664 Maling pagbabanta

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang isa sa mga pinaka ayaw ni Gong Xu sa buhay ay ang bantaan ng iba, lalo kapag nadadamay ang taong mahalaga sa kanya. Ang kanyang mata ay parang isang malamig na kutsilyo na sumupang patungo kay Wan Shanshan.

"Ano? Takot? Huwag mong tangkaing gawin yan ngayon?" labis ang takot ni Wan Shanshan. "Sige na humingi ka ng ng tamad sa aming Shaozhe ngayon din! Kung hindi, Mayroon akong video na ito na para i-upload sa online! Natatakot ako na baka magalit ng sobra ang iyong manager kapag nakita niya ito, uh!"

Nagsimula ng mabalisa ni Xiao Qing at Dong Zai.

Ano ang dapat natin gawin, ano ang dapat nating gawin…?

Nakakatawa ang mga taong ito - talagang ginamit nila si Ye-ge para takutin si Gong Xu.

Mas may pakialam si Gong Xu sa opinyon ni Ye-ge!

Napakamadalang na makita si Gong Xu na matalo, kaya malinaw na nasiyahan si Ling Shaozhe. Dali-dali siyang umupo at sinabi, "anong problema? Tila mukhang hindi papayag ang young master, hu?"

Tsk, Gong Xu, hindi ko inaasahan haharapin mo din ang ganitong kahihiyan!

Habang ang kapaligiran ay natigil, mula sa gilid ng mata ni Dong Zai, nakita niya ang na may paparating sa kanila at siya ay nabuhayan na parang nakita niya ang kanyang tagapagligtas.

"Ye-ge!"

"Ye-ge, nandito ka…" napuno ng kalungkutan ang mukha ni Xiao Qing.

Winalis no Ye Wan Wan ang kanyang tingin sa mga tao. "Anong nangyayari dito?"

Sinulbit ni Wan Shanshan ang kanyang kamay at tumayo ng tuwid habang nagsasalita, "Great manager Ye, tama lang ang dating mo! Bantayan mo maigi ang mga artista mo! Ang dalawang ito ay walang kwenta umarte pero mahusay gumawa ng gulo. Sila ay malupit, inaapi ang crew at umaarte na kala mo kung sino.

Labis ang pagkabalisa ni Xiao Qing habang mabilis niyang kinuwento ang insidente, "Ye-ge, hindi ganun iyon. Sinadyang patidin ng babaeng ito si Luo Chen na nagdulot para matapon ang kape sa damit ni Ling Shaozhe. Matapos 'yon, napakagahaman nila at tanong ng $800,000 bilang kabayaran at sapilitang pinapalinis kay Luo Chen ang kanyang sapatos…"

"aling mata mo nakita na pinatid ko sita? Huwag mo akong pagbintangan! Sa kabilang banda, itong si Gong Xu na umaastang parang isang big shot at sinadyang tapunan ng kape ang aming Shaozhe. May patunay akong ebidensya, diba?!"

Matapos makinig kay Xiao Qing at Shanshan, humarap si Ye Wan Wan kay Gong Xu. "sinadya mong tinapunan ni Ling Shaozhe?"

Hindi pa kalahating arogante si Gong Xu tulad dati. Siya ay talagang nagulat matapos makita si Ye Wan Wan at kinakabahang nakatayo. "Ako…"

Anong dapat kong gawin...

Ayaw ni Ye-ge kapag gumagawa ako ng gulo!

Natuwa si Wan Shanshan ng makita niya kung paano matakot si Gong Xu. Kaagad siyang lumapit at winagayway ang kanyang telepono sa harapan niya. "Gong Xu, nanunuod ang manager mo. Mas mabuting humingi kana ng tawad!"

Hindi ko akalain na totoo ang usap-usapan - takot talaga pala si Gong Xu sa kanyang manager.

Isang mayabang na itsura ang nasa mukha ni Ling Shaozhe habang tamad na umupo at naghintay ng paghingi ng tawad ni Gong Xu.

Tumikom ang bibig ni Luo Chen. Matapos ang lahat, nagsimula ang lahat dahil sa kanya, kaya siya dapat ang humingi ng tawad. Kaya naman, siya ay lumapit at sinabing, " Ye-ge, walang dapat gawin si Gong Xu. Ako dapat…"

"Kasama ka din, huwag ka mag-aalala. Malinaw na kailangan mo din humingi ng tawad!" Asar ni Wan Shanshan.

Tumingin si Wan Shanshan sa direksyon ni Ye Wan Wan. "talagang ia-upload ko sa online ang clip na ito kung hindi hihingi ng tawad ang mga artista mo, oh! Great manager Ye, isipin mo maigi ang kalalabasan!"

Habang pinapanuod ng mga artista mula sa Emperor Sky ang magandang palabas na ito at habang si Luo Chen at Gong Xu ay balisa, tumingin si Ye Wan Wan kay Wan Shanshan ng walang kahit anong emosyon saka dalawang salita ang lumabas mula sa kanyang manipis na labi: "I-upload mo."

Wan Shanshan: "…"

Ling Shaozhe: "…"

Luo Chen: "…"

Gong Xu: "…"

Silang dalawa, kasama si Luo Chen at Gong Xu, ay nagulat , lalo na si Gong Xu. Inangat niya ang kanyang ulo sa hindi pagkapaniwala at halos hindi maniwala ang kanyang sariling tenga.

avataravatar
Next chapter