663 Mas hindi makatwiran at mas malaking bully

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ah! Dong Zai, nakakamangha si Gong Xu, hindi ba?!" nagtanong si Xiao Qing na may kinang sa kanyang mukha. "Hng, hayaan mo ang mga hindi makatwirang bullies na ito na na harapin ang isang higit pang hindi makatwiran at malaking bully!"

Ang maliit na assistant ni Gong Xu: "Uh…"

Pinupuri niya ba si Gong Xu o inaasar?

Gayonpaman, sa madalang kaganapan na ito, tinango ng maliit na assistant ang kanyang ulo sa pagsang-ayon - ito ang unang beses niyang naramdaman na ang hindi makatwirang artista na ito ay masyadong cool.

Sa sobrang galit ni Ling Shaozhe na mababasa sa kanyang mukha, ngunit wala siyang kahit anong ginawa. Madali lang niyang apihin si Luo Chen ng pera, pero anong gagawin niya kay Gong Xu?

Gusto mong gamitin ang pera para makipag-ayos kay Gong Xu? Kaya ka niyang durugin gamit ang pera...

Umarte si Gong Xu na parang ilang magaling na ninunu habang sinabu, "Ano pang hinihintay ninyo? Hubarin ninyo ito! Kumportable ba ang outfit ng young master, huh?"

Ling Shaozhe: "Ikaw…"

Umuusok sa galit si Wan Shanshan. "Gong Xu, huwag mo ng palakihin!"

Nagsimula ng magusap-usap ang maraming artista sa Emperor Sky.

"Gong Xu, hindi ka makatuwiran!"

"Sobra kana, umaarte ka na parang isang bida dito!"

Ngumit si Gong Xu, malinaw na nasa magandang mood. "Oh wow, iniisip ninyo na isa akong malaking shot kaysa sa inyong Ling Shaozhe? Hindi na masama, hindi na masama. Kahit paano may ideya na kayo sa sarili ninyong kakayahan!"

"Ikaw… ikaw-ikaw…"

Talagang matigas ang ulo ni Gong Xu. Ang grupo ng mga taong ito ay matagal na nag-usap, pero hindi pa sila makakuha ng ano man mula dito at lahat sila ay nagagalit sa kanya.

Sa sandaling ito, nagliwanag ang mga mata ni Wan Shanshan at biglang nangasar ng ilabas ang isang telepono at nag-play ng isang clip.

"Gong Xu, maghintay ka hanggang sa ma-post ko ang video na ito sa internet - tignan natin kung makaka arte kapang arogante!"

Binuksan niya ang clip at ito ay isang video mula sa part na kung saan tinapunan ni Gong Xu si Ling Shaozhe ng kape.

Nang makita ito, ang mukha nila Luo Chen at ang dalawang assistant ay nagbago.

Grabe na 'yan! Talagang sasadyain nilang maliin ang nangyari!

Habang nag-aalala si Luo Chen at ang dalawang assistant, tumawa lang si Gong Xu at umarte na parang nakatingin siya sa isang kumpol ng mga tanga. "Tsk, sinusubukan mong takutin ang young master na ito? Kaya ko pa lalong maging arogante; gusto mo akong subukan?"

Nang makita ang reaksyon ni Gong Xu, si Wan Shanshan ay nagulat at nanigas ang ngiti sa kanyang mukha.

Ang paraang ito ay effective sa iba, ngunit ang gamitin ito panakot kay Gong Xu…?

Sa sobrang daming isyu ng lalaking ito hindi na siya kailan man nag-aalangan sa kanila. Tulad ng kasabihin, "hindi na natatakot sa kumukulong tubig ang isang patay na baboy," ang kanyang reputasyon at nasa malalang kalagayan na. Na para namang matatakot pa siya dito.

Tumingin si Gong Xu sa kanyang assistant, Dong Zai, at sinabi, "kuhanan mo pa ako ng isa pang tasa ng kape! Matatapon pa ng madami ang young master dito at hahayaan kita na i-record itong lahat hangga't gusto mo!"

Nang marinig iyon, ang small-time artist mula sa Emperor Sky ay hindi naglakas loob na gumawa ng ingay. Namutla ang mukha ni Ling Shaozhe at hindi masayang tumingin kay Wan Shanshan.

Kung hindi ito para sa babaeng umaarteng matalino, wala siya ngayon sa kahihiyan ngayon!

Nasa isang dilemma si Wan Shanshan - hindi niya inaasahan na mahihirapan siya kay Gong Xu; siya ay hindi tinatablan ng pangungutya at masyadong matigas!

Napansin ni Wan Shanshan na hindi na niya maaayos pa ang gulong ito at walang magawa. Biglang, naalala niya ang usap-usapan tungkol sa pagiging takot niya sa kanyang bagong manager, kaya siya ay sumigaw, "Gong Xu, Huwag mo subukan! kapag nalaman ng manager mo, makikita mo kung paano paano ka sumagot dito!"

Sa sumunod na sandali ng sabihin ni Wan Shanshan iyon, nanigas ang mukha ni Gong Xu.

Sinubukan lang ni Wan Shanshan ang kanyang suwerte ngayon, ngunit ng makita ang reaksyon ni Gong Xu, napansin na nalaman niya ang kahinaan ni Gong Xu at biglang nagalak sa tuwa. "Hahahaha… saan nag punta ang pagka arogante mo? Maging arogante ka lang! Sige lang! Kung hindi ka natatakot na malaman ito ng iyong manager, magpatuloy ka lang gumawa ng ingay!"

avataravatar
Next chapter