1188 Mahilig talaga sa lalaki

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Huwag kang masama Gong Xu!" Hinila ni Luo Chen si Gong Xu.

Gayunpaman, paano ba mapipigilan si Gong Xu? Inunat na niya ang kanyang mga kamay at hinawakan niya ng mahigpit ang kamao ni Liang Shi Han. "Manghingi ka ng tawad sa kanya!"

Umungol ng malakas si Liag Shi Han, "Ah! Ang sakit! Pakawalan mo ako! Sa tingin mo ba pwede na pwede mo akong kaya-kayanin dahil ikaw ang Best Actor? Bakit ka nagagalit kung wala naman kayong relasyon sa isa't isa?"

Masyadong malakas ang kaguluhan kaya marami itong naakit na atensyon ng mga bisita. Kakaiba ang tingin ng lahat kay Ye Mu Fan at sa babae na nasa tabi niya, dinuro sila ng mga ito at nagbulungan pa sila sa isa't-isa.

Noong sasabog na sana sa sobrang galit si Gong Xu, malumanay siyang sinabihan ni Ye Wan Wan, "Gong Xu."

Walang sinabi si Ye Wan Wan at binigyan niya lamang ng makabuluhan na tingin si Gong Xu kaya agad na pinakawalan nito ang kamay ni Liang Shi Han at bumalik siya sa tabi ni Ye Wan Wan.

Nagulat si Luo Chen at tiningnan niya si Ye Wan Wan.

Tinitigan ni Liang Shi Han si Ye Wan Wan na ito ay parang isang maruming bagay. "Ang husay mo talaga, Ye Wan Wan! Ginamit mo ang mukha mo para gumapang sa kama ng lahat ng nasa agency? Siguro nahumaling ang Ye Bai na iyon sa mukha mo, tama?! Kung hindi, bakit pa ba siya mananatili sa walang kwenta at pangit na kumpanya ng kuya mo?!"

Narinig ng lahat ang mga salitang ito ni Liang Shi Han kaya nagbulungan ang mga bisita.

"Mukhang kapatid ni Ye Mu Fan ang magandang babae na ito! Pero bakit parang pamilyar siya sa akin na parang nakita ko na siya noon?"

"Totoo naman ang mga salita ni Liang Shi Han. Pag-isipan mo ng mabuti–hindi ba't pwedeng magtrabaho sa kahit anong kumpanya ang tulad ni Ye Bau na nakakatakot? Bakit niya piniling makatrabaho si Ye Mu Fan na pinalayas na apo na nanggaling sa Ye family?"

"Pft, gumamit yata siya ng matatamis niyang mga salita para makuha si Ye Ba!"

Napunta ang mga masasamang tsismisan kay Ye Hong Wei.

Nakasimangot na tiningnan ni Ye Hong Wei si Ye Wan Wan. "Anong nangyari? Bakit nandito si Ye Wan Wan?"

Masayang pinapanood ni Ye Shao An, na katabi ni Ye Hong Wei, ang pangyayari. "Dinala siguro siya dito ni Ye Mu Fan! Ah, si Mu Fan talaga, alam niya ba kung ano ang maayos na gawain at mali? Dapat hindi siya masyadong nagpahalata kung gagamitin niya ang nakakahiyang trick na ito! Bakit niya dinala si Ye Wan Wan sa lugar na ito? Paano niya nasabi na presentable ang babaeng ito?! Parang inaakit niya ang mga tao para pahiyain ang sarili nila?"

Nagalit si Ye Hong Wei. "Bakit nakatayo ka pa rin dito?! Paalisin mo na ang babaeng iyan!"

Kung malalaman ng publiko ang skandalo na ito tungkol sa kanyang apo, ang buong Ye Group ay mapapahiya rin.

Hindi nagbago ang reaksyon ni Ye Wan Wan habang pinapakinggan niya ang mga masasamang akusasyon sa kanya. Tiningnan niya si Liang Shi Han at sardonio niya itong tininingnan, "Dinala mo ang internet navy mo kanina para sabihin na bakla si Ye Bai. Ngayon, sinabi mo na gagapang si Ye Wan Wan sa kama ni Ye Bai? Pwede ba na manatili ka lang isang storya bago mo tanggalin ang kasikatan ng isang tao? Huwag kang gumawa ng pang bobo na mga pagkakamali."

Pinadyak ni Liang Shi Han ang paa niya sa sobrang galit. "Ikaw… sinong nagdala ng internet navy para tanggalin ang kasikatan ng ibang tao?! Huwag mo kaming siraan! Hindi pipiliin ng langaw ang basag na itlog! Si Ye Bai ang may pagkakamali! Paano kakalat ang tsismis na iyon kung hindi naman siya isang bakla na mahilig sa lalaki at mag cross-dress?"

Sasabog na sa sobrang galit si Gong Xu. Anong bobong kag*guhan ang akusasyon na ito?

Tumingin sa babae si Ye Wan Wan at natawa siya at palihim siyang nagsalita, "Tama ka. Mahilig nga sa lalaki si Ye Bai."

Pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan, nagsigawan ang lahat ng nandoon.

avataravatar
Next chapter