1223 Makapal na ulap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang misteryosong pagkawala ni Si Ye Han ay parang pinapalibutan ng makapal na ulap ang buong Si family at gayundin si Ye Wan Wan.

"Xu Yi, sa tingin mo ba ay umalis si Si Ye Han ng bansa para sa business?" Tinanong ni Ye Wan Wan si Xu Yi.

Umiling si Xu Yi. Sumagot siya pagkatapos niyang mag-isip isip, "Walang proyekto na kailangang asikasuhin ng mag-isa si 9th master nitong mga nakaraan na araw. At tsaka, ang pinakaimportanteng negosasyon sa ngayon ay yung negosasyon niya sa Huafeng Group. Ilang taon nang nakalipas noong pinagusapan ng Huafeng Group at Si family at negosasyon na ito, kaya wala na siyang tungkulin na mas importante pa kaysa sa Huafeng Group." 

"May mga senyales ba noong mga araw bago mawala si Ah-Jiu?" Nagtanong muli si Ye Wan Wan.

"Um…" nakakunot si Xu Yi. Sa isang saglit, siya ay sumagot, "Miss Wan Wan… si 9th Master ay naging mainitin ang ulo at madali siyang magalit noong mga nakaraang araw bago siya nawala…"

"Mainitin ang ulo… madaling magalit…?" Nagulat si Ye Wan Wan sa sinagot sa kanya ni Xu Yi at bigla niyang natandaan noong tinawagan siya ni Xu Yi noong araw ng Golden Orchid Awards' ceremony. Biglang napatanong si Ye Wan Wan, "Alam mo ba kung bakit?"

Sinabi ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan noon na tungkol sa trabaho ang kinagagalit niya.

"Hindi ko alam, eh. At tsaka, kadalasan ay nagkukulong si 9th Master sa kanyang kwarto noong mga araw na iyon. At… muntikan nang masira ang study room dahil kay 9th Master…" sagot ni Xu Yi.

"Saan si Lola?" Mabilis na iniba ni Ye Wan Wan ang usapan.

"Nagulat si Old Madam sa pagkawala ni Si Ye Han hanggang sa himatayin ang matanda sa kanya. Sinabi ng doktor na kailangan magpahinga at magpagaling ng maayos, kaya hindi ko pwedeng payagan na kausapin ni Miss Wan Wan si Old Madam sa ngayon." Kaawa-awa ang itsura ni Xu Yi.

Kailangan nang hayaan ni Ye Wan Wan ang ideya na iyon.

Naging malaking kaguluhan ang buong Si family dahil nawala at 'di tiyak ang kapalaran ng kanilang pinuno. Mag mga tao na nagsasabi na namatay na raw si Si Ye Han. Marami sa mga nakatataas na opisyal ng Si family ang pinili na hanapin ang kanilang pinuno hanggang sa mapagod ang mga ito, ngunit buti na lamang, nagawang bigyan ng kapanatagan ni Old Madam ang kanilang puso ng pansamantala lamang. Kapag napatagal pa ang pagkawala ni Si Ye Han, hindi na maiiwasan na magkagulo muli ang pamilya na ito.

Sa ngayon, ang Si family ay parang bulkan na unti na lang ay sasabog na at hindi masasabi kung ano ang kahihinatnan ng lahat kapag sumabog ang bulkan na ito.

Imposible na wala sa kaalaman si Si Ye Han, bilang pinuno ng Si family, sa mga posibleng kahihinatnan ng pangyayaring ito. Kaya sigurado si Ye Wan Wan na ang pagkawala ni Si Ye Han ay ginawa ng ibang tao.

 mong gagawin," Sabi ni Ye Wan Wan kay Xu Yi.

"Sige. Masyadong magulo ngayon ang Si family, at maraming mga bagay pa ang kailangang atupagin… Huwag kang mag-alala, Miss Wan Wan. Babalik naman siguro si 9th Master bago…" Tiningnan ni Xu Yi si Ye Wan Wan bago siya nagbuntong hininga at umalis.

Walang kahit anong lead sa pagkawala ni Si Ye Han kahit na nag-aalala at gustong hanapin ni Ye Wan Wan kung nasaan ba talaga si Si Ye Han.

Ayon sa sinabi sa kanya ni Xu Yi, nagkukulong daw si Si Ye Han sa study room noong mga huling araw bago siya mawala...

Kaya pumunta kaagad si Ye Wan Wan sa study room ni Si Ye Han.

Magulo ang laman ng study room ni Si Ye Han. Nahulog sa lapag ang telepono at nabasag pa ito. Nasira rin ang ilan sa mga upuan.

Kinuha ni Ye Wan Wan ang phone sa lapag at sinuri niya ito. Nakita niya na sira na ang phone, pero pwede niya pa rin i-check ang call history.

Ang huling oras ng pagtawag ay pareho sa oras ng pagkawala ni Si Ye Han.

avataravatar
Next chapter