135 Malalaman mo din sa lalong madaling panahon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bigla na lang naghiyawan sa tuwa ang mga lalaki galing sa Jin Xiu.

"Ow ow ow ow----"

"Aiyo! P*ta! Chu Feng, tinatago mo ba siya?! Kaya pala ang weird mo ngayon, 'di dahil sa heartbroken ka pero dahil sa inlove ka na at 'di mo maalis yung girlfriend sa isip mo!"

"Kaya pala tingin siya ng tingin dun sa mga nanonood!"

"Girl, 'wag kang magpaloko sa itsura lalaking 'yan!"

"Manahimik nga kayo!" sabi ni Chu Feng at galit niyang tinignan ang mga tao.

"Balik na 'ko, nag-aantay pa yung kaibigan ko sa 'kin." sabi ni Jiang Yan Ran.

Nag-aatubili si Chu Feng at kabadong tinanong si Jiang Yan Ran, "Edi… magkita na lang tayo mamaya?"

"Mhm," tango ni Jiang Yan Ran .

Nang marinig ang "Mhm", damang-dama ni Chu Feng ang lakas ng tibok ng kanyang puso, na pa bang nagpaikot-ikot ito sa kawalan.

Naalala niya! Tuloy ang date namin mamaya!

Kumpara sa mga ingay at pang-aasar sa Jin Xiu, ang atmospera naman sa Qing He naman ay sobrang tahimik.

Halos lahat ng tingin ay na kay Song Zi Hang.

Tutal, umasa siya at nag-akala na hinahanap talaga siya ni Jiang Yan Ran. Sa huli, si Chu Feng pala talaga ang hanap nito.

"Wow! Ang juicy nito! Si Jiang Yan Ran at si Chu Feng? Kailan pa sila nagkakilala?"

"Kahit na nakakagulat 'to, para sa 'kin, mukhang babagay sila sa isa't-isa? Ngayon ko lang nakitang hiyang-hiya si Chu Feng--hahaha too cute!"

"Bagay talaga sila.Tsaka pareho pa yung estado ng pamilya nila; dinig ko galing din si Chu Feng sa isang magandang pamilya!"

"Akala ko hindi na makakatayo si Jiang Yan Ran nung iniwan siya. Sinong mag-aakala mabilis siyang makakahanap ng iba?!"

"Masyado naman kayong nag-alala. Sa mga katangian pa ni Jiang Yan Ran, kailan niya pa hindi nakuha ang mga bagay na gusto niya? Si Song Zi Hang naman, baka bulag siya!"

Pinanood ni Song Zi Hang si Jiang Yan Ran nang iabot niya ang tubig sa isang lalaki at ang marahan nitong pagpunas ng pawis sa kanya. Nagdilim ang mukha niya sa sobrang galit; ang mga usap-usapan sa paligid ang naging dahilan para mas lalo pang mangasim ang itsura nito.

Nang nilagpasan na siya ni Jiang Yan Ran, hinarangan siya ni Song Zi Hang at sabing, "Jiang Yan Ran, anong ibig sabihin nito?"

Itong lintik na babaeng 'to, talagang may lakas ng loob siyang pahiyain ako sa harap ng maraming tao.

"Ano?" simangot ni Jiang Yan Ran.

Sa puntong iyon, mukhang may pagbabanta si Song Zi Hang sa sobrang dilim ng mukha niya, "Tsk, sabi mo may gusto ka sa 'kin pero ngayon, may kasama kang gigolo galing sa ibang school! 'Wag mong sabihin na nilalandi mo na siya noon palang bago ka pa umamin sa 'kin?"

Malamig ang tawa ni Jiang Yan Ran, "Ano naman kung ginawa ko, ano naman kung hindi? Ano naman sa 'yo kung may iba akong gusto at nilalandi ko?"

"Pff----" nag-umpisa ng tumawa ang mga tao sa paligid.

Tutal, tama naman ang sinabi ni Jiang Yan Ran; walang kinalaman ang dalawa sa isa't isa simula pa lang. Hindi ba yun din ang sabi ng isang tao noong dinepensahan ni Song Zi Hang ang dignidad ni Shen Meng Qi?

Muntik ng mabaliw sa galit si Song Zi Hang, at basta niya na lang sinabi nang hindi nag-iisip, "'Wag mong kalimutang engaged tayong dalawa, pero talagang gumawa ka pa ng kalokohan sa likod ko…"

"Engaged? Kelan tayo naging engaged?"

"Tayo…" sasagot na sana si Song Zi Hang pero nang tignan niya si Shen Meng Qi, bigla niya na lang tinikom yung bibig niya. Tutal, kamakailan lang nag-post siya at sabing wala siyang kinalaman kay Jiang Yang Ran at hindi totoo ang engagement.

Kung sinabi niyang mayroon nga, hindi ba binabaril niya na ang sarili niya sa paa?

"Jiang Yan Ran, isipin mo yung kalalabasan ng mga ginagawa mo!" sabi ni Song Zi Hang at pinilit na pinigalan ang nag-aapoy sa kanyang sikmura.

"Kalalabasan? Malalaman mo din sa lalong madaling panahon." ngiti ni Jiang Yan Ran at umalis ng hindi na lumingon pabalik.

avataravatar
Next chapter