455 Masamang pag-iisip

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Napahinto si Han Xian Yu nang marinig niya iyon. "Ilarawan...ikaw…?"

Nabigla rin si Ye Wan Wan. Halos gusto niyang patayin ang kanyang sarili nang maisip niya ang kanyang sinabi.

Kapag naging guilty ako, lalo akong nagwawala at mabilis akong gumawa ng katangahan!

Kaya dali-daling sinabi ni Ye Wan Wan, "Hindi… ang ibig sabihin ko ay… paano niya nilarawan ang babaeng nakatira dito?"

Nagtatakang tiningnan ni Han Xian Yu si Ye Wan Wan pero nagsalita siya matapos ang ilang segundo, "Hindi ako sigurado kung nakatira siya sa building natin…"

*ehem* "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko, ano nga bang sinabi ni Gong Xu? Baka nakita ko na yung babaeng iyon noon!" Mabilis na pinalitan ni Ye Wan Wan ang usapan.

Umupo si Han Xian Yu sa may sofa sa salas. Binuksan niya ang WeChat sa kanyang phone at ipinasa niya ito kay Ye Wan Wan. Dahan-dahan niyang hinilot ang kanyang ulo at sinabi, "Halos pahirapan hanggang sa mamatay ako ng lalaking yan kagabi. Pakinggan mo ito!"

Kinuha ni Ye Wan Wan ang phone at nakita niya ang private chat nila Han Xian Yu at Gong Xu. Ilang beses nag-send si Gong Xu ng mga voice message kay Han Xian Yu hanggang umabot ito ng madaling araw.

Binuksan ni Ye Wan Wan ang recording at ang narinig niya ay...

[Gong Xu: Yu-ge! Parang awa mo na! Isipin mong maigi kung nakita mo na siya noon! Palagay ko talaga na nakatira siya sa apartment building na iyon at baka kapitbahay mo pa siya!]

Ye Wan Wan: "..."

Nakakatakot naman siya mag-isip...

[Gong Xu: Suot niya ay kulay puting bestida na may nakaburdang bulaklak sa parehas na manggas at kwelyo niya. Naka ponytail siya at nakasuot siya ng kulay pink na stilettos. Parang lychee ang balat niya, ang mga mata niya ay parang mga almonds sa taas ng cake at ang labi niya ay parang cherry blossom jelly…]

Ye Wan Wan: "..."

Anong klaseng paglalarawan ito?

[Gong Xu: Yu-ge, Yu-ge! Wag mo kong pinagtatabuyan ng pansin! Magiging balngkong disyerto ang buhay ko kapag hindi ko siya nakita! Please, kailangan mo akong tulungan! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo!]

[Gong Xu: Uy! Yu-ge, tulog ka na ba? Hindi ako makatulog! Iniisip ko pa rin ang munting diwata! Hindi ko siya makukuha kahit bilhin ko ang lahat ng candied plums sa buong mundo. Anong gagawin ko?]

[Gong Xu: Yu-ge! Binangungot ako! Napanaghinipan ko na ikinulong ang munting diwata ko ng isang hari ng mga demonyo! Kailangan ko siyang tulungan!]

Ye Wan Wan: "..."

Tama na naman siya...

Halos mahigit kumulang na daan-daang voice message ang natitira pero sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan kahit kakaunti palang ang napakinggan niya. Kaawa-awa niyang tiningnan si Han Xian Yu na buing gabi na pinahirapan ni Gong Xu. "Lalaking ito ay parang…"

Hindi ako makapaniwala.

Biglang tumawa ng malakas sj Han Xian Yu. "Kung alam ko man kung sino ang babaeng ito, hindi ko rin sasabihin sa kanya - pipigilan ko siyang manakit ng babae kahit kailan pa man!"

Paulit-ulit na tumango si Ye Wan Wan, pinapakita niya ang kanyang pagpanig sa maayos ng intensyon ni Han Xian Yu. "Tama yan, tama!"

Napaisip muna si Han Xian Yu at bigla siyang bumulong, "Pero kakaiba ngayon ang ginagawa ni Gong Xu; noon, walang prinsipyo sa buhay si Gong Xu at humihindi siya sa lahat. Wala siyang hinabol na babae dahil para sa kanya, gambala lang ito. Ito ang unang beses na nakita ko siyang mag-first move at baliw na baliw talaga siya sa babaeng iyon…"

"Pero hindi pwedeng palitan ng leopard ang kanyang spots - wala namang nakakaalam kung gaano katagal siyang magiging interesado sa babaeng 'yon!"

Pagkatapos ng talasalitaan ni Han Xian Yu, bumalik na siya sa may seryosong usapan at sinabi, "Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan - malapit ng pumunta si Luo Chen sa casting ng "Terrifying Dragon 2." Malamang may plano si Zhou Wen Bin para pahirapan ka gamit ang mga koneksyon ni Gong Xu. Kailangan mong mag-ingat!"

Tumango si Ye Wan Wan. "Sige, naintindihan ko, salamat!"

avataravatar
Next chapter