1183 Masakit sa mata ang taste niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Natapos ka na…"

Narinig ang boses ni Ye Mu Fan nang makita niya ang kanyang kapatid.

Madalang niya nang nakikita ang kapatid niya na nakapang-babae na mga damit, maliban na lang sa madalang nilang pagbisita sa old residence para makita ang kanilang lolo at lola.

Nakasuot ng itim si Ye Wan Wan na form fitting designer gown na may lace chocker na nakapalupot sa kanyang maputing leeg na manipis, tulad ng sa gansa. Nahulog sa kanyang balikat ang wavy niyang buhok. Ang mukha niya ay napakaganda na parang walang bahid ng mali dito, maliban na lang sa makeup niya na tila mas lalo siyang pinapaganda. Kasing puti ng nyebe ang kanyang balat, parang painting ang kanyang mga kilay, peach blossoms sa buwan ng March ang kanyang labi, at ang mga mata niya ay kumikinang tulad ng karagatan ng mga bituin...

Ang kasabihan na "walang kapantay at pambihira ang kagandahan" ay biglang umangat sa isip ni Ye Mu Fan.

Ang babae na nasa harapan niya ay mas maganda pa kaysa noong nakita niya ito sa selebrasyon ng kaarawan ng Lolo niya.

Nagulat siya noon nung nakita niya ang transpormasyon ni Ye Wan Wan noong selebrasyon ng kaarawan ng kanyang Lolo. Gayunpaman, sa loob lamang ng isang taon, sumailalim sa kakaibang transpormasyon ang babaeng ito.

Hindi lamang ang mukha niya ang nagbago, gayundin ang buong awra niya.

Parang malaki anh paghihirap niya sa kanyang cocoon noon hanggang sa lumabas ang makulay at magagandang pakpak at doon nakumpleto ang metamorphosis ng paru-paro...

"Kuya, okay lang ba ang itsura nito?" Inayos ni Ye Wan Wan ang kanyang kwelyo. "Dapat kulay pink na bestida ang susuotin ko, pero dahil nahirapan ako ng halos kalahating araw, napagdesisyonan ko na hindi ako pwedeng magsuot ng pangbata na kulay ng damit, kaya nagbago ang isip ko…"

Natandaan niya na mahilig siya noon sa kulay pink at maliwanag na mga kulay. Siguro dahil tumatanda na siya at sa trabaho niya, inayawan niya na ang mga kulay na pangbabae. Sa halip, natutunan niyang magsuot ng ng kulay itim.

Biglang umiling si Ye Mu Fan. "Hindi okay! Masyadong revealing!"

Kumibo ang labi ni Ye Wan Wan. "Balikat lang naman ang pinapakita ko."

"Hindi pa rin okay! Bumalik ka at ibahin mo ang damit mo! May ekstra akong damit sa trunk. Kunin ko para sayo." Mabilis na nilabas ni Ye Mu Fan ang bag sa trunk.

"Suotin mo ito! Maganda ito!" Mayabang na sinabi ni Ye Mu Fan.

Nangamba si Ye Wan Wan pero tinanggap niya pa rin ito dahil may tiwala siya kay Ye Mu Fan.

May nilabas na makulay na bestida si Ye Wan Wan sa kanyang bag...

Ang damit na ito ay parang isang color wheel; meron sigurong ilang daang makukulay na bulaklak na nakalagay dito. Long sleeve rin ito at mataas ang kwelyo, umaabot sa kanyang paanan ang dulo ng bestidang ito...

Ang sakit nito sa mata...

Mas nakakatakot ang mabulaklak na dress kaysa sa ribbon dress ni Gong Xu!

Binalik ni Ye Wan Wan ang pangit na bestida sa mga kamay ni Ye Mu Fan. "Hay, nako! Bakit trinatrato mo ng ganito ang kapatid mo?"

Matigas ang ulo si Ye Mu Fan, "Hindi… Wan Wan, tingnan mo ulit ito! Ang ganda kaya ng bestidang ito… fashionable at bukod tangi… hindi mo naiintindihan…"

Kumibit balikat si Ye Wan Wan. "Sayo na lang 'yan para kamanghaan mo!"

Sa loob ng lugar ng banquet:

Madiin na nilayo ni Tang Xing Huo ang mukha ni Gong Xu. "Tigilan mo na ang kaka-ungol mo! 800 beses ka nang nagtanong! Gwapo ka, okay? Sobra, sobra, sobra, sobrang gwapo, okay? Sa totoo lang! Anong diwata ang kumuha ng puso ni Yong Master Gong Xu?"

Pinapakalma ni Tang Xing Huo ang hindi mapakali na si Gong Xu nang bigla siyang may napansin sa gilid ng kanyang mga mata. May sinasabi si Ye Mu Fan sa mga staff member na namumuno sa pagtanggap ng mga bisita at siya si Xiao Cheng. Pagkatapos ay nakangiti na tumango si Xiao Cheng.

Bumalik sa labas si Ye Mu Fan at tila may dinala siya babae sa loob...

avataravatar
Next chapter