webnovel

Mala-demonyo ang kawapuhan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumimangot si Ye Mu Fan. "Ano? Bakit hindi sinabi sa akin ang problemang ito noong una pa lang?"

Ilan sa mga tao ay mag-isa o pares na naglakad sa red carpet para matagal ang exposure nila. Ngayon, gusto nila na maglakad sila ng isang buong grupo dahil wala nang oras?

Pinigilan ni Ye Mu Fan ang galit na naramdaman niya habang kausap niya ang staff member. "At tsaka, hindi ito sumusunod sa patakaran."

Naiinip na sumagot ang staff member, "Hindi na kayang masunod ang plani dahil sa mga pagbabago. Walang kwenta rin kasi wala nang pakialam ang mga tao sa mga maglalakad sa likod. Dalawang minuto na lang ang natitira sa grupo niyo, kaya pwede silang maglakad sa dalawang grupo. Kung hindi ka handang gawin ito, 'wag na lang. Ang daming mga tao ang naghihintay sa likod mo, huwag mo nang patagalin pa ang iskedyul!"

Nagmadaling umalis ang staff member pagkatapos niyang sabihin ito.

Namatay sa sobrang galit si Ye Mu Fan. Malinaw naman na ang mga artista ng Emperor Sky Entertainment ang may nakuhang matagal na oras sa red carpet kaya nasiksik sila sa dulo. Pero, sinabi ng staff member na sila ang nag-delay ng iskedyul?

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan na galit na pabalik sa kanya, "Hindi na sapat ang oras?"

Nanigas ang mukha ni Ye Mu Fan. "Alam mo na kaagad?"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Yiyi at Ling Shao Zhe, na abalang inuubos ang oras nila dahil kinakausap ng mga ito ang host sa entablado. Masyadong maraming oras na ang nakuha ng Emperor Sky Entertainment, kaya kailangan nang ipilit ng mga organizers na isiksik ang mga taong na sa likuran ng Emperor Sky.

Ayaw galitin ng mga organizers ang mga malalaking kumpanya at ayaw rin nilang tipirin sa oras ang mga sikat na nominees, kaya sila lang ang napagbuntungan ng mga ito.

Ang mga malalakas ay pinagsasamantalahan ng mga malalakas. Ganito na talaga ang entertainment industry.

Tiyak na nagsalita si Ye Wan Wan, "Maglalakad tayo dalawang grupo. Mauuna sila Liu Qing at Zi Shan. Ang mga natira sa atin ay maglalakad sa likod nila."

Sabay-sabay na tumango sila Gong Xu, Luo Chen at Han Xian Yu.

Pagkaalis ng mga artista ng Emperor Sky Entertainment, ang natira na lamang ay ang mga hindi kilalang artista ng maliliit na kumpanya. Ang mga bagot na photographers ay tinamad nang pindutin ang kanilang mga kamera dahil hindi sila interesadong litratuhan ang mga ito.

Pagkatapos pirmahan ni Liu Qing at Zi Shan ang kanilang mga pangalan, naglakad na sila sa red carpet. Hindi pinansin ng mga host ang kanilang interviews.

Wala masyadong kilalang mga artista sa dulo ng red carpet, kaya ang babae at lalaking mga host ay nagdaldalan na lamang at hinintay nilang matapos sa paglalakad ang iba.

Biglang nagulat ang mga manonood na nasa gilid sa nakita nila.

Umangat ang mga tingin ng dalawang host at nabighani sila.

Sila ay…?

Sila Han Xian Yu… Gong Xu at si Luo Chen… gayundin ang dalawang tao ay medyo hindi pamilyar sa publiko ang itsura, ngunit ang mga itsura nila ay hindi mas mababa sa tatlo...

Dahan-dahan na naglakad ang limang lalaki na ang bawat isa sa kanila ay may kakaibang awra habang naglalakad sila papunta sa entablado. Sila ay parang naglalakad lang sa kanilang hardin.

Kahit sino sa kanila ay may magagarang mga mukha, gayundin ang marka na iniwan nila habang magkakasama sila. Sila ay… napakadakila kaya hindi makatingin ng diretso ang mga tao sa kanila...

Hindi naiwasang magdaldalan ng mga photographers na nasa gilid. "P*ta! Kung itsura lang ang pag-uusapan natin ngayon… talo na ang ibang mga aritista sa mga lalaki sa grupong ito…"

"Wala na tayong masasabi pa kay Han Xian Yu at Gong Xu, pero si Luo Chen ay sumailalim sa isang malaking pagbabago ngayong taon. Medyo malungkot siya noon, kaya paano naging matipuno ang kanyang awra?"

"Nararamdaman ko na ang lalaki sa gitna ang may malakas na awra, tama ba?! Mala-demonyo ang kagwapuhan niya! Siya yata ang manager nila Luo Chen at Gong Xu…"

"Putek na yan, malakas rin ang appeal ng manager nila?"

"Hindi lang iyon! Ang lalaking iyon ay ang boss ng kumpanya nila. Ang gwapo rin ng boss nila! Gayunpaman, anong rason bakit sila nagpa-gwapo kung Golden Orchid Awards ngayong gabi? Maraming mga baguhan sa entertainment industry! Pero ilan ba talaga ang talentado?"

"Totoo… pero… nakaka-akit talaga ang mga itsura ng mga artista ng kumpanyang ito…"

Next chapter