1125 Mama! TULONG!!!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang bawat isa sa kanila: "..."

Ang sakit ng sinabi mo, kapitan.

Kapitan! Huwag ka nang magsalita, please?

May magbibigay ba sa amin ng pag-asa na mabubuhay pa kami pagkatapos nito?!

Bakit parang nararamdaman ko na tinawag tayo dito para maging punching bags?

Sa isang pribadong silid ng bar, nagkasiyahan ang lahat at nag-relax sila noong gabing iyon. Natapos na rin ang selebrasyon ng pagtatapos ng filming.

Nagpaalam na ang bawat isa sa kanilang pag-alis. Naghintay sa isang gilid sila Ye Wan Wan, Gong Xu, Luo Chen, Han Xian Yu at Ye Mu Fan, hinihintay nilang sunduin sila ng kanilang mga drayber.

Lasing na lasing na si Gong Xu. Mas lalo siyang naging nakaka-irita kapag umiinom siya.

Nagsama si Luo Chen at Han Xian Yu para buhatin si Gong Xu.

"Brother Ye, mag-PK tayo! Laban tayo! Hindi tunay na magkapatid ang magkapatid na hindi naglalaban! Hindi ba't sinabi mo na mahilig kang makipaglaban kapag marami ang nainom mo…"

Hindi alam ng lalaking ito na lumalapit siya sa kanyang kamatayan.

Pinatong ni Ye Wan Wan ang ulo niya sa balikat ni Ye Mu Fan. Lumaki ang kanyang mga mata at sinabi. "Gusto mo akong kalabanin?"

"Oo! Dali, dali na! Malupit ako ngayon!" Proud na proud si Gong Xu.

Malakas si Gong Xu kapag nakainom siya, kaya mabilis agad niyang tinanggal ang mga kamay nila Luo Chen at Han Xian Yu na nakahawak sa kanya at sumugod siya kay Ye Wan Wan.

Mabilis at matalas si Ye Wan Wan kahit na hindi siya makalakad ng maayos dahil sa pagkalasing niya. Mabilis siyang nakaiwas sa atake ni Gong Xu.

Lumabo ang paningin ni Gong Xu at nalaman niya na biglang nawala na lamang si Ye Wan Wan. Bigla siyang namula sa nakita niya. "D*mn… hindi kabilang iyon… masyadong marami ang nainom ko… kaya lumabo ang mga mata ko…"

Patuloy na pinagsusuntok ni Gong Xu si Ye Wan Wan.

Gayunpaman, parang nahuhulaan ni Ye Wan Wan ang mga galaw ni Gong Xu dahil parati siyang nakakaiwas sa mga atake nito. Pagkatapos ng ilang dosenang mga atake, hindi pa rin kinayang mahawakan ni Gong Xu kahit ang damit ni Ye Wan Wan. Sa halip, napagod at nawalan lang siya ng hininga sa mga ginawa niya.

Plano sana ni Ye Mu Fan na ilayo Gong Xu, ngunit napagdesisyonan niya na panoorin na lamang sila dahil nakita niyang natatalo na si Gong Xu. Nagsanay si Ye Wan Wan sa martial arts noon at mahusay siya sa larangan na ito, kaya wala siyang problema sa pag-iwas sa mga atake ni Gong Xu.

Biglang nagulat naman si Luo Chen. Si Ye Bai ay mukhang isang maayos na tao, maihahalintulad siya sa isang aristokratikong young master na nabuhay sa isang magarang buhay. Hindi alam ni Luo Chen na mahusay sa martial arts si Ye Bai.

Sapat ang abilidad ni Gong Xu na makipaglaban lalo na't kakatapos lang ng pagsasanay niya, kahit na lasing siya. Gayunpaman, hindi man lang niya maatake o masuntok si Ye Wan Wan.

Hindi ito matanggap ni Gong Xu. Lalo niyang nilakasan ang loob niya sa tuwing nabibigo siya. "Ahhh! Hindi ko ito matanggap! Bubugbugin kita!"

Mukhang bored at walang pasensya si Ye Wan Wan sa tinagal ng pakikipaglaban niya kay Gong Xu. Bigla siyang napangiti nang makita niyang aatake muli si Gong Xu. Sa oraa na iyon, hindi na siya umiwas kundi sinuntok niya na ang kalaban niya—

Sa isang saglit, maririnig ang isang malakas na "bang"!

Hinampas ni Ye Wan Wan si Gong Xu at tumama siya sa isang malaking Land Rover na off-road na sasakyan na nasa likuran ni Gong Xu...

Nagkaroon ng malaking crater sa hood ng off-road na sasakyan. Pagkatapos ay makikita ang maitim na usok na umangat sa hood ng sasakyan. Mukhang nasira ang makina nito...

Gong Xu: "…"

Luo Chen: "…"

Han Xian Yu: "…"

Ye Mu Fan: "..." Ano ito?

Mabilis na tumalikod si Gong Xu nang marinig niya ang malakas na tunog.

Tinitigan ni Gong Xu ang umuusok na hood na may malaking warak at biglang nawala ang kalasingan niya.

Pagkatapos niyang magulat ng isa, dalawa hanggang tatlong segundo, umungol na parang gulat na pusa si Gong Xu. Mabilis siyang nagtago sa likuran ni Luo Chen at binalot niya ang sarili niya kay Luo Chen.

Mama! TULONG!!!

avataravatar
Next chapter