452 Mas matamis pa sa candied plums

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa totoo lang, wala nang kailangang ikatakot si Si Ming Li. Mabilis na malalamang ni old madam kung sino ang traidor dahil sa pagpu-pursigi niya sa imbestigasyon, ngunit ang pinaka-mahirap na problema sa ngayon ay kung sino talaga ang taong may pakana nito.

Kahit si Ye Wan Wan ay wala ring kaalam-alam kung sino ang taong may pakana ng gulong ito.

"Naintindihan ko. Kung meron mang balita sa panig ni old madam, pakisabihan kaagad ako," sabi ni Ye Wan Wan.

At mabilis na tumango si Xu Yi: "Opo!"

Biglang tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Xu Yi. "May tiwala na si housekeeper Xu sa akin ngayon?"

Malinaw sa kaalaman ni Xu Yi na patay na ang espiya at hindi nalaman ni Ye Wan Wan ang sikretong impormasyon tungkol sa espiyang iyon. Sa totoo lang, dapat nagsususpetya na si Xu Yi tungkol sa totoong pagkatao ni Ye Wan Wan.

Malumanay na sumagot si Xu Yi kay Ye Wan Wan, "Naniniwala ako sayo, Miss Wan Wan at naniniwala rin ako sa pagpapasya ni 9th master."

Tumawa bigla ng malakas si Ye Wan Wan. "Tama, mas mataas ang malay tao mo kaysa sa isang tao diyan!"

Alam ni Xu Yi kung sino ang tinutukoy ni Ye Wan Wan kaya bigla siyang napa-ubo at sinabi *ehem* "Si Liu Ying kasi ay… medyo matigas ang ulo…"

Hinayaan na lang ni Ye Wan Wan matapos ang usapan at sinabi niya, "Pupuntahan ko na si master mo! Handa na siguro ang medisina niya ngayong gabi 'di ba? Dadalhin ko na iyon!"

"Sige, dalhin ko dito!"

Matapos ang ilang sandali, kinuha ni Ye Wan Wan sa kamay ni Xu Yi ang medisina at umakyat siya pataas ng kwarto.

*Creak* tinulak niya pa-bukas ang pintuan.

Nakita niya si Si Ye Han na nakaupo sa yaring ratan na upuan sa may balkonahe. Nakalagay sa bilog na lamesa sa harapan niya ang isang takure na may tsaa at notebook na bumubuklat buklat dahil sa hangin ng gabing iyon.

Kakaibang pagkakataon talaga ang makitang hindi nagta-trabaho si Si Ye Han.

Kakaiba ang pakiramdam ni Ye Wan Wan dahil nakaramdam siya ng lungkot nang makita niyang tahimik na naka-upo si Si Ye Han, para bang nag-iisa ang lalaki sa buong mundo.

Parang malakas na diyos si Si Ye Han kapag nagta-trabaho siya, nag-iisip siya ng mga stratehiya at gumagawa pa siya ng mga plano - lahat ng bagay ay umayon sa kanyang mga plano at kontrol. Pero kapag nagpapahinga siya, para siyang nawawalang tao na hindi alam kung saan siya tutungo.

Ang lalaking ito...

Interesado ba siya sa ibang bagay kaysa sa trabaho?

Hindi ba likas lang sa isang tao na maging tamad paminsan-minsan?

Dahil sa sakit niya, nakahanap si Si Ye Han ng oras para makapagpahinga pero wala siyang magawang kahit ano para maging abala siya. Ang ginagawa niya lang ay umupo habang nakatameme!

Pilit na dinala ni Ye Wan Wan ang medisina sa kanya. "Inumin mo na ang medisina mo!"

Dahan dahan na lumingon si Si Ye Han nang marinig niya ang boses ng babae. Ang malalim niyang mga mata ay tumagpo kay Ye Wan Wan at luminaw ang kanyang paningin.

Ayaw marinig ni Si Ye Han ang pagpapagalit ni Ye Wan Wan kaya ininom niya kaagad ang medisina, nilagok siya ito ng isang inuman lang. Napaka-bait niya nung oras na iyon.

Napalunok si Ye Wan Wan kasi parang nalasahan niya rin ang pait ng medisina.

Pagkatapos uminom ni Si Ye Han, binaba ni Ye Wan Wan ang bowl ng medisina at bigla siyang naglabas ng candied plum na binili niya sa dessert shop. "Dali, buksan mo ang bibig mo!"

Tiningnan siya ni Si Ye Han.

Hindi na mahintay ni Ye Wan Wan ang magiging reaksyon ni Si Ye Han. Ginamir niya ang maliit niya kamay para pisilin ang candied plum at sinubo niya ito sa bunganga ni Si Ye Han, bigla siyang napatingin sa kanya ng puno ng kaba.

Maririnig ang mahinang tunog na "ka" sa buong kwarto - tunog ito ng nginata niyang candied plums bago ito mapunta sa kanyang dila. Nalasahan ni Si Ye Han ang matamis na lasa galing sa candy na sapilitang sinubo sa kanya, mabilis nitong tinanggal ang mapait na lasa ng medisina.

Mabilis na nagmalaki si Ye Wan Wan sa ginawa niya nang makita niyang okay na si Si Ye Han. "Matamis ba? Pumunta ako sa shop para bilhin ko ang candied plums para sayo! Sa susunod, kainin mo ang isang ganyan pagkatapos mong uminom ng medisina, tatanggalin ng candy ang mapait na lasa! Walang buto ang mga ito kaya madali lang siya kainin!"

"Hindi mo kailangan mag-abala para bilhan lang ako nito," sabi ni Si Ye Han.

Kumurap si Ye Wan Wan. "Hindi naman ako naabala Si Ye Han! Bakit kailangan mong itago ang mapait na lasa kung may paraan naman para maibsan ang kalbaryo mo?"

Sa oras na sinabi niya iyon, nakaramdam si Ye Wan Wan ng malakas na pwersang humila sa kanya at sa isang segundo, nasa braso na siya ni Si Ye Han. Lumibot sa kanyang tainga ang malalim at gasgas na boses ni Si Ye Han: "Gawin mo lang ito…"

——

[Sa loob ng kaisipan ni 9th master: Wan Wan, mas matamis ka kumpara sa candied plums o(* ̄▽ ̄*)ゞ]

avataravatar
Next chapter