251 Magrason sa ganitong mga tao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

May matangkad at payatot na reporter na matalim ang bibig at baba na parang sa unggoy na nakikipag siksikan sa mga tao para pumunta kay Jiang Yan Ran. Sinigurado ng reporter na nakaharap sa kanya ang camera na parang bang may binabalik siyang masama.

"Miss, pwede kong malaman kung fan ka ni Han Xian Yu?" kakaiba ang tono ng pagtatanong ng reporter.

Tumingin ng direkta si Jiang Yan Ran sa camera at walang takot na sumagot, "Oo."

Ipinasa ng reporter ang mikropono sa kanya, "Anong opinyon mo sa paratang kay Han Xian Yu tungkol sa kanyang sexual abuse sa batang babae?"

Pinilit ni Jiang Yan Ran na itago ang kumukulong galit niya at kalmadong siyang sumagot, "Mr Reporter, bago ko sagutin ang tanong mo, hindi ako sang-ayon kung paano mo siya sinabi. Wala pang hatol ang korte kaya 'wag mong gamitin ang mga salitang 'sexual abuse'."

Ngumisi ang reporter, "Narinig ng publiko ang paglahad ng batang babae at nakita rin ang bahid ng mga sleeping pills kanyang katawan ayon sa medical reports. Marami sa mga malalapit na tao sa buhay ni Han Xian Yu at kahit ang ex-girlfriend niya ay binahagi na paedophile nga si Han Xian Yu. Bulgar na sa industriya ang sikretong ito. Meron litrato na nakahiga kasama ang mga batang babae si Han Xian Yu. Inosente pa rin ba siya para sayo?"

Humigpit ang kamao ni Jiang Yan Yan. "Sa mata ng batas, walang pruweba sa ebidensyang ito. Sinabi lamang ito ng isang batang babae at walang nakasaksi sa kanya. At saka, hindi natin alam kung sino ang nagpakain sa kanya ng sleeping pills. Sinasabi lang ng balita na may malalapit na taong nagbigay ng berbal na testigo, isa pa yung mga litratong iyon…"

"Nasa harap mo na ang lahat ng ebidensya pero ayaw mo pa ring tanggapin ang katotohanan! Ito ba ang klase ng fans ni Han Xian Yu?! Ipinresenta na patotoo ng batang babae, yung litrato at kahit ang kanyang medical report ay pinakita na niya; bakit binabaliktad mo ang katotohanan?! Ha! Parehas ng idolo ang fans niya!" Mabilis na umentra ang reporter sa sinasabi ni Jiang Yan Ran.

"Anong sinabi mo? 'Parehas ng idolo ang fans niya'? Mapagbigay na tao si Han Xian Yu, kahit pagkatapos ng debut niya ay naging mabait at nagbibigay siya ng positibong pag-uugali sa aming mga fans niya, siya ay…"

"Dahil ang katotohanan... ang lahat ng ito ay para itago ni Han Xian Yu ang dugyot at malibog niyang pagkatao!" Muli sumabad ang reporter.

"Dapat hintayin natin ang pasya ng hurado dahil tinanggap naman na nila ang kaso? Sino ka ba para…"

"Gusto mo pa ring hintayin ang hatol ng korte kahit pa matibay na ang mga ebidensya? O dahil, gustong pilitin ni Han Xian Yu na magpasya na ang korte dahil hindi niya masuhol ang magulang ng bata? Sinasabi ko sayo na kahit ano man ang hatol ng korte, ang katunayan ay hindi magbabo, na si Han Xian Yu ay nanghalay ng isang batang babae . Kami, bilang reporters ang magbibigay ng hustisya sa mga biktima nito, kahit pa hindi sila mabigyan ng hustisya ng korte!" sumigaw ang reporter.

Inudyok ng payatot na reporter ang ibang mga reporters na sumali sa kanya, "Tama! Ibibigay namin ang hustisya sa mga biktima! Hindi dahil mayaman kayo ay pwede niyo nang pahirapan ang ibang mga tao!"

"Dahil may fans ka ay mababago mo na ang opinyon ng publiko? Magpantasya ka lang!"

"Tanggalin natin ang kanser sa lipunan! Ipakita natin sa fans niya ang totoo!"

"Bakit naging masama ang tulad mong magandang babae?! Sinira ng g*g*ng yun ang buhay ng batang babae, pero dumedepensa ka pa rin sa kanya?! Wala na bang natirang makatao sayo?"

"Hindi!; Sinasabi ko lang ang totoo!"

"Ang katotohanan ay si Han Xian Yu ay isang malibog at nakaksuklam na tao!"

Sinubukan ni Jiang Yan Ran na magdahilan sa kanila ng kalmado, pero hindi sila makausap ng maayos. Wala silang pakialam kahit makatwiran na ang ebidensa, bawat isa sa kanila ay inatake at dinikdik ang camera sa mukha ni Jiang Yan Ran.

Pinagsiksikan si Chu Feng palabas sa maraming tao, nag-aalala siya nang makita niyang wala nang kontrol ang sitwasyon. Naabala rin siya dahil walang kawalang inaatake si Jiang Yan Ran.

"Aray----- sinong sumipa sa akin!"

Biglang nakaramdam ng sakit sa binti ang katabi ni Jiang Yan Ran na cameraman, nalaglag patagilid ang katawan ng cameraman kaya humampas sa lapad ang camera ng isang reporter. Mabilis na uminit ang ulo ng dalawa at nag-away sila sa isat-isa.

Habang nagkakagulo ang mga tao, tahimik na lumapit si Ye Wan Wan at tinakpan ng jacket ang ulo ni Jiang Yan Ran, "Tara na! Wag mong lokohin ang sarili mo! Hindi ka pwedeng magrason sa ganitong mga tao!"

avataravatar
Next chapter