373 Masaya ka na nyan?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maliban na lang kung babae ako?

P*nyeta, babae nga AKO; babae ako na gusto ng lalake, pwede ba?

Pero ang problema, kapag nalaman ng ibang tao na babae ako, paano naman ang nasirang kasunduan namin ni Si Ye Han?

Kumpara sa maliit na tupa na si Luo Chen, halata naman na ang malupit na demonyo ang mas matinik na problema.

Kaya hindi pwede mabunyag na babae talaga ako!

Napaisip na lang siya ng iba pang paraan para ipaliwanag ang mga bagay-bagay kay Luo Chen...

Kahit na gustong tumulong ni Han Xian Yu, wala na siyang magagawa pa, kaya naman umalis na siya matapos niyang pulutin ang kanyang mga beer. Bago umalis, maingat niya namang sinara ang pinto.

Sa loob ng apartment, tinignan ng masama ni Ye Wan Wan si Si Ye Han. "Masaya ka na ba?"

Ang laki na ng binayad ko...

Umupo ang payat at matangkad na katawan ni Si Ye Han sa sofa, tinignan siya ng mga malalim at hindi matatagusan na mga mata nito. "Tingin mo talagang tutol ako sa pagiging panget?"

Dahil sa tinitigan siya ng mga ganoong mata, hindi namamalayang tinanong ni Ye Wan Wan, "Edi… ano pala?"

Wala ng sinabi pa si Si Ye Han, pero sa pagtitig nito, pinaramdam niya kay Ye Wan Wan ang lamig at pag-ulila na parang walang saysay ang nasa paligid niya.

Ang malayo at malamig na lalaki na parang walang emosyong pantao ay pinaparamdan kay Ye Wan Wan ang kalungkutan at pag-iisa.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang anino ng lalaking at bahagyang sumakit ang kanyang puso.

Sige...

Kailangan niyang aminin, na ang dahilan kung bakit gusto niyang makilala ni Si Ye Han ang magulang ay hindi dahil sa lumalago na ang kanilang relasyon, kung hindi ay para lumambot naman ang pag-uugali ni Si Ye Han patungo sa kanyang magulang. Natatakot siya na baka may magawa si Si Ye Han na ikakapahamak ng mga magulang niya.

Alam niya na simula ng mamuhay siyang muli, hindi pa siya nakakaramdam ng seguridad at hindi pa niya pinapahayag ng totoo ang kanyang sarili sa ibang tao.

Gayunpaman, sa ganitong klaseng relasyon, bakit naman wala siyang paglalaanan?

Kahit na namuhay siyang muli, naisip niya na pagtiisan na lang ang mga bagay hanggang sa mamatay si Si Ye Han, para makalaya siya at makawala.

Naalala niya na hindi naging maganda ang kalusugan ni Si Ye Han - nag-umpisa ng naging kumplikado ang kalusugan niya simula ng taon na naghiwalay sila ni Si Ye Han, para bang natuyuan ang langis sa lampara ni Si Ye Han, na sa kaunting panahon na lang ay mamamatay na siya.

Naalala niya na hindi din mahawakang maigi ni si Si Ye Han noon ang panulat ng pinipirmahan niya ang divorce papers.

Matapos niyang iwan si Si Ye Han, naririnig-rinig niya na lang ang kritikal niyang kondisyon sa mga dyaryo at tsismis.

Kahit na madaming isyu si Si Ye Han sa kanyang kalusugan, hindi itatanggi ni Ye Wan Wan na ang panghihimasok niya ang nagpabilis sa kanyang kamatayan.

Sa nakaraan niyang buhay, dahil sa kanya, tinrato ni Si Ye Han na parang kaaway ang kanyang pamilya at inasikaso ang mga bahay sa tahanan at labas, kasama na din ang mga tangkang pagpapatay sa kanya. Dahil sa patong-patong na problema, mas lalong bumilis ang paghina ng kanyang katawan.

Dahil sa matinding nararamdam ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan ay hindi na niya ito nakayanan, kaya lagi niyang naiisip na lumayas at magpakalayo-layo.

Pero ang hindi na maitatanggi na kahit sa nakaraang buhay o ngayon, kahit na gaano pa nakakatakot ang lalaking ito sa panlabas, hindi niya sinaktan si Ye Wan Wan o ang mga tao sa paligid niya mula sa umpisa hanggang sa huli.

Gayunpaman, matapos ng mamuhay siyang muli, madami siyang nadiskubre na mga katangian ni Si Ye Han na hindi niya pa nakikita noon.

Gusto niya lang magkaroon ng kalayaan at pangalagaan ang kanyang buhay...

Pero bakit sa tuwing iisip niya ang paglala ng kalusugan ni Si Ye Han, naisip ang sakit nito, naisip niya sa ilang mga taon, magkakaroon ng malalang sakit si Si Ye Han… para bang may wumawasak sa kanyang puso?

Sa totoo lang, alam na alam ni Si Ye Han mismo - alam niya na sadyang umaarte lang si Ye Wan Wan...

avataravatar
Next chapter