881 Mas madaling imbitahan ang demonyo kaysa palayasin ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-iba rin ang emosyon sa mukha ni Si Ye Han. "Ang dark chamber…"

Malinaw na may hinandang tao si Si Ye Han para protektahan si Ye Wan Wan at hayaan nitong makaalis ng ligtas ang babae...

Noong nagising si Si Ye Han nang wala si Ye Wan Wan sa tabi niya, inakala niya na pumunta na ng China si Ye Wan Wan...

Dark chamber!

Ito ang kulungan ng Si family!

Mapipilay ang taong lalabas ng buhay sa dark chamber...

Biglang lumimig at naging nakakatakot ang pakiramdam ng paligid sa ward...

Sa loob ng dark chamber:

Nag-ring ang phone ni Si Ming Li, tinatawagan pala siya ni Feng Yi Ping.

Iritableng sinagot ni Si Ming Li ang tawag, "Hello? Ano 'yon?!"

Maingat na nagsalita si Feng Yi Ping sa kanya, "May problema tayo, fourth elder. Alam na ni 9th master ang tungkol doon at nagmamadali siyang pumunta sa presinto…"

"A… anong sinabi mo..."

Nagpa-panic na si Si Ming Li.

Pagkababa niya ng tawag, mabilis na pinunasan ni Si Ming Li ang pawis sa kanyang noo at naglakad siya patungo kay Ye Wan Wan. Nag-iba ang ugali niya at yumuko ng 90 degrees si Si Ming Li. "Ye… Miss Ye…"

Pilit na ngumiti si Ye Wan Wan kay Si Ming Li. "Okay lang naman ang lahat. Bakit biglang naging ceremonious si 4th uncle?"

Nang marinig niya ang kaparehas na sinabi ni Si Ye Han, biglang ngumiwi ng sobra ang mukha ni Si Ming Li ngunit pilit niyang tinago ang kanyang galit. "Miss Ye, patawarin mo ako kung naging bastos ako sayo noon - inaalala ko lamang ang kalusugan ni master at gusto ko lamang sagutin ang mga nakakatanda na nasa ospital kaya medyo bastos ang naging tono ng boses ko… babae ka pa naman at masyadong malamig dito. Dalian mo at umalis ka na dito!"

Okay lang kay Ye Wan Wan na nandoon siya. "Fourth uncle, okay lanag naman. Maluwang dito at interesado ako sa lugar. May libreng performance pa ng isang eksperto!"

"…"

Kumibo ang mukha ni Si Ming Li at hindi na niya maitago ang kanyang galit. "Binabalaan kita, Ye Wan Wan - gawin huwag mong tanggihan ang pinapa-inom sayo dahil ito na lang ang makakapagligtas ng buhay mo!"

Ye Wan Wan: "Salamat, fourth uncle, pero hindi ako umiinom."

Pinakita na ni Si Ming Li ang tunay niyang ugali habang pinapanood niya ang lumilipas na oras na papalapit na sa lugar na iyon si Si Ye Han.

"Anong tinatayo-tayo niyo diyan?! Tulungan niyong maka-alis sa lugar na ito si Miss Ye!" Walang galang na inutusan ni Si Ming Li ang mga guwardiya.

"Opo!" Nagtinginan ang dalawang guwardiya at agresibo nilang hinablot si Ye wan Wan.

Sa isang saglit, bago pa nila mahawakan si Ye Wan Wan, ang isa sa kanila ay tumalsik nang sinipa ito ni Ye Wan Wan.

"AH—" Pagkatapos ay nahulog sa lapag ang lalaki at nakaramdam siya ng lubhang sakit sa kanyang tuhod.

Nagulat pa rin si Si Ming Li kahit alam niya na marunong sa labanan si Ye Wan Wan nang makita niyang tumalsik ang isa sa mga tauhan niya dahil sa sipa nito, hindi na niya sinubukang lumapit pa sa kanya.

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang daliri at tiningnan niya si Si Ming Li sabay kaswal siyang tumawa. "Alam kaya ni fourth uncle ang kasabihang ito?"

Napakunot si Si Ming Li.

Nagpatuloy si Ye Wan Wan, "Mas madaling imbitahan ang demonyo kaysa palayasin ito."

Muntikan nang sumuka ng dugo si Si Ming Li sa sobrang galit niya. "Ikaw…"

Sa oras na ito, maririnig ang maraming mga hakbang na papalapit na sa kanila.

Tumalikod si Si Ming Li at nakita niya ang nakakatakot na nilalang. Nanigas ang buong katawan...

"Mas… master…"

Maliban pa kay Si Ye Han, nandoon din si old madam at nasa likod nila sila Xu Yi, Xu Chang Kun, Si Ming Rong, Feng Yi Ping at ilang grupo ng mga nakakatanda. Engrande ang pagdating nila.

"9th master…" nagulat ang torturer at bigla itong lumuhod.

"9th… 9th master!" Para bang nakakita ng multo ang dalawang guwardiya. Agad silang tumayo at lumuhod habang binabalot sila ng takot.

Hindi nila inakala na pupunta ng dark chamber si 9th master!

avataravatar
Next chapter