65 Magsaya tayo...

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang bakas ng pagaalala si Ye wan Wan. Hinayaan niya lamang na tumunog ang kanyang telepono at saka dahan-dahang sinagot ito, "Hello?"

"Wan Wan! Bakit ang tagal mong sagutin ang telepono? Nasaan ka ba? Nasa eskwelahan ka ba? Kung nasaan ka man, bilisan mong pumunta rito sa Ren Ai hospital! Nanganganib ngayon si Mr. Gu!" habang nanginginig ang boses ni Shen Meng Qi.

Tama nga, galing kay Shen Meng Qi ang tawag tulad ng inaasahan.

Marahang hinawakan ni Ye Wan Wan ang rosas na inilapat niya sa kanyang pisngi, nagkunwaring nabigla sa nangyari habang nakataas ang kanyang kilay, "Panganib?"

"Oo, nakatanggap ako ng balita na nasagasaan ng kotse si Mr. Gu at sobrang siyang nasaktan. Nasa emergency room siya ngayon at ang sabi ng doktor nanganganib na nag buhay niya! Kung ayaw mong pagsisihan ito ng buong buhay mo, pumunta ka na ngayon dito!" pagpupumilit ni Shen Meng Qi na tipong kapag nasabi na naibalita na niya ang nangyari, magmamadaling pumunta si Wan Wan at iiwan ang lahat-lahat.

Halatang naging malamig ang ekspresyon ni Ye Wan Wan kay Gu Yue Zue at nagsimulang makaramdam ng kakaiba si Shen Meng Qi. ngayon, isa itong malaking oportunidad para manumbalik ang nararamdaman ni Ye Wan Wan para kay Gu Yue Ze.

Sa nakaraan, gagawin niya talagang malal ang balita kahit bahagya lang na nasaktana ang kamay ni Gu Yue Ze. Hindi siya makapaniwala ngayon na ganito magiging katigas ang loob ni Ye Wan Wan.

Sa takot na hindi nadala si Ye Wan Wan, nagdagdag pa ng pampain si Shen Meng Qi, "Wan Wan, mukhang nakakapagtaka nga 'yung nangyaring aksidente kay Mr. Gu. eh. Biruin mo nasagasaan siya ng kotse sa gitna ng tirik na araw, parang sinadya eh. Sa tinging mo kaya may naagrabyadong tao si Mr. Gu? Sino kaya ang magtatangka na saktan ang young master ng pamilyang Gu?"

Halata namang sinasadya niyang akalain na si Si Ye Han ang may pakana ng aksidenteng kinasangkutan ni Gu Yue Ze.

Kung pwede pa niyang palalain ang relasyon nina Ye Wan Wan at Si Ye Han, magiging madalai na iyon para sa kanya.

Nasuya si Ye Wan Wan matapos marinig ang mga iyon. Kahit marami nang nagbago, hindi pa rin nagbabago ang mga taktika ni Shen Meng Qi. Ang mga pakikipagaway niya kay Si Ye Han sa dati niyang buhay ay dahil sa mga kabuluktutang sinasabi ni Shen Meng Qi na syang nagpasira sa kanila.

Sa katunayan, isang malaking pangsiklab ng apoy ang balitang naaksidente si Gu Yue Ze.

Kahit na napaliwanagana na rin ito sa huli, gumagawa pa rin ng kabulastugan si Shen Meng Qi para matuon ang sisi kay Si Ye Han. Sa nakaraan, hindi niya inaakalang sasabihin ni Shen Meng Qi ang mga ganung klaseng bagay para manggulo at naniwala pa siya noon na si Si Ye Han ang may pakana kung bakit nasangkot sa malagim na aksdiendet si Gu Yue Ze.

Patuloy lang sa pagsasalita si Shen Meng Qi sa halos kalahating oras at nanag matapos iyon, sumagot lamang si Ye Wan Wan sa dalawa niyang ga salita, "Kuha ko."

Saka niya ibinaba na ang cellphone.

Matapos ibaba ang cellphone, ngumiti lamang si Ye Wan Wan at tumitig sa kanyang cellphone.

Sa mga oras na ito, maaring nagtatago si Shen Meng Qi sa likod ng pinto ng ospital, naghihintay na mahuli si Ye Wan Wan na nanloloko at nagiisip ng plano para ipakita itong ebidensya kay Si Ye Han para isipin na isa siyang traydor. Ito ang kanyang naging plano.

Sus, kahit na guluhin pa ako ni Shen Meng Qi, bakit hindi kaya samahan ko siya sa larong ito...pareho kaming magsasaya nito....

Bumalik na si Ye Wan Wan sa hardin.

Matapos ayusin ang kanyang mga libro, masyang tiningnan ni Ye Wan Wan si Si Ye Han saka nagsabi, "Love, medyo late na ako, kailangan ko pang pumasok sa klase bukas. Babalik na ako sa eskwelahan!"

Maliban sa pagbalik ni Ye Wan Wan mula sa natanggap na tawag kanina at ngayo'y humihiling na umalis na agad siya pagkatapos, hindi nagpakita ng anumang ekspresyon sa mukha si Si Ye Han. Tumingin lang siya sa dalaga, mula sa mga matang animo'y nakakatakot na malalaking butas na lalamon sa liwanag.

"Babalik ka ng eskwelahan?" tanong niya.

Dati hindi alam ni Ye Wan Wan kung anong reaksyon ang ipinapakita ni Si Ye Han, pero ngayon, napansin ni Ye Wan Wan na parang may mali na sa inaasal ni Si Ye Han.

Mukhang alam naman na ni Si Ye Han ang lahat-lahta at naisip na ng binata na gusto niyang pumunta ng ospital para makita si Gu Yue Ze.

Gayunpaman, umarte pa rin siya na parang walang napansing kakaiba. Dinala niya ang kanyang schoolbag saka nagpaalam, "Oo, masyadon ka na kasing abala sa trabaho mo kaya hindi mo na ako kailangang ihatid pa. Kaya ko namang bumalik ng mag-isa!"

avataravatar
Next chapter