1117 Mas gwapo ngayon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ano ang mga gawain sa trabaho ko?" Ganado nagtanong si Yao Jia Wen.

Sumagot si Ye Wan Wan, "Sa ngayon, may sariling manager si Han Xian Yu. Ako ang manager ni Gong Xu at Luo Chen sa ngayon, at may isa pa akong hawak na babaeng artista."

"Sa ngayon, ikaw ang magiging assistant ko at tutulungan mo akong mag-manage ng mga activites ng hawak kong mga artista. Pwede ka nang mag-manage ng sarili mong artista kapag nanguha na ng bagong artista ang kumpanya."

Nag-aalala siya kung paano niya ima-manage sila Gong Xu, Luo Chen at Jiang Yan, pero ngayon pwede na siyang mag-relax.

Agad na tumango si Yao Jia Wen. "Opo, naiintindihan ko. Magsisikap ako!"

Inalam at siniyasat muna niya ang impormasyon tungkol sa Age of Immortals, bago siya pumunta sa interview. Nalaman niya na sila Luo Chen at Gong Xu ay mga A-listers at ang manager nila ay si Ye Bai. Ang tagal niyang nagtrabaho sa Wisdom ngunit hindi siya nakakuha ng tsansa na maging manager ng isang B-lister na artista.

Siya na ngayon ang assistant ng chief director, at makikita dito ang importansya ng trabahong ibinigay sa kanya ni Ye Bai.

Nasa tamang oras na pumasok si Yao Jia Wen at inikot siya ni Ye Wan Wan sa kumpanya. Pagkatapos ay dinala siya ni Ye Bai sa City C upang "bisitahin" at ipakilala sa kanya si Gong Xu at Luo Chen.

Mabilis na nasanay si Ye Jia Wen sa kanyang mga gawain kaya ayaw niya nang sayangin pa ang oras no Ye Wan Wan. Sinimulan niya na kaagad ang kanyang trabaho.

Lumipas ang oras.

Mabilis na sinimulan ang filming ni Jiang Yan Ran habang kasama niya ang production crew. Patapos na rin ang pagsasanay nila Gong Xu at Luo Chen sa training camp.

Abala ang film crew sa pelikulang ito dahil tatapusin nila ang shooting bago ang Chinese Lunar New Year at para na rin sa Golden Orchid Awards. Mas mahirap ang kompetisyon sa mga parangal ng taong ito.

Naging abala si Gong Xu at Luo Chen sa espesyal nilang pagsasanay, kaya hindi natutuwa ang film crew dahil dito. Ngunit, pinilit ni Ye Wan Wan na kailangan muna nilang magsanay bago nila ipagpatuloy ang shooting.

Ang Special C forces ay nasa cafeteria.

Pumunta si Ye Wan Wan doon upang kausapin sila sa huling beses ng kanilang pagsasanay habang si Yao Jia Wen at naisipang magdala ng ilang mga medisina para sa may mga sugat o pasa.

Sa dalawang kagat ni Gong Xu ang isang ordinaryong bun ay naubos niya at bigla niyang tiningnan si Ye Wan Wan. "Nawawalan na ng pasensya ang lahat ng tao… Brother Ye… ang bigat ng responsibilidad na hawak mo… Ah… Ang puso ko ay nakikiramay sayo… Gusto mo bang tapusin namin ng maaga ang pagsasanay?" 

Inirapan sila ni Ye Wan Wan. "Hindi ko kailangan ang puso mong nakikieamay sa akin, salamat na lang. May isang linggo pa kayo. Tapusin niyo ng may paninindigan ang pagsasanay niyo."

Biglang hinila ni Gong Xu ang braso ni Ye Wan Wan. "Wuuu… maawa ka! Maawa ka sa akin! Tingnan mo ako! Tingnan mo ako - ako ay tulad ng isang bulaklak na mahalimuyak bago ako pumasok dito. Ako na ngayon ay isang panis na gulay sa tagal ng pagtatrabaho ko dito!"

Sumimangot at nanahimik si Ye Wan Wan habang tinitingnan niya ang binata na nasa harapan niya.

Hindi nanggaling sa diet ni Gong Xu ang pagbabago niya, ang nilalaman ng diet niya ay kung anong makuha niya. Ang pagbabagong natamo niya ay nanggaling sa paligid niya.

Noon, siya ay isang bata lamang, ngayon, makikita ang pagiging matipunong lalaki sa kanya.

Sa totoo lang, kahit si Ye Wan Wan ay nasupresa dahil matagal siyang nagpursige. Kahit na ang lalaking ito ay mag-iinarteng cute at nagmamakaawa na gusto nang umuwi, pagkatapos ng lahat, nagpursige pa rin siya hanggang sa dulo.

Nagtanong si Ye Wan Wan, "Sinong nagsabi niyan? Mas gwapo ka nga ngayon, eh. Noon, patpatin ka pero ngayon, ikaw ay matayog at matatag tulad ng isang pine tree."

Lumaki ang mga mata ni Gong Xu nang marinig niya iyon. "Talaga? Talaga? Mas gwapo ako ngayon?"

Siguro kung may buntot si Gong Xu, nagwagayway siguro iyon na parang electricfan dahil sa sobrang saya na nararamdaman niya.

Biglang napatingin si Ye Wan Wan kay Yao Jia Wen. "Oo nga, kung hindi mo ako pinapaniwalaan, tanungin mo si Jia Wen."

Biglang nagsalita si Yao Jia Wen, "Totoo iyon. Mas gwapo ka ngayon. Gwapo ka noon, pero kakaiba kasi ang vibe mo ngayon. Mas maganda ang itsura mo ngayon para sa akin."

avataravatar
Next chapter