691 Manghigi kayo ng tawad kay Gong Xu

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Putek na yan! Gusto niya talagang manghingi ng tawad si Ling Shaozhe kay Gong Xu? Nababaliw na ba siya? May tao pala na hindi nag-iisip?"

"Kaya pala nanahimik lang si Ling Shaozhe noong kinakaya-kaya siya ni Gong Xu - mga walang hiya pala ang mga taong ito!"

"Sino pa kaya ang pagmamalupitan ni Gong Xu? Kasi kahit ang mapagpakumbaba at tahimik na si Ling Shaozhe ay inaaway niya!"

"Para sa akin, napipilitan lang si Luo Chen na protektahan si Gong Xu - alam naman ng lahat kung gaano ka-pangit ang relasyon ng dalawang yan. Laging kinakaya ni Gong Xu si Luo Chen kaya anong rason niya para protektahan si Gong Xu?! Tsk, hindi nga nila magawang ayusin ang buhay nila eh! Gusto kong makita kung paano itatago ni Ye Wan Wan ang lahat ng ito, gamit ang mga kasinungalingan niya!"

Nagkagulo ang lahat ng tao sa hall at lahat sila ay hinuhusgahan ang Dazzling Media, pagkatapos na magsalita ni Ye Wan Wan.

Wala na muling sinabi ni Ye Wan Wan, umupo na lamang siya na walang pakialam sa mga nangyayari at naglabas siya ng isang usb. Pagkatapos ay naglakad siya patungo sa entablado at pinasak niya ang USB sa kompyuter. "Panoori niyong lahat ang video clip na ito."

Video clip?

Ano na naman ang plano ni Ye Bai?

Mabilis na humarap ang lahat sa pinapalabas.

"Ewan ko, panoorin na lang natin!"

"Hindi ko alam kung makakatakas pa siya sa kalagayan na ito!"

"Oo nga eh…"

Nilaktawan ni Ye Wan Wan ang unang parte ng video at ipinalabas niya ang gitnang parte nito, lumabas ito sa malaking screen sa harap ng lahat.

"GONG XU! Anong ginagawa mo?!"

"Sa akin na ang damit na ito. Binuhusan ng kape ni young master ang damit kong ito - ano bang pakialam mo? Anong pinagsisigaw mo diyan?"

"Ikaw ha…"

"Eh? Anong ginawa ko? Hindi ba't sinabi mo na kailangan nating magbayad? Anong pang hinihintay mo diyan? Hubarin mo yan! Masyado bang komportable ang damit ni young master?"

Ang video na pinapalabas ang ang pang-bu-bully ni Gong Xi sa ilang mga artista noong araw na iyon, ito ang video na pinost ni Wan Shanshan sa Weibo.

Muling nagalit ang mga nanonood dahil pinalabas muli ang video na ito.

"Anong gustong ipakita ng manager na ito? Hindi ba sapat ang pam-bu-bully? Gusto niya pang ipaalala sa atin kung gaano kabagsik ang kanyang artista?"

"Anong pinaparating nito? Bakit muli mong pinanuod sa amin ang video na pinost ni Wan Shanshan? Sinong gustong makakita ng dugyot na mukha ni Gong Xu?!"

Galit na galit ang mga reporters, ngunit may isang grupo ng mga batikan na reporters ang nakapansin na parang may mali. "Weird, parang hindi ito yung… video na pinost ni Wan Shanshan..."

"Anong pinagkaiba ng video na ito? Parehas lang naman eh!"

"Tingnan niyong maigi - parehas lang ang nilalaman ng video na ito pero nasa ibang anggulo - ibang tao ang kumuha ng video na ito. At saka, bakit nilaktawan ni Ye Bai ang mga unang parte ng video na ito at pinalabas niya lamang ang bandang gitna?" nagtataka ang matandang reporter.

"Baka may ibang tao na kinuhanan sila ng video para maipakita ang pangmamalupit at pangaabuso ni Gong Xu, pero hindi niya ito pinost. Ano namang weird doon?"

Natapos kaagad ang pagpapalabas ng video.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang lahat ng tao. "Itong video ag rason kung bakit si Gong Xu ay binabansagan na kasuklam-suklam. Pagkatapos nang nangyari, dala nila Wan Shanshan, Ling Shaozhe at ang iba pang mga artista ng Emperor Sky ang kanilang mga pagpapatotoo na hindi naman totoo, kaya hindi ninyo pinakinggan ang mga paliwanag namin at pinaulanan online ng mga bayolenteng komento si Gong Xu!"

Huminto muna si Ye Wan Wan bago siya nagpatuloy, "Ano nga ba ang katotohanan? Wala nang nagtangkang alamin ang katotohanan dahil ang akala ng lahat ay isang masamang tao si Gong Xu, siguro tama kayo na masama siya, 'di ba? Akala niyo siguro na ito ang katotohanan!"

avataravatar
Next chapter