237 Mahal na Mahal kita

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Habang nagagalit si Si Xia kasi hindi pa rin siya pinapaalis, napagisipan niyang gumawa ng gulo sa dalawa. Kaya tumango siya sa sinasabi ni Ye Wan Wan sabay sinabi, "Tama, tama! Nakaka-irita talaga siya! Ang lakas niyang magpigil sayo na gawin ang lahat ng gusto mo; siya na ang pinaka nakaka-irita sa lahat!"

Humarap ang nanlilisik sa lamig na mata ni Si Ye Han kay Si Xia.

"Matagal na siyang nakakairita…" Paamo ng paamo ang boses ni Si Xia habang nakatingin sa mata ni Si Ye Han.

Hinayaan na lang niya si Si Xia sabay dumapo ang kanyang mata sa bakas ng pagka-kagat sa kanyang kamay. Maapos nito, napatingin siya kay Ye Wan Wan.

May kakaibang katahimikan ang bumalot sa hangin.

Ilang oras ang lumipas, sa wakas, nagsalita na si Si Ye Han, "Simula sa araw na ito, pinapalaya na kita. Hahayaan kong gawin mo ang lahat ng ninanais mo at hindi ako mangingialam, basta't hindi mangyayari ang dalawang bagay…"

Sa sobrang kaba, napahigpit ang kamao ni Ye Wan Wan. Hindi siya makapaniwala sa huling sinabi ni Si Ye Han, "Anong dalawang bagay?"

Si Ye Han: "Una, kapag nagmakaawa ka sa akin."

Seryosong itong pinag-isipan ni Ye Wan Wan masugid siyang sumagot, "Kung hindi man ito nangyari, mangangako ka ba sa akin na hindi mo ko pakikialaman?"

Ipinakita ng mga mata niya ang pangakong hindi siya mangingialam, "Pangako."

Nagsususpetyang tumingin si Ye Wan Wan kay Si Ye Han, ngunit nang marinig na nangako sa kanya si Si Ye Han, malabo na maging sinungaling ito.

Pero ano ang ibig niyang sabihin?

Mababa ba ang tingin niya sa akin? Sa tingin niya na kapag umasa ako sa sarili kong lakas, malalaglag ang mukha ko sa putikan? Tapos inaasahan niya pang magmakaawa ako sa kanya?

"Ano yung pangalawa?" Pigil hiningang tinanong ni Ye Wan Wan

Si Ye Han: "Pangalawa, kapag nasaktan ka."

Napahinto si Ye Wan Wan nang marinig niya ito, "Anong… anong lebel ng sakit ba ang ibig mong sabihin?"

Si Ye Wan Wan ang pinakamahalagang pagmamay-ari ni Si Ye Han kaya natural sa kanya na protektahan siya sa kahit anong kapahamakan.

Walang pakialam na sumagot si Si Ye Han, "Depende sa desisyon ko."

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan, "Masyado kang mapagsarili… lahat ba ay nakadepende sayo…? Kapag kinagat ba ako ng maliit na insekto at maliit na bahagi ng balat ko ay nasugatan, nasasaktan na ba agad ako 'nun?"

Si Ye Han: "Depende sa mood ko."

Sige, sige, ikaw ang boss kaya susundin ko ang sinasabi mo...

Buti na lang ang paninipsip--- ay, mali--- ang panunuyo niya ay napakahusay.

Pinigilan ni Ye Wan Wan ang kasiyahan niya at huminga siya ng malalim sabay sinabi, "Hindi ka mangingialam kapag ipinakita ko sayo na kaya kong ayusin ang aking sarili, ang buhay ko at kapag kinaya ko naprotektahan ang aking sarili?"

Tiningnan siya ng nakakatakot na mga mata ni Si Ye Han, "Kapag hindi mo kinaya, babalik ang lahat sa tulad ng dati at wala ka nang second chance."

Kinaskas ni Ye Wan Wan ang kanyang ngipin, "Sige! Deal ito!"

Darating ang araw na ako ang magiging master!

Nakita ni Si Ye Han ang kumukinang sa tuwa na mga mata ni Ye Wan Wan, "Huwag ka masyadong umasa; mayroon pa akong kaunting requests sa iyo."

"Iba pang mga requests?" dahan-dahan na tinanong ni Ye Wan Wan."

Sabi na, hindi ito magiging madali sa akin!

May nilabas na dokumento si Si Ye Han at inilapag niya ito harapan, "Lahat ng nakasulat na request ay kailangan mong gawin. Mapapawalang bisa ang kasunduan natin kapag hindi mo ito ginawa."

Kinuha ni Ye Wan Wan ang dokumento at binasa ang laman nito. Nakalagay sa kasunduan ang sumusunod: Bawal manigarilyo, bawal uminom, bawal makipag-away, bawal umuwi ng late, bawal makipagusap sa hindi kilala, dapat magreply sa lahat ng messages, bawal kumain ng junk food, bawal tumingin sa ibang lalaki, bawal maghanap ng ibang lalaki...

Eto ba ang kaunting requests na sinasabi mo? Halos isang daan ang dami? Paano niya napag-isipan ang ganito karaming request?

Nakita niya na naka-bold ang "bawal uminom" sa kasunduan. Hindi siya sigurado kung bakit ito ay binibigyang diin ng kasunduan nila.

Nagkamali ba yung pagka-type niya? Bakit naka-bold ang dalawang salit na iyon?

Hindi ba dapat ang "maghanap ng ibang lalaki" ang naka-bold?

At saka, aning ibig niyang sabihin sa bawal makipag-away? Sa tingin niya makikipag-away ang lampang tulad ko?

Natutuwa siya sa binigay sa kanyang kalayaan, kahit pa lumalabo ang kanyang paningin sa dami ng requests na nakasulat.

Eto na ang pinaka magandang kinalabasan ng araw na iyon, kaya napigilan niyang nang mag tantrums sa harap ni Si Ye Han.

"Sige, sige, sige! Masusunod ang kagustuhan mo! Ang galing mo talaga! Mahal na mahal kita!"Ang kaninang nangangagat sa kamay at naiinis na si Ye Wan Wan ay nagkaroon ng 180-degrees na pagbabago sa kanyang ugali.

Nawalan ng malay tao si Si Xia nang mabigo ang kanyang planong guluhin sila.

Bakit...

Bakit ganito ang kinalabasan?!

avataravatar
Next chapter