117 Magtatrabaho ako para sa iyo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa maliit na sapa sa tabi ng paaralan

Naupo si Jiang Yan Ran ng halos dalawang oras rin. Sa panahon rin na iyon, sinusubukan tawagan ni Song Zi Hang si Ye Wanwan ng maraming beses ngunit may pagbabanta at babala.

Nang malaman na nadismaya at nandiri sa kanya si Song Zi Hang, nasaktan siya na parang sinaksak ang puso niya.

Ngunit pinipilit nito na i-delete ang post-- kaya niya kaya itong gawin?

Habang nag-iisip siya nag-scroll siya kaniyang phone at may nakita siyang reply sa post niya. Nanlaki na ang kanyang mga mata.

"I seek for her a thousand times in my dreams"... Pamilyar ang ID na ito at mukhang kay Song Zi Hang iyon.

I seek for her a thousand times in my dreams: [Hello! Sa inyong lahat, ako si Song Zi Hang! Una sa lahat, wala akong kinalaman kay Jiang Yan Ran--joke lang ang engagement na namagitan sa pamilya namin. Pangalawa, Hindi ako hinalikan ni Shen Meng Qi; ako ang humalik sa kanya, di ko mapipigilan yun kasi sobra ang kagandahan niya. Di rin sinabi sainyo ni Meng Qi na magiging kami na pagtapos naming grumaduate. Sabi nya kasi gusto niyang mag-aral muna. Pangatlo, isang tao lamang ang nagustuhan ko at si Shen Meng Qi yun! Kaya kung may gusto kayong sabihin, ako ang harapin niyo. Huwag kayong manakit ng mga inosente!]

"Song Zi Hang! Magaling.. Magaling ka…" Binabasa ang nag didipensa na salita ni Song Zi Hang, kinagat ni Jiang Yan Ran ang kaniyang labi hanggang malasahan niya ang dugo.

At ang mga sumunod na reply ay nakakasakit na sa Jiang Yan Ran na parang sinasaksak na siya ng maraming kutsilyo...

[Wow! Andito na ang original proprietor! Parang napakalakas tuloy ni captain Song!]

[Ako lang ba ang naaawa kay Jiang Yan Ran? Nauna niyang nakilala si Song Zi Hang diba? Sa huli, isinantabi lamang siya na parang walang saysay! At saka, Baka di pa makatotohanan ang sinasabi ni Song Zi Hang!]

[Di na sila makakatakas diyan; sa relationships, kailangan nagmamahalan ang dalawang tao! Sinabi naman na ng lalaki na di siya gusto nito at baka masyado lang umasa ang babae! Sisihin dapat niya ang utak niya na di nakakaintindi. Anong kinalaman nun kay Shen Meng Qi?]

[Hindi naman mali ang pinili ni Song Zi Hang diba? Kung ako yun, maganda din at may class ang pipiliin ko! Hahahaha..]

...

Bagamat kung iintindihin natin ang sinabi ni Song Zi Hang, nagtataka ang mga tao at naisip nila na baka sinabi niya iyon para protektahan si Shen Meng Qi. Ngunit, ang reply ni Song Zi Hang ay nagiba ng direksyon at lalong sumikat ang post tungkol kay Shen Meng Qi sa Qing He.

Sa oras na din na iyon, bumalik na si Ye Wanwan sa dormitoryo niya.

May natandaan siyang mga salita at di niya alam kung bakit, "Gusto... na tayong dalawa nasa kama" ay parang pamilyar sa kanya, parang sinabi niya ito sa isang tao sa punto ng buhay niya, pero ang taong iyon ay hindi si Gu Yue Ze. Gayunpaman, natatandaan niya ang lahat ng hindi niya sinabi kay Gu Yue Ze."

Leche... Hindi ko man lang matandaan kung kanino ko sinabi iyon. Bat ko naman masasabi yun? nakakahiya!

Tinigil ni Ye Wan Wan ang ganitong pag-iisip at nang naghahanda siya para matulog, nag-ring ang phone niya. Lumabas sa screen na tumatawag sa kanya si Jiang Yan Ran.

Tumaas ang kilay ni Ye Wanwan at sinabing, "Hello?"

Nag-connect na ang tawag nilang emosyon ni Jiang Yan Ran ay naririnig sa boses niya, sumagot naman ang tumatawag, "Ye Wan Wan! Wag mong i-delete ang post mo! Magtatrabaho ako sa iyo sa kahit anong paraan na gusto mo! Gusto ko lang na magsisi si Song Zi Hang sa ginawa niya! At bayaran ni Shen Meng Qi sa ginawa niya!"

Ambilis naman magbago ng attitude nito!

Mukang nag-ayos at nag-usap na si Shen Meng Qi at si Song Zi Hang, napaamin niya na din na inosente siya...

"Walang problema," Sambit ni Ye Wanwan.

"Sabihin mo sa akin kung anong gagawin ko!"

"Hinay-hinay lang, My big missy, pumasok tayo sa kwarto ko at pag-usapan natin yan." Pagkatapos magsalita si Ye Wan Wan at bago niya maisip na parang mali at weird ang sinabi niya, parang nagkamali siya pero di niya alam kung saan banda.

Parang linya sa unspoken rule ng entertainment circle...

"Sige! Papunta na rin ako diyan!" Di alam ni Jiang Yan Ran na si Ye Wan Wan, na nakakaalam sa mga kilos ng babae ay mapagkakatiwalaan niya. Agad siyang pumayag ng walang alinlangan.

avataravatar
Next chapter