500 Malinaw sa akin ang ginagawa ko

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi umalma si Si Ye Han nang sinabi ni Ye Wan Wan na gusto niyang makita ang nilalaman ng mga dokumentong ito.

Akala ko noon na walang pakialam sa akin si Si Ye Han dahil hinahayaan niya akong gawin ang gusto ko, pero sinong walang kwentang tao ang pagkakatiwalaan ni Si Ye Han na mangialam sa importanteng mga tungkulin niya.

Napagtanto ko noon na ilang beses akong hinayaan ni Si Ye Han na mangialam sa mga tungkulin ng kumpanya sa buhay ko noon - siguro para na rin sa ikakabubuti ng kinabukasan ko at para magkaroon ang ng mataas na impluwensya sa lipunan, pero akala ko kasi na pinapahirapan ako ni Si Ye Han. Tuloy, ginulo ko ang lahat at maraming nagalit sa ginawa kong kaguluhan...

...

Sa unang palapag, habang binibilinan ni Xu Yi ang ibang mga alalay, biglang sumugod papasok ng bahay si Liu Ying.

Binati siya ni Xu Yi nang makita niya ang kanyang kaibigan, "Nakauwi ka na pala, Liu Ying?"

Matigas ang itsura ni Liu Ying nang sumagot siya, "Xu Yi, tara dito ng saglit."

Napansin ni Xu Yi na parang may dinadamdam si Liu Ying at alam niyang may bumabagabag sa kanyang kaibigan. Tinapos na niya ang pagpupulong ng mga alalay sabay sumunod siya kay Liu Ying papunta sa patyo.

Magkasunod silang naglakad patungo sa isang gilid sa may bakanteng patyo.

Huminto sa paglalakad si Xu Yi nang biglang tumalikod si Liu Ying at mabilis siyang sinapak sa kanyang mukha.

Hindi agad nakaiwas si Xu Yi dahil hindi niya inasahan ang suntok ni Liu Ying; sinapak ng kamao ni Liu Ying ang mukha niya kaya bigla siyang natuliglig.

Parang umaapoy ang buong katawan ni Liu Ying sa sobrang galit. "Xu Yi! Hindi lang ang pagkatao mo ang kinalimutan mo ngunit, kinalimutan mo na rin ba kung sino ang master mo?!"

Matagal bago bumalik sa kanyang malay tao si Xu Yi matapos siyang mahilo sa malakas na suntok. Tumayo siya at tinitignan niyang mabuti ang binatang kaharap niya. "Anong pinagsasabi mo?"

Napangisi si Liu Ying, "Anong pinagsasabi ko? Tinutukoy ko ang iyong paninipsip at halos lumuhod ka para depensahan ang babaeng 'yon!"

Sumagot ng walang emosyon si Xu Yi, "Mag-ingat ka sa sinasabi mo, Liu Ying! Mukhang nakalimutan mo na niligtas ni Miss Wan Wan ang buhay ni master noon at hindi lang 'yon - niligtas niya rin ang buhay nating lahat, gayundin ang buhay mo, Liu Ying!"

Biglang nangutya si Liu Ying. "Ayan ba ang rason mo? Sa tingin mo, hahayaan ko lang mangyari ito pagkatapos ng insidenteng 'yon?"

"Ayoko sanang mangyari ang mga bagay na ito, pero ang lakas ng loob niyang pigilan si master na magpa-opera! Alam mo bang pinapatay na niya si master?"

"At saka, nakakuha siya noon ng pribadong impormasyon galing sa espiya - bakit mo hinayaang mapunta sa kanya ang karangalan? Sino ba siya para pakialaman ang mga tungkulin ng kumpanya? Sino ba siya para utus-utusan tayo at kahit si Miss Ruo Xi ay pinahiya niya rin?!"

Biglang nanahimik si Xu Yi pagkatapos niyang mapakinggan ang mga hinanakit ni Liu Ying.

Matagal nang patay ang espiya kaya ang mga ginawa ni Ye Wan Wan ay hindi galing sa espiyang tinutukoy niya. Patay na siguro silang lahat kung hindi dahil kay Ye Wan Wan.

Naniwala si Xu Yi na walang mapahamak na intensyon si Ye Wan Wan para kay master, kahit hindi niya alam kung paano nakuha ni Ye Wan Wan ang mga impormasyong iyon.

Ngunit hindi niya pwedeng sabihin ito kay Liu Ying dahil masyadong malaki ang galit ng binata kay Ye Wan Wan. Kapag nalaman niya na walang makakapag paliwanag kung bakit maraming alam si Ye Wan Wan, aangat ang mas maraming problemang aangat sa sitwasyon ng dalawa.

Naging masama lalo ang tingin ni Liu Ying nang makita niyang nananahimik lamang si Xu Yi. "Ano? Wala kang masabi? Binulag at sinuhulan ka na ng babaeng 'yon!"

Matibay na tinitigan ni Xu Yi si Liu Ying at ang bawat letra ng sasabihin niya malinaw niyang binigkas, "Liu Ying, hindi pa tapos ang tatlong buwan na binigay ng doktor para sa operasyon ni master at bago pa ito magkaroon ng resulta, hindi natin pwedeng unahan ang kahihinatnan ng sitwasyon."

"At saka, si Miss Wan Wan ay hindi tulad ng nakikita mo ayon sa kanyang itsura lang. Hindi siya isang prinsesa na mahina at walang pakiramdam; bagkus, siya ay matalino, kalmado at malakas rin ang kanyang loob."

"At kung may isiniwalat man na pribadong impormasyon ang espiya, maging totoo ka at tanungin mo sa iying sarili; bilang babae na kinayang linlangin ang brutal at mabagsik na Murderous Blood Gang habang siya ay kalmado at hindi nagwawala sa ganoong ma-peligrong sitwasyon - sa tingin mo ba na sinwerte lang siya nung araw na 'yon?"

"Lagi mo siyang hinusuga gamit lamang ang emosyon mo Liu Ying at nawala na ang tamang pag-iisip mo. Ayoko nang makipagtalo sayo Liu Ying."

Binigkas ni Xu Yi ang kanyang talumpati at pinunas gamit ang likod ng kamay niya ang dugo sa kanyang labi. "At saka, alam ko ang ginagawa ko!"

avataravatar
Next chapter