372 Maliban na lang kung babae ka

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"...!!!"

Anong nangyayari!?

Nang makita ni Ye Wan Wan ang dalawang tao sa pintuan, para bang limang beses siyang tinamaan ng kidlat.

Parang bang nahaluan ng naparaming kulay sa isa paleta ang gwapong mukha ni Han Xian Yu, habang parang isang puting bulaklak naman na nahanginan ng napalakas ang maputlang mukha ni Luo Chen.

Mapangamba naman nagkatitigan ang tatlo.

Nabalot ng katahimikan ang hangin.

"Kayo… makinig kayo sa 'kin… isang malaking hidwaan 'to…"

Tinignan ni Han Xian Yu ang binti ni Ye Wan Wan ng marinig ang sinabi.

Yumuko naman si Ye Wan Wan at agad na inalis ang kanyang tuhod na nakapa-ibabaw kay Si Ye Han.

"Ayon, mali kayo ng iniisip…"

Tinignan ni Han Xian Yu ang kanyang kamay.

Agad namang kinalas ni Ye Wan Wan ang pagkakahawak sa kwelyo ni Si Ye Han na para bang nakahawak siya ng mainit na patatas.

"'Yon, ah, Luo Chen, pwede maging testigo ko ang iyong senior Xian Yu!" ipinahiwatig ni Ye Wan Wan kay Han Xian Yu na tulungan siya nito na kumbinsihin si Luo Chen, nang makita kung gaano nagulantang ang bata.

Tinignan ni Han Xian Yu ang lalaking biktima na magulo ang damit. Kinuskos niya ang kanyang ilong at sabing, "Eto… ako mismo, ay gulat din…"

Ye Wan Wan: "..."

Sa sobrang inis ni Ye Wan Wan tinignan niya ng masama ang tao na nasa sofa. Mula sa anggulo ni Si Ye Han, siguradong nakita niya ang mga tao sa pinto, at hindi man lang siya sinabihan nito.

Nakakuha na siya ng kaunting pagtitiwala mula kay Luo Chen pero ngayon, parang balik na naman ang lahat sa umpisa...

Banayad na umupo si Si Ye Han at inayos ang kanyang lapel at tie. Bilang isang biktimang sinunggaban ng isang lalaki, siya ang pinakakalmado sa kwarto.

Maayos naman ang mga bagay-bagay kay Han Xian Yu - at hindi naman malaking bagay kung iisipin ni Han Xian Yu na si Ye Wan Wan, bilang si Ye Bai, ay gusto ng mga lalaki, pero iba si Luo Chen. Kung iisipin ni Luo Chen na bading siya, hindi na siya titignan ito ng deretsuhan pa.

Kaya naman, tinuon ni Ye Wan Wan ang kanyang atensyon kay Luo Chen at pinulot ang mga script na nakakalat sa sahig tsaka inabot sa kanya.

Nang iniabot niya ang mga papel, bahagyang umatras sa takot ang maliit na tupang si Luo Chen...

Mangiyak-ngiyak ang puso ni Ye Wan Wan. Pinilit niyang kumalma at ipaliwang ang lahat, "Luo Chen, ipakilala kita sa kaibigan ko, Si ang apilyedo niya. Nagbibiruan lang kami ngayon lang kasi ayaw niya akong tulungan sa hinihingi kong pabor sa kanya… *cough* hindi ka naman natakot, 'di ba?"

Tuliro pa ding nakatayo si Luo Chen, walang buhay at bagabag ang itsura niya, "..."

Ayos, alam niya na agad ang sagot niya...

Wala ng iba pang paraan. Ang tanging nagawa na lang ni Ye Wan Wan ay kaswal na baguhin ang topic: "Hinahanap niyo ba ako?"

Marahang umubo si Han Xian Yu. "Nakasalubong ko siya palabas at nakitang hinahanap ka niya, kaya dinala ko siya dito."

Sa sandaling iyon, nauutal si Luo Chen, "Ye-ge, ah… wala naman… gusto ko lang sana kausapin ka tungkol sa script… pero mukhang may bisita ka… kaya… sa ibang araw na lang, siguro…"

Matapos magsalita, mabilis na tumalikod si Luo Chen at tumakbo papalabas.

Nang tumakbo siya papalabas, aksidente siyang nauntog sa pintuan at may malakas na "bang"...

Tinignan ni Ye Wan Wan ang nagyayanig na pintuan at tahimik na napatakip ng mukha. "Ay diyos ko… bakit kailangan mag-train ako ng maliit na tupa, nasira ang lahat ng ganun lang, ngayon kailangan kong umulit…"

Marahang napaubo si Han Xian Yu at pasimpleng sinilip ang kakaibang lalaki na inaayos ang kanyang lapel, at tumingin kay Ye Wan Wan sabay bulong, *cough* "Napasobra ka na ngayon… maski ako nagulantang din at hindi naintindihan yung nangyayari, tapos yung bata pa!"

Nagdilim ang mukha ni Ye Wan Wan. "'Wag mo ng sabihin pa… gusto ko lang malaman kung may paraan pa ba para maayos ko 'to?"

Kinuskos ni Han Xian Yu ang kanyang ilong. "Tingin ko mahirap 'yan… maliban na lang kung...

"Maliban na lang kung ano?" agad na tanong ni Ye Wan Wan.

Pabirong sinabi ni Han Xian Yu at kinumpas ang mga kamay, "Maliban na lang kung babae ka~"

Ye Wan Wan: "..."

avataravatar
Next chapter