1172 Makikita mo siya ngayong gabi

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nagmuni-muni si Jiang Yan Ran. Kung magpapaka-totoo lang siya, punayag siyang sumunod kay Wan Wan noong third year senior high school siya.

Kaya sumagot siya, "Noong senior high pa lang ako…"

Mas nauna pa siya kay Luo Chen…

Naramdaman ni Gong Xu ang kidlat na humampas sa maliwanag na kalangitan. "Putek! Senior high pa?! Hindi ba't minor ka pa noon?!"

Masakit ang loob niya noong tiningnan niya si Ye Wan Wan na ito ay padang iaang traidor. "Paano mo nagawa iyon, Brother Ye?!"

Iritableng sumagot sa kanya si Ye Wan Wan, "Tama na yan. Ngayon lang ang debut film ni Yan Ran kahit na matagal niya na akong sinusundan. Baguhan pa lang siya, kaya umakto ka na parang kuya niya."

Naging pulbos na ang puso ni Gong Xu.

May bago nang minamahal si Brother Ye, hindi niya na ako mamahalin...

Taas kilay na tiningnan ni Fei Yang si Gong Xu at lumapit siya kay Han Xian Yu para mangasar, "Xian Yu, bakit kakaiba ang naging reaksyon ni Gong Xu? Hindi ba dapat masaya siya na may bago tayong junior sister? Bakit parang may karibal siya sa pag-ibig?! Kung hindi lang ako nagkakamali, may gusto ba si Gong Xu kay Ye Bai?!"

Humarap si Han Xian Yu kay Fei Yang at napakunot siya, "Huwag kang O.A., Brother Yang."

Nang magtagpo ang mata ni Fei Yang at Han Xian Yu, bigla siyang napa-isip. Nakikipaglokohan lang ako! Bakit ang seryoso ni Xian Yu?

Tumawa si Fei Yang nang makita niya na nainis sa kanya si Han Xian Yu, at kanyang sinabi, "Joke lang, joke lang!"

Bakit parang hindi lang si Gong Xu ang kakaiba ang reaksyon?

Hindi na pinansin ni Fei Yang ang mga naiisip niya. "Oo nga pala, magkaroon tayo ng selebrasyon! Hindi tayo aalis hanggat hindi tayo nalalasing ngayong gabi! Nakapag-reserba na ako ng kwarto para sa atin!"

Tinitigan ng masama ni Ye Mu Fan, na nakaupo sa passenger seat sa harapan, si Fei Yang. "Anong sinabi mo?"

Nagulat si Fei Yang. "Magkaroon tayo ng selebrasyon…? Anong meron doon?"

"Hindi 'yan."

"Huh? Hindi 'yan? Yung… 'hindi tayo aalis hangga't hindi tayo nalalasing'?" Nagulat si Fei Yang bago niya sinabi. "Maliban na lang kay Director Ye!!!"

Natawa si Han Xian Yu. "Sinabihan ko na ang waiter na maghanda siya ng juice."

Ye Wanwan: "…"

Nakakatakot ba talaga ako?

Dahil malaya na si Ye Wan Wan, nag-send siya ng message kay Si Ye Han para sabihin ang magandang baliya sa kanya at dinagdag niya pa: [Huwag kang mag-alala, hindi ako iinom kahit na sobra akong masaya!]

Hindi naman sa pwede siyang uminom kahit gusto niya, okay?

Binabantayan nila ng maigi si Ye Wan Wan...

"Sa-saglit! Saglit lang!" Biglang sumigaw si Gong Xu sa loob ng kotse, "Nanalo akong Best Actor?! Nanalo ako, tama?"

Iritableng tiningnan ni Fei Yang ang matigas na mukha ni Gong Xu. "Paano ka nanalo ng Best Actor kung maliit ang utak mo???"

"Lumayo ka nga! Ano ba ang mapapala ng utak? Makakain ko ba ito? Sinabi ni Brother Ye na kailangan ko lang magpaka-pogi!"

Hindi pinansin ni Gong Xu si Fei Yang at humarap na lamang siya kay Ye Wan Wan habang umaapoy ang kanyang mga mata. "Brother Ye, napanalunan ko ang Best Actor! Best Actor!"

Walang pakialam na tumingin si Ye Wan Wan. "Tapos?"

Nangamba si Gong Xu. "Brother Ye, hindi mo ba gagawin ang mga pinangako mo? Yung Candied Plum ko! Saan ana ng Little Candied Plum ko?! Dali na at tawagan mo siya!"

Walang pakialam na sumagot si Ye Wan Wan, "Bakit ka nababalisa? Makikita mo naman siya ngayong gabi."

Makikita ko siya ngayong gabi...

Makikita ko si Little Candied Plum ngayong gabi!!!

Parang nananaginip si Gong Xu. Ginilid niya ang mga nasa isip niya tungkol kay Little Junior Sister at ang damuhan sa kanyang ulo.

Tama, may mga mas importanteng mga bagay sa ngayon...

avataravatar
Next chapter