1165 Malupit na labanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakadikit ang mata ng lahat kay Jianh Yan Ran.

Maraming mga tao ang humahanga sa kanya at marami rin ang nagseselos sa kanya na mga artista. 

 Director Peng Yuan Hu, at nanalo pa siya ng Best Actress sa Golden Orchid Awards.

Malaki na kaagad ang natamo niya kahit na bata pa siya. At tsaka, maganda ang itsura niya at ma-abilidad siya. Maganda ang magiging kinabukasan niya.

Ilang mga tao ang lima hanggang isang dekada ang binbuhos sa kanilang trabaho para lang makaabot sa mataas na posisyon? Ilang mga agencies ang naglaan ng napakaraming enerhiya at resources para makagawa ng ganitong artista na tulad niya? Pero, madali lanng niyang nakuha ang mga ito at nakapasok kaagad siya sa entertainmeny industry ng may magandang halo sa taas ng ulo niya.

Pinupuri siya ng ilan sa mga senior sa entertainment industry...

"Heh, nahihigitan ng bagong henerasyon ang nakaraan! Kakaiba ang isang mahusay na baguhan sa entertainment industry!"

"Siya ay katangi-tangi sa libo-libong mga artista! Kaya pala siya ang pinili ng mapili na si Director Peng!"

"Si Jiang Yan Ran siguro ang magiging pangalawang Qiao Yu Fei ng entertainment industry! Noon, napanalunan rin ni Qiao Yu Fei ang Best Actress sa una niyang pelikula sa edad na 19. Pagkalipas ng tatlong taon, naging international siyang artista at siya ay isa na ngayong hindi matatalong A-lister!"

Pinakinggan ni Peng Yuan Hu ang mga paghahanga na pumapalibot sa kanya at kakaiba ang saya at paghuhumaling sa kanyang mukha. "Disente talaga ang babaeng ito. Matibay ang pundasyon niya at matalas ang pag-iisip niya, pero…"

"Pero ano?" May isang nagtanong.

"May nagtuturo siguro sa kanya na isang mahusay na guro!" Taimtim na sinabi ni Peng Yuan Hu.

Lalong naging interesado ang taong ito. "Oh? May mahusay siyang guro na nagtuturo sa kanya? May mas mahusay pa bang guro kaysa sayo, Director Peng?"

Pinanood ni Peng Yuan Hu si Jiang Yan Ran na umakyat sa entablado. "Nanghula lang ako. Malinaw naman na baguhang artista ang batang ito, pero mahusay ang kanyang performance. Wala siyang mga naging pagkakamali sa mga film crew nitong mga nakaraang buwan…"

Kahit anong mangyari, magkakagulo at magkakandarapa ang mga agencies sa mahusay na baguhan na ito na pinagmamalaki pa ni Peng Yuan Hu, at nakakakuha pa ito ng mga paghanga sa maraming tao.

Maraming mga tao ang gustong kunin siya sa kani-kanilang kumpanya, tulad nila Ye Yiyi at Tan Wei.

Isa sa kanila ay si Chu Hong Guang.

Noong sinabi kung sino ang nanalo, agad na inutusan ni Chu Hong Guang ang mga matataas na opisyal ng Worldwide Entertainment na nasa tabi niya: "Director Xiang, kailangan mong makuha ang babaeng ito bago pa siya makuha ng Emperor Sky Entertainment!"

Sumagot si Xiang Jie, ang Director ng Talent Recruitment Department ng Worldwide Entertainment, "Chairman Chu, minamanmanan ko ang pelikula ni Director Peng kaya inalaman ko ang pagkakakilanlan ni Jiang Yan Ran noong nabalitaan ko ang resulta ng audition!"

"Tapos?" Agad na nagtanong si Chu Hong Guang.

Sumagot si Xiang Jie, "Personal kong pinuntahan si Jiang Yan Ran noong nalaman ko na isang estudyante lamang siyang ngunit tinanggihan niya ako."

"Hindi pumayag ang batang ito na mapunta siya sa Worldwide Entertainments kahit na gusto na natin siyang kunin. Hinihintay niya siguro ang resulta ng Golden Orchid Awards para makahingi siya ng mataas ng presyo sa atin!" Pinagpatuloy Xiang Jie ang sinasabi niya kanina.

Malalim na nag-iisip si Chu Hong Guang nang magsalita siya, "Kunin niyo siya kahit magkano pa ang presyo!"

Mas mabuti nang gumastos sila ng malaki sa isang artista sumisikat na kaysa gumastos sila ng malaki sa isang baguhan na hindi pa sigurado kung sisikat ba o hindi.

Mas mahirap na makagawa ng isang sikat na artista kaysa sa lumipad papunta sa kalangitan, maliban na lang kung sila ang tipo ng manager na may matalas na pag-iisip at may abilidad na makagawa ng isang dakilang nilalang, lalo na kung ito ay dumaan sa ruta ng mga talentadong artista...

Biglang umangat ang pangalan na "Ye Bai" sa kanyang isip at lalo siyang naguluhan.

Dahil sa pagkakaliko ng desisyon nila, kailangan nilang gawin ang lahat ng makakaya nila para mabayaran ang mga kinalugi nila.

avataravatar
Next chapter