90 Mang-aagaw ng girlfriend

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumipas ang ilang segundo at maya-maya rin, ay 20 minuto na rin ang lumipas.

Ngunit, ubos na ang oras at hindi padin dumadating si Si Ye Han.

Matapos ang buong 20 minuto, tumawag sa kanya si Xu Yi.

"Hello, Ms. Ye, pasensya na po talaga. May inaasikaso pa si 9th master; kailangan niyo pa pong maghintay pa ng medyo matagal!"

"Ah… Anong problema?" dali-daling tanong ni Ye Wan Wan.

Kakaiba ang tono ng boses ni Xu Yi, umugong ito at bumubulong-bulong nang matagal bago sumagot, "Hindi… hindi, wala naman 'to, kailangan mo lang maghintay pa ng medyo matagal!"

"Oh, sige pala," pagtiyak ni Ye Wan Wan.

Matapos niyang ibaba ang tawag, sinabi ni Ye Wan Wan kay Ling Dong, "May kailangan pang ayusin ang boyfriend ko kaya medyo mahuhuli siya."

Itiniklop ni Ling Dong ang kanyang braso at nagbigay ng expression na inaasahan niya itong sabihin. Kaya sumagot na lamang ito, "Bahala na, mag-aantay ako."

Normal lang kay Si Ye Han ang maantala dahil nga sa dami ng ginagawa nito. Hindi naman ito masyadong inisip ni Ye Wan Wan at patuloy siyang nag-antay.

Kalahating oras ang muling lumipas.

Hindi padin dumadating si Si Ye Han.

Pero tumawag ulit si Xu Yi at hiyang-hiya siyang ipinaalam sa kanya, "Ms. Ye, hindi pa po natatapos ang gawain ni 9th master dito, baka kailangan niyo pa pong mag-antay pa…"

"Oh, ayos lang, tapusin niya muna 'yung trabaho niya!" sagot ni Ye Wan Wan, na tila bang hindi nababahala.

Si Ling Dong, na nakaupo sa harap, ay tinignan si Ye Wan Wan, "Bakit? Na-antala na naman siya?"

Tumango si Ye Wan Wan, "Pasensya na talaga, masyado siyang maraming ginagawa!"

Sumabay nalang si Ling Dong, "Walang problema, wala naman akong gagawin, we can take our time!"

At ganoon nalang, isang mahabang oras ang lumipas at nauubos na rin ang mga tao sa retaurant.

Lumipas muli ang matagal na oras, tumawag ulit si Xu Yi sa ikatlong beses.

Sa oras na 'to, mas lalong naging kakaiba ang boses nito. Nanginginig siya sa takot na para bang paiyak na ito. Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung anong gulo ang napasok nito

"Pasensya na po talaga, hindi pa tapos si 9th master…"

"Oh…" Nakaramdam ni Ye Wan Wan na parang may mali. May malala bang nangyare? O ayaw lang talaga pumunta ni Si Ye Han?

Pero, 'di 'to maari; kung ayaw pumunta ni Si Ye Han, dapat tinganggihan niya na si Ye Wan Wan kanina pa. Sinabi niya na sana na di siya makakapunta kesa utusan si Xu Yi na magdahilan pa kay Ye Wan Wan.

"Paano kung… sa ibang araw nalang?" sabi ni Ye Wan Wan.

Biglang nasindak si Xu Yi, "Hindi! Please! Pasensya na talaga Ms. Ye. Hindi pwedeng umalis ang 9th master ngayon, pero dadating siya kahit ano pang mangyari. Please mag-antay pa po kayo, please!"

"Erm, sige!"

Matapos ang pagmamakaawa ni Xu Yi, sumang-ayon nalang si Ye Wan Wan pero nagtataka ito. Ano ba talaga ang nangyayari sa bahay ni Si Ye Han?

Matapos ibaba ni Ye Wan Wan ang telepono sa ikatlong pagkakataon, tumingin si Ling Dong sa orasan at napatingin kay Ye Wan Wan, "Wan Wan, kung itong so-called boyfriend ay hindi nagpakita pagdating ng 12 a.m., matuturing ba 'yon na nagsinungaling ka sa akin?"

Napaisip si Ye Wan Wan sa sinabi ni Xu Yi na nangangakong darating si Si Ye Han ngayong gabi kahit anong pang mangyari. Bandang huli, tumango nalang siya at sinabing, "Sige."

Nagliwanag ang mukha ni Ling Dong sa narinig niya at nagsimula siyang kumalma. Ngayon, maigi niyang pinapanood ang oras na lumilipas ng paunti-unti.

Mayroon nalang isang oras bago mag 12 am. Isang oras nalang at ang babaeng ito ay magiging girlfriend niya!

avataravatar
Next chapter