1202 Markado ng isang tao ang mga taong kinakasama niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Xu Yi: "…"

Sa may upuan ng drayber, mabilis na sinara ni Xu Yi ang radyo. Sa isang saglit, nakita niya ang nakakagulat na eksena sa likod at bigla siyang nanahimik.

9th Master, may kinalimutan ka na yata?

Huwag lang ang mata ni Young Master Tang Tang ang takpan mo!

Sa huli, ang hindi pinapansin na si Xu Yi ay walang nagawa kundi kusa at tahimik niyang inangat ang divider para hindi niya makita ang nangyayari sa likod...

Hindi tinanggal ni Si Ye Han ang kamay niya mga mata ni Tang Tang hanggang sa mapansin niya na nakatulog na pala ang bata. Lalo niyang diniinan ang halik niya kay Ye Wan Wan...

Malamig ang labi ni Ye Wan Wan, pero ang pisngi niya ay kumukulo sa sobrang init.

Napakahusay!

Nilandi niya ba ako?

Nilandi ako ni Si Ye Han! Tapos ang smooth pa ng teknik niya!

Biglang napahinto sa pakikipaghalikan si Si Ye Han nang makita niya ang malaki at bilog na mga mata ni Ye Wan Wan. Bigla siyang napatanong habang pinagpapawisan siya, "Bakit ganyang ang itsura mo?"

Kumikinang ang mga mata ni Ye Wan Wan habang kinakausap niya si Si Ye Han, "Ah-Jiu, Ah-Jiu, napansin mo ba? Alam mo na kung paano mang-akit ng mga babae! At tsaka, naging mahusay ang matatamis na salita mo! Naging maayos rin ang EQ mo! Pasikreto ka ba na sumama sa isang training class para umayos ang EQ mo?"

Biglang nainis si Si Ye Han. Bigla niyang kinagat ang labi ni Ye Wan Wan bago siya mainis, "Minamarkahan ang isang tao ng taong kinakasama niya."

Kumurap si Ye Wan Wan at bigla siyang napa-isip, 'Walang… mali sa sagot na ito, ah!'

Ako siguro ang inspiraton ng sagot niya...

Minamarkahan ang isang tao ng taong kinakasama niya!

Matapos ang kalahating oras, nakaabot na ang kotse sa Little House of Rose.

Kinuha ni Si Ya Han si Tang Tang sa mga kamay ni Ys Wan Wan, at lumabas ang pamilya nila sa kotse.

Nakaupo sa may pintuan si Old Jiang at pinapasok sila nito sa loob.

Binuhat muna ni Si Ye Han si Tang Tang paakyat ng hagdan para matulog sa kwarto nito. Biglang nasulyapan ni Ye Wan Wan ang isang malaking kahon sa salas at bigla siyang napatanong habang nakasimangot, "Ano ito?"

Matapat na sumagot si Old Jiang, "Master, nakatanggap muli tayo ng fridge ngayon."

Mukang naguluhan si Old Jiang, hindi niya naintindihan kung bakit nagdala ng appliances ang kanyang master ng walang rason.

Marami silang nakuha na ref, telebisyon, washing machines at marami pa sa buwan na ito pa lamang.

Walang masabi si Ye Wan Wan nang marinig niya ito.

Tama na kaya Nameless Nie!

Ilang mga ref, t.v., at washing machines ang pinadala niya dito?

Tapos pinagpipilitan niya pa ang prinsipyo niya na bawal raw siyang tumanggap ng kahit anong bagay na hindi nakuha sa tamang pamamaraan? Anong pinagkaiba niya sa ginagawa niya ngayon at pagnanakaw?

Bakit hindi pa rin siya binubugbog ng crew ng palabas?

"Sige, ako na ang bahala. Tulungan mo akong makahanap ng isang storage facility na pwede nating paglagyan ng mga ito sa ngayon!"

Sa susunod, tatanungin niya ang mga kaibigan niya kung gusto nilang makuha ang mga ito. Kung oo, ibibigay niya ang mga ito. Kung hindi, ibebenta niya na lang.

Aakyat sana sa taas si Ye Wan Wan nang biglang nag-ring ang phone niya. Message ito ng nawawala na si Nameless Nie.

Mukhang naging abala si Nameless Nie at hindi siya matawagan nitong mga nakaraang mga panahon. Madalas ay nakakausap lang siya kapag naghahanap siya ng litrato ni Tang Tang kay Ye Wan Wan para manatili siyang buhay. 

[Nie Hollow Pit: nakuha mo ba yung ref, Sister Famous Ye?]

[Famous Ye: Nakuha ko…]

[Nie Hollow Pit: Okay, okay. Ah, ito na siguro ang huling beses na bibigyan kita ng mga bagay…]

Sasabihan sana ni Ye Wan Wan si Nameless Nie na tigilan niya na ang kakabigay ng mga appliances, ngunit nagulat siya sa naging reaksyon nito kaya tinype niya: [Famous Ye: Ano iyon?"]

[Nie Hollow Pit: Tinanggal na ako sa lahat ng mga shows. Mga mandaraya ang mga shows na ito! Bakit hindi nila sinusunod ang mga patakaran? Sinabi nila na makukuha raw ng nanalo ang premyo! Kaya bakit nila ako pinagbawal na makapasok sa mga shows?]

[Famous Ye: …]

Biglang nanahimik si Ye Wan Wan.

Sino pa ba ang i-ba-ban nila kung hindi ikaw? Buti nga hindi ka nila binugbog hanggang sa mamatay ka eh!

avataravatar
Next chapter