694 Mahiya ka naman!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Noon, may ilan nang mga insidente na tulad nito - ang mga netizens ay naniwala sa maling impormasyon kaya sinimulan nilang mang-gera. Pagkatapos na maisiwalat ang katotohanan sa liwanag, huli na ang lahat para baligtarin ang kasiraang natamo ng biktima.

Sa oras na iyon, malaki ang naging epekto ng impluwensya at kasikatan ni Gong Xu.

Nagkaroon ng diskusyon ang mag netizens at lahat sila ay nagkaroon ng kaliwanagan sa pangyayaring iyon.

Ang malala pang nangyari nang matapos ang cyber violence ay wala nang pakialam ang mga tao sa katotohanan. Mas masama pa ang mga ginawang "makatwirang aksyon" ng mga taong hindi pa alam ang buong katotohanan kaysa sa mga tunay na masasamang tao.

Pwede bang huwag kayong magkomento sa mga bagay na hindi niyo pa alam, dahil madalas na hindi totoo ang lahat ng nakikita niyo.

Ang katotohanan ay naaayon sa opinyon ng publiko.

At sa pagkakataon na iyon, mabilis na nagbago rin ang reputasyon ni Gong Xu at ang reputasyon ng Dazzling Media ay naging mabuti...

Ang Emperor Sky Entertainment naman ay nahulog sa mainit na tubig.

Sa loob ng conference room ng Emperor Sky, ang PR director na si Ling Hua Sen at nagwawala sa sobrang galit, "WAN SHANSHAN, ANG BOBO MO! Ano bang pinagiisip mo?! Nadawit pa sa kaguluhan na ito ang sampung artista ng Emperor Sky! Hayaan mo na ang mga B at C list na mga artista - nadamay rin dito si Shaozhe! Ano nang gagawin natin neto, ha?"

"Jiang… Direktor Jiang… hin… hindi ko po alam… hindi ko alam na nakay Ye Bai pala ang buong video…" basang-basa ng luha ang mukha ni Wan Shanshan at ang mga braso niya ay kumikibo-kibo. Ilang beses niyang pinagmumura si Ye Bai sa kanyang isipan. Ang mga taong ito ay pinuri ako dahil pinost ko ang video na iyon at ginamit ko ang lahat ng aking kakayahan para gatungan ang apoy upang ito ay lumaki, pero ngayon… ako na ang sinisisi nila sa insidenteng ito?

Ngunit walang siyang sinabi. Humarap siya sa mga top managers at nagmakaawa siya, "Sis Zhang, direk Jiang, tulungan niyo ako. Pinost ko lang ang video na iyon para ipaglaban si Shaozhe!"

Nalungkot si Direktor Jiang. Wala nang paraan upang panghawakan pa nila si Wan Shanshan. Para naman kay Ling Shaozhe, pilit niyang sinabihan ang artista na wala siyang alam sa insidenteng iyon kaya napilitan si Wan Shanshan na tuluyan nang bumagsak.

Kailangan niyang bawasan ang nanging epekto ng nangyari dahil kung hindi, hindi niya alam kung paano siya mangangatwiran kayla chairman Gi at direkor Ye.

Mabilis na nakapagdesisyon si Jiang Hua Sen. "Dahil sa personal mong sama ng loob, Wan Shanshan, gumawa ka ng kaguluhan at pagkatapos ay nagsinungaling ka sa mga kaibigan mo at nakipag-away ka pa kay Gong Xu. Gumawa ka ng apology ngayon din ay ianunsyo mo na iiwan mo na ang buhay ng showbiz!"

"A-ano!" Humiyaw si Wan Shanshan at mabilis na nag-iba ang emosyon ng kanyang mukha.

Isa lamang siyang C-list na aktress kaya siya ang isa-sakripisyo sa ganitong sitwasyon - dapat alam niya na mangyayari ito sa kanya.

Takot na takot na si Wan Shanshan. Naguluhan si Wan Shanshan noong makita niya ang mga nakakabahalang tingin sa kanya ng mga pinuno at nagmadali siyang pumunta kay Ling Shaozhe. "Shaozhe… Shaozhe, tulungan mo ako… kailangan mo akong tulungan! Ginawa ko lang naman iyon para sa kapakanan mo…"

Nag-scroll si Ling Shaozhe sa kanyang phone at binabasa niya ang napakaraming mga panghuhusga na sinasabi ng mga tao sa kanya kaya naguguluhan na ang kanyang isip, hindi niya napigilan na sigawan si Wan Shanshan noong narinig niya itong magsalita, "UMALIS KA DITO! Ikaw ang gumawa ng kaguluhan na ito at dinamay mo lamang ako - anong pakialam sa magiging kapalaran mo?!"

Dahan dahan na dumating ang isang itim na kotse sa may daanan.

Katatapos lang ng meeting nila Ye Wan Wan, Gong Xu at ni Luo Chen sa opisina. Si Dong Zai ang nagmamaneho at nakaupo sa passenger seats sila Ye Wan Wan sa gitna, sa kaliwa niya ay si Luo Chen at sa kanan ay si Gong Xu habang busy siyang mag-scroll Weibo.

"Gong Xu, ang nag-iisang tunay na tao sa entertainment industry! Gong Xu, ang tunay na bayani! Ah, Gong Xu, ang pinakamalinis, pinakatotoo, pinaka-kumikinang at pinaka cute…"

Dinaanan si Gong Xu ang mga post at sinigaw niya ang walang sawang mga puri sa kanya ng mga tao. Umikot-ikot siya sa kanyang upuan at masya niyang sinabi. "Si young master (ako) ay hindi napupuri ng ganito kahit noon pa man, aiya, edi kamahal-mahal si young master? Malamang, kikinang ka dahil isa kang ginto 'di ba? Hehehe…"

Ayaw aminin ni Ye Wan Wan na ang baliw na katabi niya ay ang isa sa kanyang mga artista: "..."

Saan napunta ang hiya mo?

avataravatar
Next chapter