webnovel

Masasaktan ka ba?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lahat sila ay nasa panganib ang buhay.

Ang walang hiyang ginawa ni Gong Xu ang naging pag-asa ng lahat sa madilim na pangyayari.

Sinikatan ng ilaw ang mga mata ng mapayat na guwardiya. Nakaluhod pa rin siya habang humihinga siya ng malalim. Tiningnan niya si Eleven at tinanong niya ito, "Eleven! Division Leader Eleven! Dahil walang babae dito, magsama na lang tayo gusto mo? Magkukunwari akong bakla kahit saglit lang."

Nangitim na parang pwet ng palayok ang mukha ni Eleven. "Mas gugustuhin ko na lang na patayin ni Miss Wan Wan…"

Tulad ng inaasahan, hindi magagaya ng kahit sino ang malandi at hindi mapapantay na ugali ni Gong Xu.

Susugurin sana ni Si Ye Han ang mga artistang hawak ni Ye Wan Wan dahil sa sobrang galit na nanaig sa kanyang damdamin, ngunit bigla siyang kumalma nang makita niya ang pananakit na ginawa ni Ye Wan Wan sa tauhan niya.

Tinanggap na ni Xu Yi ang kapalaran nang mga guwardiya habang pinapanood niya ang bumabangis na si Miss Wan Wan sa tuwing binubugbog nkya ang mga tauhan nito at si master naman ay masayang pinapanood ang pangyayaring ito.

Kakaibang okasyon na si Miss Wan Wan ang naging seloso sa oras na ito at siya pa kamo ang nagwawala. Hindi na sila umaasa kay Master na tutulungan niya ang mga guwardiya...

Nakikiramay na si Xu Yi sa mga taong inaatake ni Ye Wan Wan, ngunit napahinto siya nang mapansin niya ang aninong papalapit sa kanya.

"Ah!" Nahulog una pwet si Xu Yi sa lapag.

"Ikaw ang lehitimong asawa?" Tinitigan ni Ye Wan Wan si Xu Yi at makikita sa kanyang mata ang nais niyang pumatay.

Gulat na gulay si Xu Yi. "Hindi… hindi ako iyon! Wala akong kinalaman dito! I-ikaw… ikaw ang asawa niya!!!"

Bakit nakikinig pa rin si Ye Wan Wan sa kanya? Pulang-pula na parang apoy ang mga mata niya habang nilalapitan niya si Xu Yi at intensyon niyang bugbugin ito.

"Ah! 9th Master—" takot na takot si Xu Yi.

Bago pa dumampi ang suntok ni Ye Wan Wan kay Xu Yi, mabilis na pinigilan ni Si Ye Han ang suntok nito.

Pinagmasdan ni Xu Yi ang kamao ni Ye Wan Wan na sentimetro lamang ang layo sa kanyang mukha at bigla siyang bumuntong hininga, muntikan na siyang mahimatay.

Tinitigan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han, na nagligtas kay Xu Yi, at muntikan na siyang sumabog sa oras na iyon. Galit na galit niya itong tinanong, "Masasaktan ka ba kapag sinuntok ko siya?"

Ano… ano raw?

Muntikan nang mabaliw si Xu Yi. Umiling siya na parang isang rattle-drum. "Hindi! Hindi!!! Hindi iyon ang ibig sabihin nito!!!"

Anong klaseng utak ito?! Luluhod ako sa kanyang talampakan!!!

Tiningnan ni Si Ye Han kung paano sasabog sa sobrang galit si Ye Wan Wan at biglang nawala ang galit sa kanyang puso. Hinawakan ng malaking kamay niya ang maliit na kamay ni Ye Wan Wan, makikita sa madilim niyang mga mata ang galit na itsura ng babae. Ang mababa at magaspang niyang boses ay maririnig sa gabing iyon. "Nalulungkot ang puso ko para sayo. Masakit ba ang kamay mo?"

Kahit na binutas niya ang kotse, ang kamay niya ang maputi at maganda pa rin, hindi makikita ang bahid ng sugat dito.

Nabighani si Ye Wan Wan sa nakakaakit na mukha ni Si Ye Han. Nagdadalawang isip si Ye Wan Wan nang tanungin niya ito, "Gusto… gusto mo ba akong mahalin?"

Ang boses ni Ye Wan Wan ay pang-lalaki pa rin ngunit unti-unting bumalik ito sa boses niyang pambabae.

Mabuti na lang at hindi masyadong malakas ang boses niya habang si Gong Xu at ang iba ay nagtatago sa malayo, kaya hindi nila narinig si Ye Wan Wan.

Katulad ng karagatan ng bituin ang mga mata ni Si Ye Han. "Sayo naman na ako noong una pa lang."

Lumaki ang mga mata ni Ye Wan Wan. "Eh? Talaga? Kailan pa? Bakit hindi ko ito alam?"

Kumibo ang mga labi ni Si Ye Han. "Malalaman mo kapag nawala na ang pagkalasing mo."

Hindi natutuwa si Ye Wan Wan. "Bakit hihintayin ko pa kung kailan wala na ang pagkalasing ko? Okay na ako na ganito ako!"

Napa-isip si Xu Yi at ang ibang mga bodyguards: 'Hindi okay sa amin na ganyan ka!!!'

Nagsimula sa walang kwentang rason ang pambubugbog na ito...

Ang mas nakakalungkot pa doon ay hindi man lang tinanong ng master nila kung okay lang ang mga biktima. Sa halip, tinanong niya ang nag-aatake kung masakit ang kamay niya!

Ang lupit naman nito!

Nagulat ang kanilang mga puso dahil lumabas si Master upang suyuin si Ye Wan Wan!

Ito ang unang beses na sumunod sila sa kanilang master nang buo ang loob nila! Ito pa ang nakapagligtas sa kanilang mga buhay!

Next chapter