405 Mas gwapong gigolo kaysa kay Si Ye Han

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang maski isang balita tungkol sa kanila sa loob ng sampung taon, pero napagtuonan ng pansin ng Black Widow ang mga Si...

"Senior, ikaw din po ba ay may interes sa mga Si?" pag tanong ni K, na sinusubukang kumuha ng impormasyon.

Tutal, masyadong misteryoso ang organisasyon na umiiral lang sa tsismis - kahit na si K ay hindi pa sila nakikita. Kahit na mukhang makapangyarihan ang babaeng ito, dahil sa maingat na tao si K, may pagdududa pa din ito sa kanyang pagkatao.

Matamlay na hinaplos ng babae ang kanyang kuko. "Kailangan ko bang sabihin sa 'yo kung kanino ako interesado?"

"Hindi! Hindi! Syempre, hindi mo kailangan! Ano lang…"

Nang marinig ang nakakamatay na tono ng babae, para bang nasa mahirap na posisyon si K at pinag-isipang mabuti ang sasabihin, "Senior, kahit na bigyan pa ako ng isang daang tapang, hindi ako magbabalak na makipag-kumpitensya para sa taong gusto mo, pero grabe ang pagkakataon - ang misyon din namin ay kunin ang mga taong ito. Kapag nabigo kami, mahihirapan kaming panagutan ito, baka may ibang magagawa pa kami para sa 'yo, senior…?"

"Oh? Ano naman ang iniisip mo?" kaswal na sumulyap ang babae sa kanya.

Napalihis ng tingin si K at magalang na nagmungkahi, "Ang gusto lang naman ng senior ay ang pinuno ng mga Si; kung papayagan kami ng senior, ang Murderous Blood Gang, na itangay ang mga tao ngayon, mag-aalok ako ng mas gwapong gigolo! Paniguradong matutuwa si senior!"

"Tsk…" nangibabaw ang pagtawa ng babae.

Nakakangatog ng buto ang kanyang pagtawa pa lang.

Kinabahan si K at hindi alam ang ibig sabihin ng pagtawa ng babae. Patuloy na kumabog ang kanyang puso at sabing, "Senior…"

Bigla namang dumating ang malakas na ulan at hangin na nagpadilim ng ulap.

Kahit na matamlay at kaswal pa din ang tono ng babae, tuluyan ng nagbago ang atmospera. "Paano kung ialok mo ang sarili mo sa 'kin, huh? Ang mga maliliit kong alaga ay paniguradong matutuwa sa 'yo!"

Isang malaking paniniil ang lumitaw na pati ang SSS level mercenary na tulad niya ay hindi makakayanan, dahilan ng pag-apaw ng malamig na pawis sa kanyang noo. Agad namang sumagot si Qiu Hong Hai, "Hindi… hindi, hindi ako papayag!"

Hindi lang basta na maliliit na mga hayop ang sinabi ng babae na maliliit na mga alaga niya - mga mababangis silang aso na kumakain ng dugo at laman ng tao mula ng maliit pa lang sila.

Para sa kanya, ang pinuno ng Murderous Blood Gang ay sapat lang para pakainin sa kanyang mga aso.

Hindi nagbalak na maglabas ng galit si K mula sa mga insultong komento galing sa kanya.

"Hindi papayag? Pero tingin ko may tapang ka din, tinatrato mo akong parang gutom at uhaw na p*ta, huh? Tingin mo hahawak ko ng anumang klase ng basura?" hindi na matitiis ang atmospera sa babae at ang mistryosong hukbo na nasa likod niya naghanda na para lumaban.

"Bakit naman? Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!" halos mapuno na ng pawis ang likod ni Qiu Hong Hai.

Nabigo ako, tulad ng inaasahan...

Bakit naman susuko ang Black Widow sa gusto niya?

Gayunpaman, mabusisi siya pagdating sa mga lalaki.

Pero, masyadong importante ang misyong ito; hindi ako pwedeng mabigo.

Sa naisip, naipit si K sa isang dilema.

Sa kabilang banda, puno ng galit naman si Liu Ying at ang iba habang nakikinig sa dalawang makapangyarihan sa kasunduan, at pagtrato sa master nila na parang laruan.

Pero sa sandaling ito, para silang karne sa chopping board ng iba, sa ganitong klaseng kapangyarihan, papayag na lang silang matapak-tapakan.

Sa puntong ito, ang matangkad at mapayat na lalaki sa tabi ng babae ay bigla sumumbat nang may pagyeyelo sa kanyang mga mata, habang sumulyap sa Murderous Blood Gang. "Umalis pala kayo sa daanan namin!"

"O… oo oo…" dali-daling umurong sa isang tabi si Qiu Hong Hai.

Ganoon na lang nakatakas ang biktimang nakuha niya. Halata naman na ayaw sumuko ni Qiu Hong Hai, pero sabi nga sa kasabihan, 'the mantis stalks the cicada, but behind them lurks the oriole', hindi niya kayang galitin pa ang babae.  

avataravatar
Next chapter