1013 Mapanganib na pagkakalantad!!!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hindi masyadong maganda ang babaeng ito…"

Kahit na si Fei Yang, na matagal na sa industriya ng entertainmenr at nakita na ang lahat ng paraan ng kagandahan, ay gulat sa itsura ng babaeng ito.

Nang makita ni Han Xian Yu ang babae, siya ay dumaing din sa nakaka-agaw pansin na itsura ng babae. Bukod pa dito, ang pagmumukha ng babae ay parang pamilyar...

Gayunpaman, kasalukuyang galit nagalit si Han Xian Yu sa panloloko ni Si Ye Han, kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin itong walang kabuluhang detalye. Mabilis na nagdilim ang mukha niya dahil sa kanilang kilalang pag-uugali. 

Hindi niya matagalan na magsinungaling sa kanya. Malinaw na ang dalawang taong ito ay isang magkasintahan...

"Xian Yu, kumalma ka! Hindi ka pwedeng umasta ng basta-basta dito! Natatandaan mo ba si Ye Bai! Kapag gumawa ka ng gulo, hindi ba siya ang mag-aayos nito…" habang pinapanuod ni Fei Yang nag itsura ni Han Xian Yu na lumalala at lumalala, nanginginig sa takot ang kanyang puso, at wala na siyang pagpipilian pa kundi banggitin si Ye Bai.

Hindi siya masyadong nag-iisip! Ang inaasal ni Han Xian Yu ay parang siya ay nanghuhuli ng isang manloloko!

Gayunpaman, sa pagkakabanggit kay Ye Bai, lalong lumalala ang itsura ni Han Xian Yu...

Habang naguguluhan si Fei Yang sa lahat ng uri ng alalahanin at posibleng maling akala, inabot sila ng babae.

Habang lumalapit ang babae, nagulat si Fei Yang sa kanyang nakakamanghang itsura. 

Halos naka pokus lang si Ye Wan Wan sa pagkain, kaya natural na hindi niya napansin ang normal na lamesa ng customers sa gilid at dumiretso sa counter.

"Bigyan mo ako ng isang strawberry mousse, isang macaron, daifuku, at isang almond cake!" masayang-masayang bumili si Ye Wan wn ng mga pagkain na gusto niya.

Dahil pupunta si Ye Wan Wan at Si Ye Han sa isang salo-salu, sila ay labis na nakabihis. Kaya naman, natagalan ang tindera bagi siya makabalik sa kanyang pag-iisip at inalis ang tingin sa gwapo at magandang magkasintahan. Dali-dali niyang sinabi, "O-opo! Sandali lang po, at ibabalot ko it para sa inyo!"

"Tama!" tumango si Ye Wan Wan at pinigilan niya ang kanyang paghinga. Saka, kahit na hindi siya ang may gustong kainin ito, sinabi niya kay Si Ye Han, "Ah-Jiu, isipin mo na lang kung gaano ito kalungkot para kay Tangtang na mag-isa sa bahay. Kailangan nating bumili ng madaming masasarap na pagkain para sa kanya!"

Mmhm, tiyak na hindi kakain ng madami si Tangtang. Ibig sabihin nito tutulungan ko siya mamaya!

Bahagyang inangat ni Si Ye Han ang kanyang kilay ngunit hindi siya pinahiya. Saka niya sinabi sa tindera, "dalawang servings ng kung anong kinuha nila."

"Oh! Mahal na mahal kita!" Kaagad na masayang hinalikan ni Ye Wan Wan ang mukha ni Si Ye Han.

Kasalukuyang mahigpit na naka-kuyom ang mga kamay ni Han Xian Yu, at ang kanyang mga mata na puno ong poot sa ilalim ng kanyang mga salamin.

"Xian Yu, hindi mo pwede…" tanging hanggang kalahati lang ang nasabi ni Fei Yang bago ang taong nasa harap niya ay nawala sa kinauupuan nito.

"Miss, nakabalot na lahat. Ito na po." Inabot ng tindera ang kahon ng desserts kay Ye Wan Wan.

"Sige, sige! Salamat!"Ye Wanwan happily took the box and hooked 

Masayang kinuha ni Ye Wan Wan ang kahob at kumabit sa braso ni Si Ye Han bago naglakad palabas sa store.

Gayunpaman, biglang naglakad sa harapan nila ang isang tao mula sa gilid at hinarangan ang kanilang daanan.

Balot na balot mula ulo hanggang paa ang taong papasok. Siya ay nakasuot ng maitim na jacket na may maskara sa kanyang mukha at salamin sa kanyang mata.

Bakit balot na balot ang taong iyon sa malawak na sikat ng araw?

Habang iniisip ni Ye Wan Wan iyon, biglang sinabi ng lalaki, "Mr. Si." 

Sa oras na marinig ang boses ng lalaki, bumilis ang tibok ng puso ni Ye Wan Wan.

Put*! Bakit parang may kaboses ang taong ito...

Sa sumunod na sandali, dahan-dahang inalis ng lalaki ang kanyang maskara saka ang kanyang salamin, nagsiwalat ng isang gwapo at pamilyar na mukha.

avataravatar
Next chapter