408 Magsaya kasama nila

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa sandaling ito, naging kulay berde na ang bituka ni Eugene. Pinagsisisihan niya ang kanyang pagsugal at padalos-dalos niyang pag kilos.

Ngunit huli na ang lahat para magsalita pa.

Kaya naman, agad na humarap si Eugene kay Qui Hong Hai at sinabi, "Boss, paano kung sila ang Rosas ng Kamatayan? Hindi sila nagpakita sa loob ng sampung taon - sinong nakakaalam kung gaano na sila makapangyarihan ngayon? Baka naman nagpapanggap lang sila! Kaya natin silang ubusin lahat sigurado! Kung gayon, bakit hindi tayo gumawa ng pangalan para sa ating grupo?"

Nang marinig iyon ng kasama nila nasa likuran ng babaeng naka itim na belo, ang lahat ay nag tawanan na parang nakarinig sila ng nakakatawang biro.

"Hahahahaha… tama si master… matagal tagal na din simula ng makakita tayo ng isang nakaka-aliw na grupo!"

"Gusto mong subukan ang kakayahan ng Rosas ng Kamatayan? Bakit hindi tayo magsaya kasama nila ngayong araw, ha?"

"Wag ka mamatay agad! Kailangan mo pang mabuhay!"

Umaalingawngaw ang nakakaloko nilang tawanan at masakit sa tainga, nanagdulot ng pangingnig sa kanilang mga buto.

Sa sandaling ito, hindi na kayang panatilihin ni Qiu Hong Hai ang kaniyang pagpipigil; ang Murderous Blood Gang, ay nagdudulot ng takot sa tuwing nababanggit ang pangalan nila,

Humarap si Qui Hong Hai kay Eugene at sumigaw, "MANAHIMIK KA!"

Hindi na baleng kung mamamatay mag-isa si Eugene, ngunit ngayong hinihila niya pababa ang buong grupo - maaari silang masira!

Wala na silang pagpipilian...

Sa kautusan na protektahan ang grupo, kailangan mamatay ni Eugene.

mabilis na nagisip si Qiu Hong Hai. Nakapagdesisyon siya agad-agad ng kuhanin niya ang baril mula sa kamay ng maliit na payaso ng walang babala at itinutok sa ulo ni Eugene.

"Boss! Ikaw…"

Isang "bang--" ang umalingawngaw. Hindi na nailabas ni Eugene ang mga salita sa kaniyang bibig nang pasabugin ni Qiu Hong Hai ang ulo nito.

Ang kaniyang duguang laman at basag na bungo ay nagkalat sa mukha ng lalaking nasa tabi niya. Isang malapot at mabahong dugo ang kumalat sa hangin, na nagdulot sa lahat na pagkasuka.

"Senior, hindi ako naging strikto kaya hindi nag-isip ang aking tauhan at nagawang galitin ang senior! Aaksyunan ko ang taong ito, kaya sana ay masisiyahan ang senior!" nanatiling naka yuko at humihingi ng tawad si Qiu Hong Hai matapos magsalita na para bang naghihintay ng kanyang sasabihin.

Ang mga butil butil na pawis sa noo ni Qiu Hong ay nahulog sa lapag, tumutulo isa isa...

Makalipas ang ilang sandali, ang taga sunod sa tabi ni Black Widow ay lumingon sa kanyang master nagaantay ng kanyang utos at napalingon ng malamig patungo sa direksyon ni Qiu Hong Hai at nagsabi, "Umalis ka!"

"Opo… salamat sa iyo, senior… salamat sa iyo senior Hai Han..." ang mga salitang iyon ay nagbigay ng pakiramdam na napatawad na siya; paulit-ulit siyang nagpasalamat at inutusan ang kanyang mga kasama na umatras na kaagad, takot na baka bawiin pa ng babae ang kanyang sinabi. Hindi na sila nagpatumpik tumpik pa.

Sa isang iglap nawala lahat ang lahat ng tao.

Umatras sila...

Ang Murderous Blood Gang ay talagang… umurong ng ganon lang...

Habang pinapanuod nila ang Murderous Blood Gang na umatras ng ganoon ganon lamang, si Liu Ying at ang iba ay parang nakabaon ang mga paa sa lupa. Sobrang namangha sila sa nakita nila.

Matapos nilang makabalik sa kanilang katinuan, mas lalo pa silang nawalan ng pag-asa at natakot.

Kung kaharap nila ang Murderous Blood Gang, sa tingin nila may pagasa pa silang manalo, ngunit kung ang haharapin nila ay ang Rosas ng Kamatayan - wala silang pag-asa kahit pa pigilan man lang sila...

Tumingin si Liu Ying at ang iba na parang ang kaharap nilang grupo ng tao ay parang mga kalaban nila.

Pagkatapos umalis ng Murderous Blood Gang, ang mga taga bantay ni Ye Wan Wan ay hindi kumikilos ng hindi nagiisip at nananatiling nagbabalat kayo, naghihintay ng utos galing kay Ye Wan Wan.

Sa simula pa lang, para silang si Liu Ying at ang iba - na hindi nila maintindihan kung bakit pinili ng kanilang master ang ganitong uri ng maselang greenhouse flower.

Ngunit sa oras na ito, ang pagtanggi ni Ye Wan Wan sa pag alis, ang pagpilit na pwersahang magbalat kayo sila at ang abilidad na paatrasin ang Murderous Blood Gang ang mga bagay na nagpabago sa pagtingin nila sa babae at meron pang kaunting kasamang paghanga sa kanilang mga mata...

avataravatar
Next chapter