1234 Mas Malawak na Plano

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nagtago ako sa puder ng Si family sa loob ng isang taon ay masasabi ko na si Miss Wan Wan at si Second Miss ay may koneksyon sa isat isa. Posible na si Ye Wan Wan ay si Second Miss mismo," tiningnan ni Feng Xuan Yi ang apat na tao na nasa kwarto.

"Huwag kang magsalita ng kung ano ano diyan." Umiling si Deboto. "Bulol, hindi mo yata alam na nahanap na si Second Miss."

Napakunot si Feng Xuan Yi. "Nahanap na si… Miss Worriless?"

"Oo nahanap na siya! Kung hindi, bakit naman mag-book ng tickets si Kapitan sa pagbalik natin?" Tumango si Spray of Flowers.

"Ganoon ba…" kakaiba ang mga mata ni Feng Xuan Yi.

Nagtago siya ng isang taon sa puder ng Si family dahil nandoon si Ye Wan Wan. Kahit na wala masyadong kaalaman si Ye Wan Wan ang tungkol kay Worriless Nie, may malaking posibilidad na si Ye Wan Wan ay si Worrliess Nie base sa impormasyon na nakuha niya mula sa Nie family.

Hindi pa sigurado si Feng Xuan Yi noong una, pero naging sigurado siya na si Ye Wan Wan ay si Worriles Nie dahil sa lasing na bersyon ni Ye Wan Wan...

May isang bagay lang na hindi maintindihan si Feng Xuan Yi.

Kung si Ye Wan Wan ay ang Second Miss ng Nie family, na si Worriless Nie, bakit niya nakalimutan ang lahat at siya mismo ang kumuha ng pagkatao ni Ye Wan Wan?

Inimbestigahan na ni Feng Xuan si Ye Wan Wan noon at wala namang butas sa kanyang pagkatao.

Ngunit noong nawala ang pinuno ng Si family na si Si Ye Han, pumasok si Feng Xuan Yi sa study room ni Si Ye Han para mag-imbestiga muli at aksidente niyang nakita ang briefcase na may nakasulat na "YWW" at doon niya nakita ang nakakamangha na CD na nagbulgar ng katotohanan.

Ang tunay na pagkatao ni Ye Wan Wan ay si Worriless Nie. Gayunpaman, pilit na binura ang memorya ni Worriless Nie at pinasak ito sa utak ni Ye Wan Wan gamit ang deep hypnosis na ginawa ng mga tauhan ni Si Ye Han.

Pinapakita nito ang dahilan kung bakit ginagamit ni Nameless Nie ang pagkatao ni Ye Wan Wan dahil nakalimutan nito na siya si Worriless Nie kaya hindi niya mamukhaan ang sarili niyang kapatid na si Nameless Nie.

Noong una, naisip ni Nameless Nie na sumama sa isang masahol na lalaki ang kapatid niya na si Worriless Nie. Hindi nawala ang kaisipan na ito kahit na si Si Ye Han man ang lalaking ito o hindi. Hindi pa rin maintindihan ni Feng Xuan Yi kung bakit binura ni Si Ye Han ang memorya ni Ye Wan Wan.

"Nahanap na si Second Miss! Matatapos na ang mga masasamang araw natin, salamat talaga!" Mapayapa at masaya si Spray of Flowers.

Hindi ito sinabi sa kanila ni Feng Xuan Yi. Hindi simple ang problema na ito.

Pagkatapos malaman ni Feng Xuan Yi ang pagkatao ni Ye Wan Wan sa study room ni Si Ye Han, sigurado siya na si Ye Wan Wan ay ang Second Miss ng Nie family, siya si Worriless Nie. Gayunpaman, sinabi sa kanila ng mga superiors nila na nahanap na si Second Miss Worriless Nie, kaya ang sinabi ni Feng Xuan Yi ay walang kabuluhan.

Kung si Ye Wan Wan ng China ang tunay na Second Miss ng Nie family, sino pala ang natagpuan nila na Worriless Nie sa Independent State?

Paano niya nalinlang ang pinuno ng Si family at si madam, nagawa niyang paniwalaan siya ng walang pagdududa ng Nie family...

Napakunot si Feng Xuan Yi. Natatakot siya na hindi simple ang problema na ito kung titingnan lamang ang ibabaw.

Siguro may malawak na pagbabalak sa likod ng lahat ng ito.

Bakit biglang nawala si Second Miss Worriless Nie at paano siya napunta kay Si Ye Han, binura ni Si Ye Han ang kanyang mga ala-ala bilang Second Miss ng Nie family ng Independent State...

avataravatar
Next chapter