break room.

avataravatar
Next chapter