webnovel

Masisira ang plano niya!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tiningnan ni Mo Xuan si Ye Wan Wan, "Dahil nakatulog naman na si 9th master, mauuna na ako."

Wala namang napansin na kakaiba si Ye Wan Wan kay Mo Xuan, kaya tumango na lang siya at sumagot, "Sige po."

Nang makaalis na si Mo Xuan, sinamahan na lang ni Ye Wan Wan si SI Ye Han sa loob ng kalahating oras bago makumpirma na talagang nakatulog na ang binata at saka na siya bumalik sa kanyang kwarto.

Nang sumunod na araw.

Sa ilalim ng pergola ng hardin, ginagawa ni Si Ye Han ang kanyang trabaho samantalang homework naman ang inaasikasong tapusin ni Ye Wan Wan habang nasa tabi ng binata. Kapwa seryoso at nakapokus sa kani-kaniyang ginagawa, maaliwalas ang mga hitsura.

Maaaring dahil sa maayos na tuolog ni Si Ye Han kaya nasa magandang kondisyon siya ng buong araw. Ni hindi man lang siya nambabato kapag aksidenteng nakakatapon ng tubig ang kasambahay niya sa kanyang mga papel. Bihira lang siya magmaktol at pinapaalis na lamang ang kasambahay, saka uutusan si Xu Yi na isulat ulit ang dokumento.

Napatulala ang kasambahay na tila parang nasa isang panaginip siya.

Maingat na dinala ni Xu Yi ang isinulat na dokumento kay Si Ye Han saka nanatiling nakatayo ng tahimik sa isang tabi.

Nitong nakaraang dalawang araw, napuno ng kaguluhan ang isip ni Xu Yi. Bigla na lamang naging masunurin si Ye Wan Wan na hindi niya napigilang tanungin ang sarili kung nasaniban ba ang babaeng ito.

Maging ang matandang babae ay talagang nagustuhan siya at ang noo'y mga kinatatakutan niyang mangyari ay hindi nga nangyari.

Siguro nga'y masyado lang akong nagiisip ng kung anu-ano?

Ilang sandali pa'y, tumunog ang telepono.

Tiningnan ni Xu Yi ang mesa at inalam kung sino ang tumatawag sa cellphone ni Ye Wan Wan. Sa screen ng cellphone lumabas ang pangngalan ni Shen Meng Qi.

Nang makita niya ang pangngalan, nakaramdam muli ng kaba sa puso si Xu Yi...

Mabilis na natapos na ni Ye Wan Wan ang lahat ng kanyang homework at habang nagiisip pa siya sa gagawin niya sa kanyang Math subject, isang tawag ang pumukaw ng kanyang pansin.

Nang makita ang pangngalan, nanlaki ang mga mata ni Ye Wan Wan.

Si Shen Meng Qi...

Kung naaalala niya ng tama, si Shen Meng Qi sa nakaraan ay sa ganitong oras din siya tumawag para sabihing naasksidente si Gu Yue Ze.

Ngunit sa pagkakataong ito, hindi alam ni Shen Meng Qi na nasa bahay siya ng pamilyang Ye, pero tumawag pa rin siya...

Naintindihan naman niya ito dahil kaya naman niyang baguhin ang mga pangyayari sa antigong bahay na ito pero hindi na niya magagawang mapigilan pa ang aksidenteng kahihinatnan ni Gu Yue Ze sa kotse.

Sa pagkakataon na makapanggulo, hindi na ito pinalagpas pa ni Shen Meng Qi at saka nagpumilit na tumawag pa tulad ng ginawa niya sa nakaraan.

"Akin na ang tawag na yan!" ipinaalam ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han saka naglakad papalayo sa may mga puno.

Sumulyap si Si Ye Han kay Ye Wan Wan at saka nandilim na naman ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Ilang sandali matapos lumayo ni Ye Wan Wan, tumunog din ang cellphone ni Xu Yi.

Hindi makapaniwala sa sinasabi ng taong kausap sa telepono, unti-unting namutla ang mukhani Xu Yi na parang katapusan ng mundo.

May ilang sandali pa, ibinibaba ni Xu Yi ang kanyang telepono at tiningnan si Si Ye Han na tila hindi na mapakali. Nagalinlangan pa sa kung ano ang sasabihin niya.

Alam ni Si Ye Han ang kakaibang kinikilos ni Xu Yi kaya mariin siyang tumitig sa kasama, "Magsalita ka."

Nanigas ang katawan ni Xu Yi saka nagsabi, "Nak...naka...nakatanggap po ako ng tawag. Naaksidente raw po sa sinasakyang kotse si Gu Yue Ze. Mukhang nasa kritikal nasa kondisyon siya at nasa ospital na siya ngayon…"

Matapos sabihin ang mga iyon, hindi na nagpatuloy pa sa pagsasalita si Xu Yi.

Ang matagal na niyang kinatatakutang mangyari ay mas seryoso pa sa naisip niya pwedeng mangyari!

Maaaring gayun din ang tawag na natanggap ni Ye Wan Wan mula kay Shen Meng Qi.

Sobrang nasaktan si Gu Yue Ze--paano mapipigilan ni Ye Wan Wan ag sarili na puntahan siya? Sa oras na marinig niya ang balita, siguradong masisiwalat na ang kanyang plano!

Next chapter