1074 Mahusay umarte

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag-usap usap ang mga bisita nang marinig nila ang sinabi ni Ye Wan Wan.

"Anong pinagsasabi mo, Ye Wan Wan? Nababaliw ka na yata! Paano naging singsing mo ang engagement ring ni Ye Yiyi?" Tiningnan na parang tanga ni Liang Mei Xuan si Ye Wan Wan.

Masakit sa loob ni Ye Wan Wan nang sinabi niya ito, "Second Aunt, hindi mo alam kung singsing ko ba ito o hindi? Hindi ko alam na magaling ka pala umarte!"

"Ang jade na ito ay pagmamay-ari ko noon pa man. Parati kong iniiwan ito sa loob ng kwarto, pero pumasok ka dito at ninakaw mo ang singsing ko. Nakita pa nga kita eh!"

Sinigawan ni Ye Wan Wan si Liang Mei Xuan at dinuro niya ito sa sobrang galit. Gayunpaman, mukhang ginagawa niya ang abot ng kanyang makakaya upang itago ang galit na namumuo sa kanya kaya hindi siya nawalan ng kontrol sa sarili.

"Ikaw… g*go kang babae ka, anong sinasabi mo diyan? Ninakaw ko ang singsing mo?" Galit na sinabi ni Liang Mei Xuan.

"Wan Wan, huwag masyadong marahas ang mga salita mo…" nakasimangot si Ye Yiyi habang nakatingin siya kay Ye Wan Wan.

"Marahas ang pananalita ko?" Suminghal si Ye Wan Wan. "Plano ko sanang manahimik at talikuran na lamang ito. Dahil gusto mong mangyari ito, regalong pasasalamat ko na lamang ito para sayo… hindi ko inakala na ganito pala ang tingin mo sa akin…"

Manghang-mangha na nagtinginan si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun nang makita nila ang poot sa mukha ni Ye Wan Wan.

Hindi nila pinaniwalaan na magnanakaw ang kanilang anak ngunit nag-iba ang paniniwala nila nang marinig nila ang mga salita ni Ye Wan Wan.

"Tama!" Nabigla muna si Ye Mu Fan bago siya umabante. Sumang-ayon siya sa sinabi ni Ye Wan Wan nang tiningnan niya ang singsing at sinabi, "Mahal ang bili ni Ye Wan Wan sa singsing na ito! Malinaw sa akin ang lahat ng pangyayari. Nagtataka ako kung bakit biglang nawala ang singsing ni Ye Wan Wan… ninakaw mo pala ito. Napakadugyot mo para nakawan ang sarili mong pamilya!"

"Ikaw… huwag kang gumagawa ng kwento!" Lalong nagalit si Liang Mei Xuan.

"Second Aunt, nakita mismo ng mga mata ko na pumupunta sa kwarto ko at sinusubukan mong nakawin ang singsing ko. Naiintindihan ko naman na gusto mong ibigay ko ang aking blessing sa iyong anak, pero hindi ka naman pwedeng magnakaw sa akin, o kaya mo? Hindi lang iyon ang ginawa mo, pinagbintangan mo pa ako sa kasalanan na hindi ko naman ginawa!" Umiling si Ye Wan Wan habang nagbubuntong hininga.

"Punyetang babae ka! Hindi totoo ang sinasabi mo! Sa akin mo binabaling ang paninisi dahil sa kahihiyan mo! May pruweba ka ba na ginawa ko ito?"

"May pruweba ba si Second Aunt na ninakaw ko ang singsing? Anong pruweba ang maipapakita mo para malaman kung sa iyo nga ang singsing na ito?"

"Kalokohan! Engagement ring ito ni Yiyi. Kung hindi ito ang singsing ni Yiyi, paano ito magiging iyo?" Galit na sumigaw si Liang Mei Xuan.

Nangangambang tumalikod si Ye Yiyi upang tingnan si Gu Yue Ze.

Nagsalita si Gu Yue Ze, "Ito ang engagement ring na binili ko para kay Yiyi."

Tumalikod si Ye Wan Wan at tiningnan niya si Gu Yue Ze. "Ikaw… Gu Yue Ze… hindi ko inasahan na… tutulungan mo silang pagbintangan ako… heh… hayaan mo na nga… alam ko naman nang mangyayari ito…"

Napakunot si Gu Yue Ze nang marinig niya ito. Anong ginagawa ng babaeng ito?

Nabigla ang mga manunuod habang pinapanood nila ang eksenang ito.

"Anong nangyayari?"

"Ano pa ba… panlilinlang na ang nagaganap!"

Lubhang naging seryoso ang mga mata ni Ye Wan Wan habang abala ang lahat ng nasa paligid niya, "Sige! Ang galing! Sinasabi niyo ba na tunay ang paninisi niyo sa akin ayon sa katotohanan na alam niyo? Hindi ko ugali ang gumagawa ng kwento! May ebidensya ako na pagmamay-ari ko ang singsing na ito!"

avataravatar
Next chapter