468 Makikita ko kung sino ang magtatangkang humawak sa kanya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kung kailan sinubukan ulit ni Gong Xu na tumingin sa litrato, kaagad na binawi ni Ye Wan Wan ang telepono at sinabi, "tumingin ka sa akin."

Natural na tinignan ni Gong Xu si Ye Wan Wan. Ang isang sulyap na ito ay naging dahilan upang patuloy siyang tumingin sa pagkatuliro...

"Ikaw…"

"Kamukha ko ba siya?" hininaan ni Ye Wan Wan ang kanyang boses at nagtanong sa tainga ni Gong Xu.

Tinitigan ni Gong Xu ang lalaki at paulit-ulit na tumango.

Sa unang tingin, hindi niya napansin iyon dahil ang kanilang pag-uugali ay hindi magkapareha, ngunit sa malapitan, bakit niya nakita na ang lalaking ito ay may pagkapareha sa kanyang Little Candied Plum?

"Ang tao sa litrato ay ang aking nakababatang kapatid," ang sabi ni Ye Wan Wan.

Nang sandaling sinabi iyon ng lalaki, nanlaki sa kawalan ng paniniwala si Gong Xu.

A.... ano!

Ang Little Candied Plum na hinahanap ako at halos mabaliw na ako ng nakaraang dalawang araw ay talaga bang nakababatang kapatid ng lalaking ito?

Sa isang iglap, tinitigan ni Gong Xu si Ye Wan Wan na para ba itong nakatingin sa God of Sun, Apollo, kumikislap at nagniningning, ninanais na maaari niyang sambahin si Ye Wan Wan!

Sa loob ng ilang segundo ng pag-uusap nila Ye Wan Wan at Gong Xu, si Gong Xu lang ang tanging nakakita ng litrato.

Ngayon ay dumating na ang kawan ng mga nagmamadaling yapak - ang staff ay nagmamadali kasama ang dalawang security guard..

Ang matangkad at malalaking gwardya ay agresibong nagtanong, "sino ang nagdudulot ng gulo dito?"

Ang maliit na assistant na nasa tabi ay itinuro si Ye Wan Wan at sinabing, "itong lalaking dito, siya ang nagdudulot ng gulo at sinibukan pang manakit ng isang tao. Hulihin niyo siya ngayon din!"

Hindi nila kakayahin kung may masira kahit isang hibla lang ng buhok sa anit ni Gong Xu.

Nang marinig iyon ng mga gwardya, kaagad nilang pinuntahan si Ye Wan Wan.

Gayun pa man, bago pa makalapit ang kung sino sa kanya, kaagad na naging malamig ang itsura ni Gong Xu. kinalampag niya ang lamesa at sumigaw, "umalis kayo! Ako ang makakaharap ninyo kapag sinubukan ninyong hawakan siya!"

Nang makita ang reaksyon ni Gong Xu, ang dalawang maliit na assistant at staff ay nagulat.

Nagtinginan ang dalawang gwardya, naguguluhan at hindi na naglakas loob na lumapit.

Kaagad na lumapit kay Gong Xu ang maliit na assistant at maingat nagtanong, "Uh, Xu-ge, a...ano iyon? Nasaktan ka ng bastos na lalaking ito ngayon, tama ba?"

Kaagad na umungal sa kanya si Gong Xu, "sinaktan mo lolo mo! Sinong nagsabi sayo na maaari mong sigawan ang aking Ye-ge!"

Ang mukha ng maliit na assistant ay nabalutan ng kanyang laway at siya ay ganap na natuliro, "huh?"

Hindi pinansin ni Gong Xu ang kanyang assistant. Siya ay tumayo at hinila palabas ang upuan na kanyang inuupuan. Tumingin siya kay Ye Wan Wan at binigyan ito ng labis na papuri. "Ye-ge, Ye-ge, maupo ka!"

Nang makita kung paano gumawang kumpletong 180 si Gong Xu, ang lahat sa kwarto ay nagtinginan sa isa't isa, nalilito at tuliro. Wala silang ideya kung anong nangyayari.

Tulirong sinabi ng ibang isa pang maliit na assistant, "Xu-ge… ikaw… ikaw ba…?

Lumingon si Gong Xu at nagsimula ng pagalitan sila, " Ang iyong ulo! Dali, kumuha kayo ng tsaa para kay Ye-ge! Pwede ka bang maging alerto? At ikaw! Kumuha ka ng buko para kay Ye-ge ngayon!"

Ang parehong assistant: "...huh?"

Anong bang nangyayari?

Bakit ang ating great young master, second generation ancestor, biglang naging mabait at magalang kay Ye Bai?

Kahit na hindi nila lubusang naintindihan ang sitwasyon, hindi sila naglakas loob na lumaban sa utos ni Gong Xu, kaya ang isa sa kanila ay kaagad na pumunta para kumuha ng tsaa habang ang iba ay nagmadali upang maghanda ng isang buko.

Personal na inabot ni Gong Xu ang malaking buko, nilagyan ng straw at nilapit na kay Ye Wan Wan. "Ye-ge, uminom ka, uminom ka!"

Sapilitang ngumiti si Ye Wan Wan at tumingin ng kahina-hinala sa lalaki na may maganda, nakakasilaw at gwapong mukha saka niya sinuportahan ang kanyang noo ng isang kamay at mahinang sinabi, "narinig ko iyon… ang young master ay nagnanais na gumanap na 'Terrifying Dragon 2'?"

avataravatar
Next chapter