160 Mahal na mahal?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Masyadong mabilis na dumating si Mrs Song kaya hindi agad napansin at naiwasan ang malakas na sampal sa kanyang mukha.

Napatahimik bigla ang puno ng buhay na hall.

Pinagtuturo ni Mrs Song ang bandang ilong ni Jiang Yan Ran at nagsimulang magsisigaw, "Inggrata kang g*ga ka! Basura ang buong pamilya mo! Noon, pinipilit mong maayos ang nuptials kasama ang Zi Hang, ngayon na malakas ka na, tinapon mo lang siya sa gilid! Pinatigil mo ang kasal at ngayon nagmamataas ka--- sa tingin mo kakaya-kayanin mo lang ang Song family?

Sabihin mo sa akin kung sinong gigolo ang tinalik mo habang nakatalikod ang anak ko? Yung may apelyidong Chu? Magaling kang pinalaki ni Jiang Hai Chao! Naglalandi habang alam niyang ikakasal na siya… nakahanap ka ng mas mayaman pagkatapos tinapon mo si Zi Hang at ninakaw mo pa ang proyekto ng pamilya namin, pinilit mo kaming isantabi para mamatay!

Tinrato kita na parang prinsesa pero sa tingin mo ba iyon ka? Kung ibabase sa talento, itsura at kilos, hindi ka talaga karapat-dapat sa anak ko! Kung hindi mo sinayang ang oras niya, makakahanap pa ng mas maayos ang anak ko! Mahal na mahal ka ng anak ko, pero ikaw ay hindi nagpapahalaga at hinuhusgahan mo pa siya!"

Patuloy lang nagsalita ng napakarami si Mrs Song, sinusumpa at pinagmumura niya ang dalaga at lumalala pa sa bawat komentong sinasambit niya. Bilang nakakatanda, nirerespeto at hindi sumasagot si Jiang Yan Ran kahit pa bahagyang nanginig ang kanyang katawan, walang emosyon ang kanyang mukha sa mga oras na iyon.

Hindi niya inasahan na si Tita Song na karaniwang mapagmahal at mabait sa iba, ang tao na tinrato niyang nanay ay naging malisyosa sa kanyang pananalita.

Totoo kaya ang pinakita niyang pagmamahal sa akin ay simula palang peke na?

Hindi ko naramdaman na hindi ako karapatdapat kay Song Zi Hang..

Sa loob ng maraming tao, nanlamig ang paningin ni Ye Wan Wan nang mapahinto siya sa namamagang mukha ni Jiang Yan Ran. At bigla na lang siyang sumigaw ng-----

"Diyosko! May engagement na pala si Jiang Yan Ran at Song Zi Hang? Paano nangyari yon?!"

Habang pinapagalitan niya si Jiang Yan Ran, lalong nagalit si Mrs Song nang marinig niya ang nagtanong. Sinuri niya ang kanyang mata sa lahat ng nasa hall at mahigpit niyang sinambit, "Bakit naman wala? Nagsinungaling ba ang g*gang ito na wala siyang kinalaman sa Song family?

Sasabihin ko sa inyong lahat, engaged na ang dalawang iyong bago pa sila ipanganak. Nakita ng dalawang pamilya namin ang yaman ng bawat isa at nakipagpalitan ng cards! Wala ni-isang tao sa aming circle ang hindi nakakaalam na para sila sa isat-isa!

Naging mabait sa kanya ang anak ko, araw araw niyang tinrato siya na parang prinsesa. Paano niya kakayaning tanggihan ito? Tingnon niyong lahat ang totoong kulay ng g*gang ito! Niloko niya ang aking nag-iisang anak at gusto niya pang sirain ang kumpanya namin! Paano magkakaroon ng demonyong babae sa mundong ito?!"

Ah...

Nagulat ang lahat ng nag-oobserba sa nairnig nila.

Sh*t! Anong sabi ng babaeng iyon?

Engaged na pala talaga si Song Zi Hang at Jiang Yan Ran!

Sinabi niya talaga na… na mapagmahal si Song Zi Hang sa kanya?

Napansin ni Mrs Song na parang may mali sa mga mata ng mga nunuod sa kanya, ngunit hindi niya alam kung ano iyon.

Mapangasar na tiningnan siya ni Ye Wan Wan at may pagdududang sinabi, "Imposible yun tita, nagsisinungaling ka! Ang girlfriend ni Song Zi Hang ay obvious naman na si Shen Meng Qi, paano naman siya magkakaroon ng relasyon kay Jiang Yan Ran?!"

Hindi na kayang pagtimpian ni Mrs Song ang ganitong akusasyon at galit nyang pinagsasabi, "Nagsisinungaling ako? Nanay ako ni Song Zi Hang! Paano magiging peke ang salita ko!? Obvious naman na ang g*gang ito ay nagsisinungaling! At sino naman si Sheng Meng Qi? Anong kabobohan ang pinagsasabi mo?"

avataravatar
Next chapter