1119 Mas maging mabagsik ka pa

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Malinaw na pinapakita sa fight scene na ito ang malaking pagbabago sa ugali ni Xue Shao Yang. Kailangan mas mabagsik siya ngayon kaya galingan mo!" Sabi ni Liu Qing.

Galit na tinawag ni Ye Wan Wan so Gong Xu nang makita niyang kinakaya-kaya nito si Jia Wen. "Gong Xu, pumunta ka dito. Pinapaliwanag ni Director Liu ang eksena mo. Naiintindihan mo ba na kailangan mong umarte mamaya?"

Bumalik na naman sa normal na ugali niya ang lalaking ito. Sinong makakasabi na babalik na naman siya sa kanyang normal na ugali kung kailan magsisimula na siyang umarte?

Makikita kay Gong Xu na ito ay isang walang kwentang bagay. "Alam ko, alam ko. Labanan lang ito 'di ba?! Mahusay ako sa labanan!"

Ye Wan Wan: "Kailangan mas mabagsik ka kapag makikipaglaban ka. Naintindihan mo?"

"Ganito ba? O ganito?" Biglang winagayway ni Gong Xu ang imaginary niyang buntot at pinalobo niya ang kanyang pisngi na parang isang chipmunk habang pinapakita niya ang mabagsik niyang itsura kay Ye Wan Wan.

Napahawak sa noo si Ye Wan Wan. "Huwag kang magkunwaring cute diyan!"

Kakayanin kaya ng lalaking ito…?

Umaayon ang lahat ng bagay sa plano niya maliban sa bratinelong si Gong Xu, na abnormal. Hindi niya ma-kontrol ang ugali ng lalaking ito.

Pagkatapos ng paghahanda, sinimulan na nila ang unang eksena pagkatapos ng espesyal na pagsasanay.

Three, two, one, and… start!!!" Sumigaw si Liu Qing.

Ang lalaking kalaban ni Gong Xu sa eksenang iyon ay matangkad at matipuno ang pangangatawan. Malaki ang pagkakaiba ng katawan niya kumpara kay Gong Xu. Mas malaki at matipuno ang awra niya.

Hindi magiging madali para kay Gong Xu kung gusto niyang magmukha na kaya niyang talunin ang kalaban niya…

Pagkasigaw ni Liu Qing, tumakbo papalapit sa isa't isa ang dalawa.

Biglang nagbago si Gong Xu nang marinig niya ang clapperboard. Siya ay parang asong ulol… hindi, naging isang mabagsik siyang lobo at sinugod niya ang lalaki!

Kahanga-hanga ang fight scene. Lumampas sa ekspektasyon ng lahat ang mga galaw at ang kontrol nila sa kanilang emosyon. Napawi ang lahat ng mga inaalala nila.

Ang performance na ito ay parang sumailalim sa milyon na training sessions ng pakikipaglaban.

Manghang-mangha ang lahat ng nanonood.

"F*ck… ang gwapo ni Gong Xu!"

"Hindi ko inakala na makikita ko ang ganitong parte ni Gong Xu… ang bagsik niya…"

Si Ye Mu Fan na kanina'y nawawalan na ng pag-asa ay kumikinang-kinang na ang mga mata niya ngayon. "Okay itong brat na ito! Akala ko kumakain lang siya ng kumakain sa pagsasanay nila sa training camp, pero makikita naman na natuto naman pala siya!"

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan bago niya sabihin, "Okay ang performance niya, pero hindi pa rin sapat ito kung gusto niyang makakuha ng award. Kailangan mas mabagsik pa siya."

Pagkatapos ng eksena, tinawag ni Liu Qing si Gong Xu. "Okay iyon, okay iyon, Gong Xu. Maayos ang acting mo pero mas maganda kung mas mabagsik pa. Kahit kaunti kabagsikan pa. Isipin mong maigi - nakita mong namatay ang teammate mo at nararamdaman mo na responsable ka sa pagkamatay niya. Nalulungkot ka at gusto mong ilabas ang galit mo sa kalaban mo. Sige, subukan ulit natin ang eksena niyo!"

"Perpekto na nga ang performance ko. Nabighani pa nga ako sa sarili kong talento!" Sabi ni Gong Xu, pinapakita niya ang pagiging matigasin niya. 

Ye Wan Wan: "Hindi pa sapat. Subukan mo ulit."

Gong Xu: "Opo, gagawin ko kaagad!"

Pagkatapos ng isang sandaling pagpapahinga, sinubukan muli ni Gong Xu sa pangalawang take.

Mas mahusay ito kaysa sa una niyang take.

Gayunpaman, naramdaman ni Liu Qing at Ye Wan Wan na parang may kulang pa rin.

Pinaliwanag muli ni Liu Qing kay Gong Xu ang eksena. "Hm, mas mahusay ito kaysa sa una mong performance, pero subukan mong mas lalong maging mabangis."

"Isipin mo ito. May isang mokong na bully sa mga mahihirap at nananakit para sa sarili niyang kasiyahan. Winarak niya ang bansang ito at marami sa mga tropa mo ang namatay dahil sa kanya."

"Sinayang mo ang dalawang taon at ngayon ay nakuha mo na siya. Anong mararamdaman mo kapag nakita mo siya? Ipakita mo ang mga emosyon na iyon at subukan ulit natin!"

avataravatar
Next chapter