501 Mahirap ba na sweet ang sasabihin mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa master's bedroom sa pangalawang palapag:

Sa wakas, natapos nang basahin ni Ye Wan Wan ang lahat ng dokumento. Kung hindi lang dahil sa matatag na memorya niya, muntikan na siyang mahilo nang mabasa niya ang napakaraming komplikadong impormasyon na nakapaloob dito.

At sa oras na iyon, may narinig siyang malalim at gasgas na boses, "Masayang bang basahan ang mga 'yan?"

Biglang napalingon si Ye Wan Wan at tiningnan niya ang bagong gising na lalaking nakahiga sa kama. "Ano sa tingin mo? Hindi ko alam kung paano mo binabasa ang sangkaterbang dokumento hanggang sa dumating ka sa punto na hindi ka na kumakain at natutulog! Isang araw ko palang nababasa ito pero halos masuka ako! Dali, halika dito, titingnan ko ang preskong mong mukha para mabuhay ang mga mata ko!"

Natawa si Si Ye Han sa sinabi niya. Ang ngiti niya ay parang mga petals na lumalayag sa malalim niyang mga mata.

Kaya natameme si Ye Wan Wan nang makita niyang ngumiti si Si Ye Han.

Leche! Hindi ito maari!

Ito ang unang beses na nakita kong ngumiti ang… great devil...

Mabisa ang epekto nito sa mata ko!

Napahinga ng magaan si Ye Wan Wan nang maramdaman niya ang katangi-tanging ngiti ni Si Ye Han. "Mas maganda na ba ang pakiramdam mo ngayon?"

Si Ye Han: "En."

Yumuko si Ye Wan Wan, hinalikan niya sa mukha ang lalaki at ngumiti siya. "Ngayon, mas maayos na ang nararamdaman mo? Na-charge na ang battery! Tayo ka na diyan at kumain ka muna; magre-report ako sayo pagkatapos mong kumain."

Inutusan ni Ye Wan Wan ang mga tiga-kusina na bigyan ng agahan pagkatapos maligo ni Si Ye Han. Pagkatapos nilang kumain ng agahan, sinimulan na niyang tumulong sa trabaho ni Si Ye Han.

Tahimik na pumatong si Si Ye Han sa sofa habang inaaral nila ang dokumento at si Ye Wan Wan ay nakaupo sa tapat niya. Ang mahalimuyak na amoy ng damuhan, pagkatapos ng ulan, ay pumasok sa loob ng kanilang bintana at pumalupot ito sa kalmadong boses ng babae.

Lahat ng binabasa niya ay nakakapabagabag at ang nilalaman ay malabong mga business affairs na sinulat ng kakaunti lang ang pagkakadetalye, pero naiinis si Si Ye Han sa mga ito. Mas gusto niya pa ngang magbasa si Ye Wan Wan ng tulad ng pagkakabasa niya ngayon.

Mabilis na lumipas ang isang buong araw. Nagpahinga si Si Ye Han at nagtrabaho siya sa parehas na oras kahapon, tinapos niya na ring ayusin at basahin ang lahat ng dokumento.

Umupo sa harap ng aparador na may salamin si Ye Wan Wan pagkatapos niyang mag-shower nung gabing iyon.

Medyo nangangamba si Ye Wan Wan habang tinitingnan niya ang sarili niya sa salamin.

Wala siyang masyadong naitulong na tapusin ang pagaayos nila ng dokumento dahil sa abilidad niya. Ang ginawa niya lang ay gumawa ng summary report at tumulong siyang mag-send ng ilang mga emails para kay Si Ye Han, pero si Si Ye Han pa rin ang gumawa ng huling desisyon.

Sa may salamin, napatingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han na nakaupo sa may sofa sa likod niya at hindi niya maiwasang magtanong, "Si Ye Han, naisip ko na… kinailangan mo pang gamitin ang utak mo para diyan sa mga dokumento! Nakatulong ba ang pag-ayos at pagbasa ko ng mga dokumentong 'yan sayo?"

Maayos ang pakiramdam ni Si Ye Han kahit namumutla ang kanyang mukha. Binaba niya ang isang bowl ng medisina nang marinig niya ang sinabi ng babae, tiningnan niya si Ye Wan Wan at kaswal siyang sumagot, "Logically speaking, wala ka masyadong natulong."

Napayuko si Ye Wan Wan dahil nalungkot siya nang marinig niya ang sinabi ni Si Ye Han. "Ah… edi walang kwenta pala ang ginawa ko?"

Kaswal na sumagot si Si Ye Han, "Hindi ko sinabi na kailangan nating maging logical."

Tumalikod si Ye Wan Wan at naguluhan siya sa sinabi ni Si Ye Han, "Ah? Anong ibig mong sabihin?"

Si Ye Han: "Yung literal na ibig sabihin."

Ye Wan Wan: "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" Hindi ko pa rin naiitindihan.

Si Ye Han: "Alamin mo ng sarili mo."

Ye Wan Wan: "..."

Anong pinagsasabi mong, alamin ko ng sarili ko?

Ilang beses na inisip ng mabuti ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Si Ye Han sa kanya.

At matapos ang matagal na pagkakataon, naintindihan na niya ang ibig sabihin ni Si Ye Han. Tinitigan niya ng masama ang nakakaakit na lalaking nasa harapan niya, "Bakit hindi mo na lang sabihin na dahil ang nagbabasa at tumutulong sa mga dokumento mo ay ang pinakamamahal mong cute na girlfriend, nararamdaman mong pinagpapala ka at malayo ka sa aalahanin kaya naging produktibo ka dahil sakin?"

"Bakit ginawa mo pang komplikado ang usapan, mahirap ba na sweet ang sasabihin mo..." naiinis na nagreklamo si Ye Wan Wan sa kanya.

avataravatar
Next chapter