644 Masama ba talaga akong tao?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Normal lang na sumagot si Ye Wan Wan, "Inasahan ko na ito lalo na sa ugaling mayroon si Chu Hong Guang."

"Maraming pera ang kailangan natin para mabili ang bahay na iyon at hindi natin ito kayang bayaran dahil malaki pa ang utang ni papa…" biglang nalugmok si Ye Mu Fan.

Hindi nagbago ang eskpresyon ni Ye Wan Wan nang sumagot siya kay Ye Mu Fan, "Dahil naglakas loob akong bawiin ang bahay na ito, malamang ay kaya ko rin itong bayaran."

Nakaramdam si Ye Mu Fan ng seguridad sa kanyang kapatid nang makita niya ang malinis at maayos na kasuotan ni Ye Wan Wan na may card pa sa kanyang damit.

Muntikan na siyang magpaka-alalay sa boss niyang ito bago niya malaman ang tunay na katauhan nito...

"Ano ba ang mga plano mo?" tinanong siya ni Ye Mu Fan.

"Plano kong mag-shoot ng isang drama serye at may naihanda na rin akong script para dito. Naghahanap pa lang naman ako ng lalaking bida at dahil andito ka na, hindi ko na kailangang mag-aalala sa styling nila, ang kailangan kong hanapin ngayon ay mga investors ng seryeng ito."

Nabigla sa kanya si Ye Mu Fan. "Ikaw mismo ang mag-shoot ng pelikula? Mahirap ang kompetisyon sa movie industry at maraming mga tao ang nauubusan ng pera sa kabiguan nila dito…"

"Sa susunod ko na lang sasabihin sayo ang mga detalye tungkol dito. Sa ngayon, pumunta tayo sa shopping center!" tumayo si Ye Wan Wan.

"Ah? Shopping center?" hindi siya naintindihan ni Ye Mu Fan.

"Ikaw na ngayon ang head stylist ng kumpanya; malamang, kailangan nating maghanap ng mga disenteng mga damit para sayo."

Nang marinig ito ni Ye Mu Fan, natandaan niya ang mga kakaibang mga tingin sa kanya ng tao noong pumunta siya ng interview na mababang kaledad ang kanyang suot kaya bigla siyang sumimangot.

Napaka-praktikal mag-isip ng mga tao ngayon, lalo na ang mga tao a loob ng industriya.

Tama si Wan Wan - kailangan na niya ng mga disenteng damit dahil malapit na siyang magsimula sa kanyang trabaho; kung hindi, hindi ba't magiging kahihiyan siya sa kanyang nakababatang kapatid?

Biglang nahiya si Ye Mu Fan. "Nahihiya lang ako kasi wala akong pera para makabili ng kahit anong bagay…"

Dumilim ang itsura ni Ye Wan Wan nang tiningnan niya ang kanyang kapatid - milyon ang nakukuhang pera ni He Jun Cheng dahil sa trabaho ni Ye Mu Fan ngunit siya ay isang hamak na pulubi lamang kaya hindi alam ni Ye Wan Wan ang sasabihin niya sa kanyang kapatid.

Sumagot sa kanya si Ye Wan Wan, "Pahihiramin muna kita ng pera. Gamitin mo na lang ang sweldo mo para bayaran ako. Halos kalahati lang ng sweldo mo ang katumbas ng mga damit na bibilhin natin - mas maganda nang dito natin gagastusin ang pera mo kaysa sa mga party at mga kalokohan mo!"

Paulit-ulit na tumango si Ye Mu Fan. "Sige, sige, pakikinggan kita… pero may isa akong kahilingan!"

"Ano yun?"

Biglang umubo si Ye Mu Fan. "Ah… pwede ka bang mag pang-babaeng damit at samahan mo akong magshopping? Hindi ba parang weird na makita ang dalawang lalaki na magkasamang mag-shopping? Baka mapagkamalan tayong… alam mo na…"

"Akala ko ba mahilig ka sa babae at lalaki? Anong pakialam mo sa ganoong kaisipan?" makatarungan sa sumagot si Ye Wan Wan.

Biglang nagalit si Ye Mu Fan. "Punyeta! Sinong nagsabi sayo na mahilig ako sa babae at lalaki? 'Wag kang maniwala sa mga walang kwentang pinagsasabi ng mga bobong kaibigan ko, okay?"

"Masaya ako na hindi ka pala ganoon. Parehas na lalaki ang hawak kong mga arista kaya nag-aalala ako na baka hindi nila maramdaman na ligtas sila."

"Masama ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"Ano sa tingin mo?"

"..."

Hindi niya inasahan na ganito ang tingin sa kanya ng kanyang kapatid. Kailangan niya nang mag-iba ng landas at magsimula ulit ng panibago...

Pagkaalis nila ng kumpanya, sinunod niya na lamang ang makulit na pagmamakaawa sa kanya ni Ye Mu Fan at naghanap si Ye Wan Wan ng lugar para magbihis siya ng pang-babae.

Matapos ang ilang sandali, nagmanehao si Ye Wan Wan sa isang mamahalin na shopping center habang kasama niya si Ye Mu Fan na maghanap g mga bagong damit nito.

"Ano sa tingin mo, Wan Wan?"

Sinuot ni Ye Mu Fan ang isang damit na Versace limited edition at lumabas siya ng fitting room.

Mula ulo hanggang paa ang transpormasyon ni Ye Mu Fan. Ang suot niya ay ang kulay wine-red na western suit - mahirap suotin ang ganitong kulay pero nagmukhang mamahalin, elegante at charming siya sa damit na ito. Ang lahat ng mga sales assistants ay nakatago sa gilid habang manghang-mangha sila kay Ye Mu Fan.

Wala siyang masabi sa kaakit akit na itsura ng kanyang kapatid at mas lalo pang umangat ang itsura ni Ye Mu Fan sa kasuotan niyang ito, tunay nga na pinagpala ang kanyang mukha.

avataravatar
Next chapter