338 Makipagtalo sa isang estudyante

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Hahaha, tanda, hindi mo ba alam?" napatawa si professor Li Yue at itinuro si Ye Wan Wan at sabing, "Itong apo ay napakagaling--siya ang pinakamataas sa ating syodad para sa liberal arts paper. Sa lahat ng pangkat ng mga bagong estudyante, si Ye Wan Wan ang nangunguna, hindi, sa totoo lang, sa tatlong pangkat ng mga estudyante, walang naging mas mataas kay Ye Wan Wan. Kami sa Imperial Media ay muntik ng magkipagtalo sa Imperial City University para sa kanya. Buti na lang, sa huli ang Imperial Media ang pinili ni Wan Wan."

"Nagtaka din ako kung aling pamilya ang nagkaroon ng ganito kagaling na babae; hindi ko inaasahan na pamilya mo pala!"

"Tanda, talaga tinago mo ang mahalagang apo ah. Sa nakaraan, naririnig ko lang si Yiyi, pero hindi ko naisip na may naayos ka pang mas magaling, Ye Wan Wan, kailangan ko talagang ialis ang sumbrero ko sa 'yo."

Mas mukhang nasiyahan si Li Yue habang tinignan niya si Ye Wan Wan na may paghanga sa kanyang mata.

"Professor Li, grabe na po ang papuri niyo--maswerte lang po ako," marahang sagot ni Ye Wan Wan at ngumiti sa kanya.

"Wan Wan, kung mayron lang ako ng swerte mo noon, baka sobrang yabang ko at hindi ko na alam ang sarili kong pangalan. Sobrang kalmado mo pa din at matiwasay, huh?" tawa ni professor Li Yue at napailing na lang, mas lalo siyang natutuwa dito sa hindi alipin o mapanupil na matiwasay na babae.

"Wan Wan, nagkamali ka." Bigla na lang may tumayo sa lamesa at hindi natutuwang tinignan si Li Yue.

Nakaputing suit ang matanda, at mukhang malusog malakas ang pangangatawan. Nagpahayag na siya ay isang mayaman at marangal na tao.

Walang tao na hindi nakakakilala sa kanya--siya si Zhou Qing Gang, isa sa mga board member ng Imperial City University, na nagsasabing ito ang nangungunang institusyon sa Imperial City.

"Wan Wan, nangako ang Imperial City University na irerekomenda ka para sa iyong postgraduate studies pero sa huli, yung Imperial Media University ang pinili mo. nasaktan talaga kami; buong puso at tapat ang Imperial City na imbitahin ka at wala namang pinagkaiba ang mga kondisyon namin sa Imperial Media."

Napabuntong-hininga si Zhou Qing Gang at naawa sa sarili dahil wala siyang makuhang magandang ani mula sa Imperial Media… kung nalaman niya lang na apo ni Ye Hong Wei si Ye Wan Wan, talagang pupuntahan niya ang lugar ng matandang Ye para lang makuha ang babaeng ito.

"Zhou Qing Gang, pinili na ni Wan Wan ang Imperial Media, kaya 'wag ka ng sumambit pa diyan. Tutal, pag nag-umpisa na ang ang klase, magiging estudyante na si Wan Wan sa Imperial Media University, kaya ikaw… sumuko ka na lang!" tawa ni professor Li Yue.

"Hindi man 'yon ang kaso. Hindi pa 'yan nakukumpirma. May intensyon si Wan Wan, kaya malay natin, baka sa huli piliin niya ang Imperial City University." ayaw magpatalo ni Zhou Qing Gang. Lumingon siya kay Ye Wan Wan at sinubukang ipakita na mataas ang tingin niya dito.

Sa sandaling ito, ang dalawang prestihiyosong akademiko ng Imperial City ay pinagtatalunan si Ye Wan Wan na parang bata.

Napatahimik ang lahat ng bisita sa eksena na parang ang boses ni Zhou Qing Gang at Li Yue ang natira na lang sa mundo.

Para bang tinutubuan sila ng mga ugat sa kanilang paa--ang magnanay na sina Liang Shi Han at Fang Xiu Min, ay napako pa din sa kinatatayuan nila. Para bang may sabay-sabay na pagsabog sa kanilang utak bago pa naging blangko ang lahat.

Ang tinawag nilang inkompetente at walang kwenta, ang salot ng lipunan...

Ay ang taong pinagtatalunan ng Imperial Media University at Imperial City University...

"Hindi ba sabi ni Liang Shi Han at Fang Xiu Min...na hindi naka-graduate si Ye Wan Wan ng high school at na-expell pa…"

"Oo nga. Muntik na 'kong maniwala sa sinabi nila at hindi ko inasahan...ang pagbabago ng mga pangyayari…"

"Nakita ko na hindi pa din nagsasalita si Ye Wan Wan para sumagot sa kanila."

...

avataravatar
Next chapter