305 Makipagtalik ka sa akin ng isang beses

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Paano naging pabasa ng palad yan? Ilang beses nang hinahaplos ng lalaking ito ang kamay ni Mr. Si...

Pagkatapos niyang matuwa sa pagbabasa niya ng palad ni Si Ye Han, pinagpatuloy niya ang pag-aarte at nanghula siya, "Little ge ge, nakita ko na binabalot ka ng kaaya-ayang awra at makakakuha ka ng malakas na kapangyarihan ng isang emperor… pero kinakalungkot kong sabihin na… ang iyong buhay may asawa ay magiging mahirap at malabo. Nakalaan ka na magkaroon ng magulong kasalan, magiging mag-isa ka hanggang sa huling hininga mo… may isang paraan lang kung gusto mong kumawala sa sumpa…"

Nakakagimbal ang itsura ng lalaki sa pintuan.

Nang marinig ito ni Han Xian Yu, halos makumbinsi siya na marunong pala talagang magbasa ng palad si Ye Bai kaya nakinig siya ng maigi kung ano ang solusyon para mawala ang sumpa.

"Ah? Ano ang solusyon?" walang emosyon na nagtanong si Si Ye Han.

Hinawakan muli ng binata ang kamay niya sabay sumagot siya, "'Wag kang mag-alala, little ge ge. Wala kang dapat na ikabahala. Ako lang ang kulang sa buhay mo, walang mangyayari masama sayo kapag makikipagtalik ka sa akin ng isang beses!"

Si Ye Han: "..."

Muntik nang mabilaukan si Han Xian Yu: "..."

Baka may maniwala sa katarantaduhan mo!!!

...

Pagkauwi nila sa sari-sarili nilang mga apartments, nag-aalalang naglakad lakad sa kanyang salas si Han Xian Yu habang umiiling ang kanyang ulo.

Pagkatapos, pumunta siya sa kwarto para idikit ang tenga niya sa pader, sinusubukan niyang maki-tsismis sa pag-uusap sa katabing apartment. Ngunit ang gumagana ang tahimik na insulation kaya wala siyang marinig!

May mangyayari kaya sa kanilang dalawa?

Naintindihan niya na ngayon kung bakit ang kaibigan ni Ye Bai ay hindi… tunay na lalaki. Napilitan kaya siyang maging bakla dahil sa walang sawang panlalandi ni Ye Bai?

...

Sa kabilang apartment:

Parang big bad wolf si Ye Wan Wan na dahan-dahang inaalok si Si Ye Han papunta sa kwarto niya.

"Ganda, bakit hindi mo ako samahan ngayong gabi na tignan ang buwan ang bituin? Pag-uusapan natin ang mga tula at ibat-ibang pilosopiya ng buhay… pangako, wala akong kahit anong gagawin sa iyo…"

Hinihila niya ang lalaki papunta sa kama habang nagsasalita siya.

Wala sa mood si Si Ye Han na makipag-laro sa kanya dahil nilalayo niya ang makukulit na kamay ni Ye Wan Wan habang inaayos niya ang kanyang kwelyo. Malamig ang kanyang boses na may kaunting bahid ng lambot at sinabi niya, "Kung hindi ako ang andito, siya ba ang dadalhin mo sa kama ngayong gabi?"

Naramdaman ni Ye Wan Wan na nagagalit na si Si Ye Han pagkatapos niyang ilayo ang kamay niya, kaya malambing niyang hinaplos si Si Ye Han habang nakangiti siyang napatango. "Imposible iyon… little ge ge, ikaw lang ang para sa akin… tayong dalawa lang ang magsasama sa kama na ito..."

Nagbuntong hininga si Si Ye Han, mukhang gusto niyang sakalin pero parang gusto niya ring ibaon ng yakap si Ye Wan Wan. Yumuko siya sa pilit niyang kinagat at hinalikan ang labi ni Ye Wan Wan, gamit ang malapad niyang kamay, tinanggal niya ng paisa-isa ang mga butones ni Ye Wan Wan...

Pero, parang may mali siyang nahawakan.

Pagkatingin niya sa baba, napansin niya na nakabalot ng mahigpit ang dibdib ni Ye Wan Wan...

Kumunot si Si Ye Han at dahan dahan siyang tumulong para mawala ang nakapalupot sa dibdib ni Ye Wan Wan.

Kahit lasing na si Ye Wan Wan, alam niya pa rin na umaakto siya bilang isang lalaki. Mabilis siyang kumawala sa kanya at dinaganan niya si Si Ye Han sa kama. Kumurap-kurap ang maluha-luhang peach blossom niyang mga mata habang nakadagan ang mga kamay niya sa kamay ng lalaki. "Ay? Ganda…'wag kang bastos!"

Pagka-dagan niya kay Si Ye Han, nalaglag ang wig niya at dahil doon, lumabas ang kanyang itim na mahabang buhok...

Tinitigan ni Si Ye Han ang namumula niyang mukha, parang butuin na mga mata niyang kumukislap, ang buhok niya ay nalaglag hanggang sa balikat niya at ang maselan niyang collarbones ang unti-unting nakikita. Nansilim ang mga mata ni Si Ye Han habang mahigpit na nakahablot ang kanyang malaking kamay sa baywang ng babae, nginatngat niya ang kanyang ngipin at sinabi, "Tingnan mong maigi kung SINO AKO!"

Humiga si Ye Wan Wan sa dibdib ni Si Ye Han at tiningnan siya na para bang si Si Ye Han lang ang nag-iisang tao sa buong kalawakan. Muling bumalik ang pagkababae ng boses niya, lumambing at naging malumanay niyang sinabi, "Malinaw kitang nakikita… ang ganda mo, ang little ge ge ko, ang baby ko…"

Lumambing ang boses niya habang hinahaplos ang leeg ng lalaki, "Dinalhan ako ng mga damit ng baby ko nung nilalamig ako… pinakain ako ng lugaw… yung baby ko ay may puting tigre… mahal na mahal ko ang baby ko…"

"...", nagulat si Si Ye Han nang makita niya ang lambot at lambing sa mga mata ni Ye Wan Wan, ramdam niya ang malambot na kamay ni Ye Wan Wan sa leeg niya.

Punyeta Ye Wan Wan!

Sa tingin mo palalampasin ko ang ginawa mo?

avataravatar
Next chapter