884 Mali ang sinabi nila sa akin, 9th master!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Jin garden:

Habang ang ibang tao ay nagkikita muli kahit matagal na silang magkakahiwalay, si Si Ye Han at Ye Wan Wan ay parang panghabang buhay nang magkahiwalay.

Gustong yakapin ng puno ng pagmamahal ni Ye Wan Wan ang iniibig niyang si Si Ye Han, naghanda ng sampung doktor si Si Ye Han para alamin at kumpirmahin kung walang mga injuries si Ye Wan Wan. Pwersado rin siyang pinainom ng sobrang dugyot na ginger soup bago siya umakyat at maligo...

Wala talaga siyang emosyon...

Si Si Ye Han ay nakaupo sa sofa na parang isang ice sculpture.

Tapos nang harapin ang dalawang confidant ni Si Ming Li at ang torturer sa nasa dark chamber na si Duan Li Zhao, ay namumutla habang nakatayo siya sa harap ni Si Ye Han. "9th master… hindi ko ginawa iyon… alam ng diyos! Hindi ko sinaktan si Miss Ye!"

Si Duan Li Zhao ay nakasuhan na noon dahil sa pagpaparusa niya ng ilang taon sa mga preso, bigla niyang naisip ang nangyari sa dalawang guwardiya kaya ang takot na nararamdaman niya ang dumoble habang nakatayo siya sa harapan ni Si Ye Han.

Nagmadaling tumakbo papunta sa kanila si Xu Yi habang may hawak siyang USB sa kanyang kamay. "9th master, may CCTV footage ako ng mga pangyayari sa dark chamber."

Basang-basa ng pawis si Xu Yi. Hindi niya maisip ang mga parusang ihahatol kung nasaktan man si Miss Wan Wan sa dark chamber...

Kahit na sinuri na ng mga doktor ang kalagayan ni Miss Wan Wan at kumpirma na nila na hindi siya sinaktan sa pisikal na aspeto, mahirap pa rin mahilom ang sikolohikal na trauma sa lugar na tulad ng dark chamber na punong-puno ng masasama at nakakatakot na pangyayari.

Masama pa rin ang kahihinatnan ni Duan Li Zhao lalo na't magagalitin si Si Ye Han, kahit na tinakot niya lamang ng kaunti at hindi niya sinaktan talaga si Miss Wan Wan...

Si Ye Han: "I-play mo ang video."

Naawa si Xu Yi habang nakatingin siya kay Duan Li Zhao. "Sige po…"

Ilang taon nang nagta-trabaho si Duan Li Zhao sa Si family at siya ang laging namumuno sa dark chamber. Kahit na magkaparehas sila ng kanyang superior na si Si Ming Rong na napakatibay, siya naman ay matagal nang tapat sa Si family. Ngunit sa ngayon, nilabag niya ang pinaka ipinagbabawal ni 9th master...

Nagmadali na si Xu Yi at pinasak niya ang USB sa laptop at agad niyang pinakita ang footage sa dark chamber.

Habang pinapanood nila ang video, bigla nang nagpakita si Ye Wan Wan.

Mataas ang kumpyansa ni Ye Wan Wan na gagaling agad si Si Ye Han. Naglagay siya ng kaunting makeup sa kanyang mukha at napakagara ng kanyang suot na bestida. Kalmado ang kanyang ekspresyon at dinala siya loob ng mga confidants ni Si Ming Li...

"AH AH AH AH—" Maririnig ang matining na sigaw na nanggaling sa laptop.

Sa loob ng dark chamber, ang dibdib ng isang lalaki ay sinunog hanggang sa malusaw ang kanyang balat at ang laman niya ay tumutibok tibok. Binabalot siya ng dugo kaya nadugyotan si Xu Yi habang nanunuod siya sa isang gilid, ngunit lalong naging nakakasindak ang mukha ni Si Ye Han habang pinapanood niya ang eksena na ito.

"AHHHHHH—" palakas ng palakas ang nakakatakot na sigaw at si Ye Wan Wan naman ay pinasok sa selda na nasa tapat ng lalaking pinaparusahan.

Napalunok si Xu Yi at ayaw niya nang panuorin pa ang footage. Kahit na malakas si Ye Wan Wan, siya pa rin ay isang batang babae na 20 taong gulang pa lamang - paano niya kakayanin na mapanood ang ganitong mga bagay...

Nang makuha na ni 9th master si Miss Wan Wan kanina, agad siyang nahulog sa braso ni 9th master dahil sa sobrang takot. Binabalot siguro siya ng takot sa lahat ng nakita niya sa loob ng dark chamber…

Maraming sumasagi sa isip ni Xu Yi bago niya marinig ang malinaw na boses ni Ye Wan Wan na nanggaling sa laptop...

"Ano na bang era natin ngayon? Gumagamit pa rin kayo ng makalumang pamamaraan ng torture?"

Tumalon si Ye Wan Wan papalapit sa katabi niyang selda, inangat niya ang kanyang ulo upang dumungaw sa loob ng selda na iyon habang umiiling siya at hinuhusgahan niya pa ang mga guwardiya.

"Hay, ito lang sasabihin ko sa inyo - ang ganyang pamamaraan ng torture ay gumagana lamang sa mga maliliit na isda at hipon…"

"Hoy, alam niyo ba kung ano ang mental torture? Gusto niyo bang turuan ko kayo…"

"Oo nga pala, meron pa, meron pa akong alam, ang pang-sampung method ay…"

Napanood ni Xu Yi na umalis ang dalawang guwardiya habang lumiliwanag ang mga mata ni Ye Wan Wan habang pinapanood at kinakausap niya si Duan Li Zhao...

avataravatar
Next chapter