683 Magulong tibok ng puso

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Naliligo si Ye Wan Wan habang nalulunod ang kanyang phone dahil sa sangkaterbang mensahe na natatanggap nito kaya naubos kaagad ang baterya nito.

Binuksan niya ang isa sa mga links at lumabas ang isang video.

Magulo ang eksena sa video at napakaingay nito. Malaking kaguluhan ang nasa eksena na iyon.

Kitang-kita si Gong Xu na may suot na flourescent blue flight jacket na lumabas na galing sa kadiliman.

"Tama, mas mataas si young master kaysa kay Ling Shaozhe!"

"Oo, malaking bully si young master -ano naman? Dali! Awayin niyo ko!"

Sige, kalabanin niyo ako. Itapon mo yan at siguraduhin mong dito yan tatama sa akin. Dalian mo at itapon mo na yan! AKO KALABANIN NIYO! Dali, halika ka…"

"Hindi sila makakaalis dito…"

Hindi alam ni Ye Wan Wan kung iiyak o tatawa ba siya noong narinig niya ang huling mga salita ni Gong Xu.

Hindi siya nagtatago kapag nakaharap niya ang media. Sa halip, pinapakita niya na isa siyang big bully at pinipigilan niya silang umalis. Sa buong entertainment industry, si Gong Xu lamang ang gumagawa ng ganito...

Paulit-ulit na nag-ring ang phone ni Ye Wan Wan. Tumatawag sa kanyang ang assistant ni Gong Xu na si Dong Zai.

Sumagot si Ye Wan Wan. "Hello?"

Halos mangiyak-ngiyak ang tono ng boses ni Dong Zai. "Pasensya na, Ye-ge, nakasalubong namin ang media at mga fans sa may entrance at minamanmanan ko si Gong Xu, ngunit…"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Nakita ko na ang video."

Dong Zai: "Ano nang gagawin natin ngayon, Ye-ge? Hindi ko siya kayang patigilin!"

Inaasahan na ni Ye Wan Wan na mangyayari ito. "Hayaan mo siya, 'wag ka masyadong magalalala."

Nabigla si Dong Zai. "Huh? Hayaan ko lang siya? Paano natin gagawin iyon?! Sigurado ka ba diyan, Ye-ge?"

"Napigilan mo ba siya?" Sumagot si Ye Wan Wan ng patanong.

Wala nang masabi pa si Dong Zai. "Hi… hindi eh."

Ye Wan Wan: "May tanong ka pa ba?"

Dong Zai: "Wala na…"

Nakatameme na lamang si Dong Zai.

Anong klase ng mga boss ba ang sineserbisyohan ko?

Bakit unti-unting nag-iiba ang mga ugali nila?

Tumingin tingin si Ye Wan Wan sa internet. Binabalot ito ng mga tsismis at balita tungkol kay Gong Xu.

Hindi lahat ng tao sa industriya ay kayang gawin ang nakakasindak na "massacre" ng tulad ni Gong Xu.

Kakaiba ang ugali ni Gong Xu. Laging siya ang pinagtsitsismisan at nasa kanya ang atensyon ng mga tao - tunay na siya ay isang natural na bida.

Mapamilit ang kanyang karakter, mahihirapan ang tao kapag kinokontrol at tinuturuan siya, katulad na lang ng nanagyari ngayon.

Gayunpaman, hanggat ginagawa ng maayos ng PR ang kanilang trabaho, walang nang mas sisikat at mas bibida pa sa entertainment industry kundi si Gong Xu. Siya ang magiging hari ng kasikatan sa lahat ng mga artista.

Noong una, planado na ni Ye Wan Wan na kunin bilang artista niya si Gong Xu. Pero mas lalo na naging interesado si Ye Wan Wan sa pagsubok niya kay Gong Xu…

Kinaumagahan.

Dazzling Media, sa opisina ni Ye Wan Wan:

Napagod si Ye Wan Wan pagkatapos niyang gawin ang ibang mga tungkulin niya. Sinuportahan ng kamay niya ang kanyang ulo at humiga siya sa sofa at siya ay umidlip ng saglit.

Biglang may malakas na "bang" nang may nagbukas sa pintuan ng kanyang opisina.

Galit na sumugod sa loob si Gong Xu habang si Dong Zai nagaatubili nakasunod sa kanya. "Xu-ge, maghinay-hinay ka! Dahan dahan!"

"Punyeta, gusto kong patalsikin si Ling Shaozhe. Isa lamang ang matitira sa amin sa entertainment indistry! Ye-ge, sabihin mo sa management na gusto kong tanggalin si Ling Shaozhe! Tinatrato akong kawawang kuting ng nagtatagong tigre na iyon! Ang yabang niya para tapakan ako! Gusto niya palang maglara, huh! Ako, si young master, ay handa paglaruan siya hanggang sa bingit ng kamatayan niya…"

Sumabog na parang paputok si Gong Xu noong papasok pa lamang siya ngunit, bigla niyang napansin ang binata na nagpapahinga sa may sofa.

Pumasok ang sikat ng araw sa may bintana at ito'y kumislap sa payapa at magandang mukha ng binata. Biglang nanahimik si Gong Xu nang makita niya ito...

Thump—

Thump—

Muling tumibok ng malakas ang kanyang puso.

Leche! Ang bobo ng puso kong ito! Hindi ka pa pala tapos huh!

Hindi ito maaari! Kailangan kong makahanap ng sagot ngayon din! Kailangan kong mapatunayan sa sarili ko na hindi ako bakla!

avataravatar
Next chapter