761 Magpustahan na lang tayo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Ay, walang pakialam si chairman Si. Paano magiging future mistress ng samabahayan ang tulad niya?!"

"Haha!" Ngumisi si Si Ming Li. "Ano naman? Okay lang, basta't masaya ang master natin."

Sumabad ang babaeng maputi ang buhok, si Si Ming Rong, "Ming Li, anong kalokohan ang pinagsasabi mo?!"

Tiningnan ni Si Ming Li ang matandang maputi ang buhok. "Second brother, ano pa bang masasabi ko, huh? Nagkomento lang ako sa babaeng 'yon pero binali na ni master ang dalawang binti ng anak ko. Ano bang gusto mong sabihin ko ngayon? Mamamatay ako kapag may sinabi akong masama sa babae na iyon, eh."

Tiningnan ni Si Ming Rong si Feng Yi Ping. "Pakisabi kay Xue Li na ipasa niya ang phone sa babaeng 'yon!"

Tumango si Feng Yi Ping at matapos ang ilang sandali ay sumagot siya, "Ayaw ng babae…"

Nagkagulo ang buong conference room nang marinig nila ang sinabi niya. Ang lakas ng loob niya, huh?!

"Kung ayaw niyang sagutin ang tawag, si Xue Li na lang ang mag-video call," sabi ni Si Ming Li.

Sa Fei Cui Workshop, nakaupo si Ye Wan Wab sa isang gilid at nakatayo sa harap niya si Xue Li habang nakaharap ang phone sa mukha ni Ye Wan Wan.

"YE WANWAN!"

May narinig na malakas na boses ang nasa kabilang panig ng tawag.

Napatingin si Ye Wan Wan nang marinig niya ito at nakita niya sa screen ang top management ng Si family.

Sa oras na iyon, naghihintay at inaasam nila Xue Li at Hou Maofeng ang magandang palabas. Ano bang tingin niya sa sarili niya? Ginalit niya ang top management ng Si family. Tingnan natin kung paano niya lilinisin ang duming iniwan niya!

"Bakit hindi kayo nagpo-pokus sa pagpupulong niyo? Wala kayong magawa kaya pinipilit niyong makipag-video call sa akin, huh?" Tiningnan ni Ye Wan Wan ang mga matataas na opisyal sa video call at mapangasar niyang tinawanan ang mga ito.

"Ang tapang mo, Ye Wan Wan! Nakipagkasunduan na si Miss Ruo Xi sa Hui Cui Workshop noon pa man, pero ikaw na estranghero lang na walang alam, ang sumira ng misyon. Sinisira mo ang reputasyon ng kumpanya!" Galit na galit siyang sinigawan ni Feng Yi Ping.

Bilang miyembro ng board of directors, may kapangyarihan siyang pagsabihan si Ye Wan Wan, kahit siya ang mistress ng sambahayang Si. At tsaka, hindi pa naman mistress ng sambahayan si Ye Wan Wan.

"Dahil naniniwala at pinagkakatiwalaan ako ni Ah-Jiu sa tungkulin na ito, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko. Hanapin niyo na lang ang master niyo kung hindi kayo nasisiyahan sa ginagawa ko. Bakit niyo pa ba ako kinakausap?" Kalmado na sinabi ni Ye Wan Wan.

"A… anong sinabi mo?!" Kinaskas ni Feng Yi Ping ang ngipin niya.

"Haha, sinabi ko na sa inyo noon na gustong makipaglaro ni Ah-Jiu, edi hayaan niyo siya. At tsaka, wala siyang pakialam sa katiting na pera na ito. Itrato niyo ito na parang nagbibigay lang kayo sa pulubi," ngumisi si Si Ming Li habang nasa video call.

Biglang tiningnan ni Ye Wan Wan si Si Ming Li at nagulat siya nag sinabi niya, "Fourth great uncle, bakit nandito ka rin? Akala ko nasa bahay ka lang, inaalagaan ang pilay mong anak."

Biglang napatayo si Si Ming Li dahil sa sinabi ni Ye Wan Wan. "Ye Wan Wan… matalino talaga ang tingin mo sa sarili mo, huh? Sinisira ng ginawa mo ngayon ang mga pagmamalasakit ng lahat ng nasa Si family. Kaya mo bang buhatin ang kaparusahan ng ginagawa mo?!"

"Kapag hindi ka sumunod sa mga inuutos sayo, Ye Wan Wan, kailangan mong tanggapin ang responsibilidad ng mga kahihinatnan. Hindi ka na kayang protektahan ni Ah-Jiu kapag nakauwi ka galing sa Myanmar!" Dinig ang malakas na pagsigaw ni Si Ming Rong sa buong prosecution hall.

"Wala akong problema diyan… bakit hindi na lang tayo pagpustahan, tutal, matatalo naman na ako para sa inyo 'di ba?"

"Anong pustahan ang magaganap?" Napakunot si Feng Yi Ping.

"Kapag kumita ako, ang mga sumali sa pustahan ay kailangang sabihin na mga bastardo at mga pindeho sila. Sinong sasali?" sabi ni Ye Wan Wan matapos niyang pag-isipan ang mga ito.

"Walang kwenta!" Sumigaw si Feng Yi Ping.

"Ayaw mo, huh?" Tumaas ang mga kilay ni Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter